-8-
***
Sinundan ko si Adreinne pagkatapos niyang magspeech sa classroom namin kanina. Nakakatawa lang siya. OA daw ako pero sino ang akala mo ay nasa shooting kung makapagdrama. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench sa may school garden. Ano kayang problema ng lalaking 'to at nagkakaganito? Nakangisi ko siyang nilapitan.
"Hoy pretty boy anong nahithit mo at nagspeech ka kanina?" nang-aasar na tanong ko sabay batok sa kanya.
"Haist! Kelangan talaga mambatok ha? ha? " nakasimangot niya akong tiningnan nang makita niyang nakangisi ako ay inirapan niya ako.
"Hanep kung makairap ah! Dinaig pa ako! Turuan mo nga ako! Paano nga yon? Ganito ba?" at patirik tirik ang mata na humarap ako sa kanya. Halata namang pinipigilan niya lang ang pagtawa.
"Hoy itawa mo yan! Mahirap na baka may masamang amoy akong malanghap. Buti pa ang mga puno't halaman makikinabang eh paano naman ako?" sabi ko sa kanya habang sinusubukan ko pa ring umirap.
PUAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH
"Oh diba? Mas masarap sa pakiramdam ang tumatawa kesa birahan mo ako ng irap mo?"
"Haist! Kaya ako lalong naiinlove sa'yo eh."bulong niya habang nakatitig sa akin.
"Ha? Anong sabi mo?" hindi ko naman kasi talagang narinig.
"Wala, ang sabi ko bakit ka andito?"
"Obvious ba? Sinundan kita."
"Bakit?"
"Buang ka talaga! Eh bakit nagspeech ka kanina sa room?" nakangisi kong tanong sa kanya.
"Haist! Nafufrustrate ako eh..." malungkot na sagot niya.
"Ha? Bakit? May problema ka ba?"
"Eh sinusungitan mo ako eh! Ayos ka naman makipag-usap kina Arc pero pagdating sakin ang sungit sungit mo!" nakapout na reklamo niya.
"Ha--ano?--dahil lang--HAHAHAHA!"
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw. HAHAHAH. Dahil lang nasungitan kita. Matindi ka naman sa kaartehan. Nasungitan ko din naman sila ah! Balat sibuyas ka pala Ren. HAHAHA"
"Siya tawa pa. Haist! Eh sa naiini---Ano, a-anong tinawag mo sakin?" biglang nanlaki ang mata niya.
"Ren! Ang haba kasi ng Adreinne. Ren na lang para mas maikli. Mas bagay pa sa'yo!"
"Ren..." parang wala sa sariling bulong niya.
"Hoy! Ayaw mo bang tawagin kitang Ren? Eh di sige Adrienne na lang ulit."
"Ha? Hindi, hindi. I mean gusto ko ang Ren." natatarantang sabi niya.
"Ano ba talagang problema mo? Parang wala ka sa sarili mo ah."
"Ah...Hehe..gutom lang siguro. Tara sa cafeteria, treat kita ng kahit anong gusto mo." biglang sumigla ang boses niya. Nawi-weirduhan na talaga ako sa lalaking ito kaya hinipo ko ang noo niya para macheck kung may sakit ba siya. Napapitlag naman siya sa ginawa ko.
"Wala ka namang sakit pero ang weird mo talaga Ren."
"Ren..."nakatutulala na naman ang buang na 'to.
"Ano ba ito...Hoy!"batukan ko nga ulit.
"Masakit ah! Nakakadalawa ka na ah! Haist! Hahalikan na kita diyan eh!"
"Ako'y kinakabahan na sa'yo ah. Umayos ka nga! Malayo ang mental hospital dito!"
"Hindi ako baliw!"
BINABASA MO ANG
[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The Tomboy
Teen FictionEveryone has the right to love and to be loved. No requirements. No conditions. No reasons are needed.. masaya malungkot masakit kakabaliw FOOLISH HEART