*Chapter One*

800 97 91
                                    

(Jace's POV)

Kakatapos lang ng shooting. Katambal ko rito ang kaibigan kong si Camille. Being with her reminds me of my childhood friend, Janelle Cassidy. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Sampung taon na ito doon sa Amerika. Wala na yatang balak na magpakita pa yung kababata kong iyon. Napakainit ng panahon, para akong pinapaso. Mabuti na lamang at mabilis kumilos ang personal assistant kong si Bea. Pinayungan agad ako nito saka inabutan ng nakaboteng malamig na mineral water. Agad ko namang kinuha iyon at binuksan. Nilagok ko agad ang laman niyon. Nauhaw ako sa kakagalaw sa shoot. Action movie kasi ito at ngayon ang last day ng shoot. Kaya naman, grabe ang action scenes. Hindi naman ako gumagamit ng double dahil gusto kong ako talaga ang gumawa ng action scenes. Sa katunayan, malapit na ang premiere night namin. Nasa Tagaytay kami ngayon. Iniabot ni Bea sa akin ang cellphone ko.

"Sir Jace, nagtext po si Ma'am Jade." Pagbibigay-alam nito.

Agad ko namang kinuha sa kanya ang cellphone ko saka binasa ang message sa akin ni Jade. Pinapapunta daw ako nito sa Dream Guys Resort. Inis na napakamot ako sa ulo ko na hindi naman makati. May ginawa na naman siguro itong di kanais-nais. Ano na naman ba kasalanan nito? Last time na nagtext ito na papupuntahin niya ako sa Dream Guys Resort ay dahil muntik na itong ipakulong ng kaibigan kong si Nigel. Muntik ba naman kasing pasukin ng kapatid ko ang private cottage niya. Nagkagulo sa buong Dream Guys Resort. Inakala daw kasi niya na cottage iyon ng isa ko pang kaibigan na si Ace. Matagal na kasi siyang may gusto sa kaibigan kong si Ace.

"Bea, pakitawagan si Clifford. Sabihin mo kailangan ko ang chopper." Nakasimangot kong utos kay Bea.

Nang makasakay kami sa private van. Agad kaming nagpunta sa Tagaytay Highlands. Mahigit dalawang oras din kaming naghintay doon bago lumapag sa helipad ang helicopter ng Dream Guys Resort. Lulan nito ang kaibigan kong si Clifford. Sumakay na ako sa helicopter. Nagpaiwan kasi si Bea, ayaw niya daw sumama sa Dream Guys Resort.

Tahimik lamang kaming dalawa ni Clifford ni isa sa amin walang nagsalita. Siguro katulad ko stress din ito sa trabaho. Ganito kasi ito kapag tahimik. Halata mo na may pinoproblema. Hanggang sa makarating kami ng Dream Guys Resort ay walang nagsalita. Nang makalapag na kami sa helipad ng Paradise Haven. Nagpaalam na din ako sa kanya. Tumango lamang ito.

Agad akong sumakay ng elevator. Habang nasa elevator ay naisipan kong tawagan ang kapatid ko. Isinandal ko ang aking ulo sa dinding ng elevator. Napabuntong-hininga ako habang nagriring ang kabilang linya. I'm so fucking tired! Halos wala akong pahinga. Ilang ring bago may sumagot.

"Hello, kuya." Masayang bati sa akin ni Jade sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganito iyong tono ng boses niya noong muntikan na siyang ipakulong ni Nigel. Malungkot kasi ang tono ng pananalita nito noon. Hindi gaya ngayon, napakasaya nito sa kabilang linya.

"Ano bang kailangan mo sa akin, Jade? Bakit mo ako pinapunta dito sa DGR?" Malamig kong tanong sa kanya.

Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. Halata ang pagkadismaya nito sa itinanong ko. Masyado kasi itong madrama sa buhay. Gusto kasi nitong bumalik ako sa ugali ko noong highschool pa kami. Lumamig lamang ang mundo ko nang iwanan ako ni Cassidy ng hindi nagpapaalam.

"Kuya, may surprise ako sa iyo. Magkita tayo sa bukas sa DGR hotel." Masaya niyang sabi sa akin

Mahina akong napamura sa sinabi niya sa akin. Paano ba naman kasi? Buong akala ko ay may ginawa na naman siyang katangahan at kailangan ng tulong pa. I was worried for nothing! Napapagod na ipinikit ko ang mga mata ko. Zachira Jade is sure as annoying like a little child.

"You made me come here for no reason. What the hell is wrong with you, little sis? I am exhausted from the shoot." Malamig kong sabi sa kanya.

Billionaire's Unforgettable Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon