-2-
***
Pagkagising na pagkagising ni Yasmin ay ikinuwento ko kagad sa kanya yung nangyari kagabi. Utas siya kakatawa kasi hindi daw niya akalain na kakagatin ni Adreinne yung pananakot ko. Kaya heto kami ngayon, kumakain ng breakfast habang makakahulugang tingin ang ibinibigay sa isa't isa. Sabay kaming titingin kay Adreinne saka kami mahahagikgikan. Mukhang badtrip na badtrip na ang mokong kasi hindi na niya tinapos ang pagkain niya. Gets niyang siya ang pinagtatawanan namin. WAHAHAHA. We're so mean. Kami na ang bad!
After naming kumain ay nagpaalam kami kina Tita na aalis na kami para mamasyal.
GALA.
GALA.
GALA.
Nasa isang public market kami ni Yasmin ng may lumapit saming apat na Koreano. May inaabot na papel. Clueless ko namang kinuha. Ang nakasulat doon ay mga numbers. Sa hula ko ay mga mobile phone numbers iyon.
“Randee ano yan?” nagtataka din na tanong sakin ni Yasmin. Kibit balikat ang sagot ko sabay baling sa mga Korean.
“Ahhh.. I’m sorry but may I know why are you giving me this?” sabay angat ng papel na binigay ng mga ito. Pero sa kasamaang palad mukhang hindi magets ng mga ito ang tanong ko. So inulit ko ulit sa mas mabagal na pagsasalita.
“Why??” Nag-act ako ng question mark.. “You--you” sabay turo sa kanila. “give --- giving this to me” act ulit na binibigay saken ung papel. Mukang nagets naman nila ang tanong ko. Yung matangkad na pinakagwapo ang nagsalita.
“You asking fol oulr numberls?" Naintindihan ko naman kahit bulol.
“I did not ask for it” umiiling naman na sagot ko. Yung isa pang koreano ay may tinuturo sa likod niya. Kinuha naman yun ni Yasmin at tiningnan pero Korean/hangul ang pagkakasulat.
“What does it mean?” inabot pa ni Yasmin sa mga Korean ang papel na nakadikit kanina sa likod niya.
“Oh.. I rost my numbelr.. can I have youlrs.? With flee kiss..ke ke ke”
“HUH?!” sabay naming tanong ni Yasmin. Sino na namang nagtrip sa kanya. Kelangan pa ba niyang itanong yun? Isa lang naman ang gagawa non. Walang hiya ka talaga Adreinne.!!
“Ahmm.. I’m sorry but I did not write it and I’m not asking for your numbers.”
“Ahh.. we solli too..” sabay bow ng mga ito bago sila umalis.. syempre bow din kami. Pagtunghay ko kumulo kagad dugo ko kasi ang may pakana ng kalokohan na to ay lumampas pa sa harapan namin at pasipol sipol pa.
“Hey you!!! Adreinne!” sigaw ko. At ang baliw na lalaking yon ay kumaripas ng takbo kahit pa ang outfit nito ay parang nakadress na ewan. May sayad talaga!! Hahabulin ko sana pero pinigilan lang ako ni Yasmin.
“Randee…Mapapagod ka lang kakahabol don pero hindi mo naman maabutan.”
“Nakakainis na talaga ang pinsan mong yan ah! Bakit trip na trip niyang yamutin ako?" Nanggagalaiti kong sigaw.
“Palampasin mo na muna. Kahit naman ako nayayamot na eh.”
“Mababaliw na ako sa kalokohan niya Yasmin. Sa itsura kong to.. Baliw din naman yung mga Koreanong yun. Nakikita naman siguro nila na tomboy ako pangbigay pa ng number para makakiss lang!! waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh” Naiiyak sa inis na himutok ko.
“Baka akala fashion mo lang yan. Saka ang ganda mo naman kasi kaya ang hirap iresist..”
“Heh! Uwi na tayo. Wala na ako sa mood gumala.” Hindi naming nakita si Adreinne pag-uwi namin. Nagtatago siguro.
BINABASA MO ANG
[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The Tomboy
Teen FictionEveryone has the right to love and to be loved. No requirements. No conditions. No reasons are needed.. masaya malungkot masakit kakabaliw FOOLISH HEART