chapter 4-The day before the death month game

70 5 2
                                    


Daisy's pov..

Ito na ang araw, ito na ang araw na kinakatakutan namin, ang araw na bumunot kami ng numero para sa mga hukay namin.

Andito na kaming lahat sa classroom pati na si sir Cyril na nakaupo sa kanyang desk sa gitna at kaharap nya ang kahon na may lamang nakalukot na papel at ang nakasulat ay ang mga numerong magdadala sa amin sa impyerno.

Lahat kami tahimik malayo sa nakilala ko noon sa kanila na maingay. Pati rin ang grupo ni eric na maingay sa lahat pero bakit tila umuurong ang dila nila ngayon dahil ba sa kaba o takot lang sila sa mga sandaling ito?

"guyz..pick one!"kahit pinipilit ni sir ang sarili pero nagsalita sya.

Walang sino mang lumapit sa harapan para kumuha ng lukot na papel na nasa kahon. Nanatili lang kaming nakaupo at tanging hikbi lang namin ang maririnig.

"alright, ako na ang bubunot para sa inyo?"tumayo si sir sa upuan at kinuha ang kahon sa mesa at isa-isang bumunot sa kahon at inilagay sa mga desk namin. Pagkatapos nyang bumunot, nagsalita sya.

"now..tingnan nyo ang mga numero nyo.."walang sino man ang pumulot ng papel sa harapan para tingna ang numero ng kamatayan. Sino ba namang may ganang tumingin sa numero na maglalagay sa iyo sa impyerno?kung mayron man, napakatanga nya.

"nu-number 7"narinig kong sigaw ni larken, nadako ang tingin namin sa kanya. Hindi ko namalayan na pinulot nap ala nya.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na puno ng takot, isa-isa nilang pinulot ang papel na nasa kanilang harapan habang ang kamay ay nanginginig dahil sa tension. Kaya wala na akong magagawa, no choice kaya pinulot ko narin ang nakalukot na papel saking harapan.

Nu-number 16.

"a-anong sayo.daisy?"siniko ako ni carmela, napaigtad ako sa gulat.

"number 16..ikaw?"balik kong tanong sa kanya.

"number 9"sabi nya, bakas sa kanyang boses ang takot.

Pinagmasdan ko ang mga kaklase, takot ang namayani sa kanila, alam ko, ramdam ko kahit ako ramdam na ramdam ko ang takot na namayani sakin. Takot na mabunot ang numero ko at hindi ako makakasagot sa katanungan tyak sa impyerno ang bagsak ko.

--

Natapos ang klase na wala kaming lahat sa sarili dahil alam namin na katapusan na namin bukas. nagsilabasan na ang mga estudyante pati kami. Habang dumadaan kami sa pasilyo, kami ang pinag uusapan ng mga ibang department.

Sino kaya ang maiwan sa kanila, sa tingin mo?

Aish..sana wala..mga mayayabang kasi sila..

Ui, tabi kayo..dadaan ang mga IT curse..

Nakakatakot naman..

Narinig namin ang bulung-bulungan ng mga studyanteng nakapaligid samin. Sanay na kaming tinatawag na mayabang, alam namin walang may gusto sa IT-IV dahil tingin nila mayayabang na kami pero hindi nila alam nagsikap din kami. Wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba, ang alam namin kami ang batas.

Ganunpaman, taas noo kaming naglakad sa gitna.habang naglalakad kami ang mga estudyante ay nahahawi. Takot kasi sila sa mga IT students dahil natatakot sila na baka mahawa sila sa sumpa.

Napahinto kami ng tawagin kami ni sir Cyril.

"IV IT student..labas tayo mamaya?"nagyaya si sir Cyril? Himala.kunsabagay, oras lang naman ang aming hinhintay para makapunta kami sa impyerno.

"sure,sir..treat mo?" sabi ni chan, bakas sa kanyang boses ang excitement.

"sure, akong bahala..see you later?"sabi ni sir at nagpatiunang naglakad. Alam ko, alam nila na kaya kami niyaya ni sir dahil para kalimutan muna naming ang dead month bukas at magsaya muna kami. Tsk,kahit anong pilit mo, dararating at darating din ang araw na iyon.

"ano,sasama tayo mamaya?"si chan, na bakas sa mukha ang excitement.

tsk, bakit ba may taong ganyan? Nasa problema na nga inuuna pa ang kasiyahan? Kunsabagay ganun din naman ako..hahah

"game!"sigaw ko sa kanila.

Kahit minsan man lang, kalimutan muna natin ang mga bagay na magpapagulo sa ating isipan katulad ng dead month, kahit ngayon man lang kalilimutan muna naming ang dead month na magdadala samin sa impyerno.


IT Curse(death month)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon