chapter 11-old library

59 3 2
                                    



eric's pov..


nakahanda na ang mga paa ko para sana tumakbo kung may sasabihin si sir na may nakita sya multo. pigil ang hininga ko dahil takot na takot ako, madilim at tahimik ang palgid. pinagpapawisan ako ng malapot.


"eric, maghiwalay tayo, jan ka sa lane ng bookshelf ako naman sa kabila."turo nya sa madilim na parte ng lane ng book shelf.

"si-sir, ayoko. hindi ba pwedeng magkasama tayo..hehehe"sabi ko sa kanya. 

"sira ka ba, paano natin makikita ang hinahanap natin kung magsasama tayo.."seryoso na si sir. sige na nga baka maging super sayan si sir at ihagis ako palabas.

"si-sige na nga sir!"napakamot ako ng ulo at tinungo na ang madilim na lane na tinuro nya.

napakadilim, tahimik. kinapa ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at kinuha ito. ini-on ko ang flashlight apps na nasa cellphone ko at ilang segundo nagkaroon ng kaunting liwanag.

naglakad na ako tanging flashlight lang ng cellphone ko ang nagsilbing liwanang ko. tumingin-tingin ako sa mga title ng libro na nasa shelf. binalot ako ng takot at kaba dahil may nakita akong mukha sa isang space ng shelf na walang laman at biglang naglaho ito. hindi ako makagalaw dahil sa takot, nanlamig ang boung katawan ko. nagulat ako ng may bumagsak na libro sa tapat ko. napatingin ako sa libro, isang makapal na itim na libro, nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito. nakita ko ang logo ng eskwelahan, pinagmasdan ko ito, binasa ko ang title.

"year book. 1999-2000" bubuklatin ko na sana ng may tumapik sa likod ko. napasigaw ako dahil sa takot. 

"hwag kang maingay..baka marinig tayo."napalingon ako si sir lang pala.

"ano iyan?"napansin nya ang hawak kong libro.

"year book"sabi ko, napansin ko din ag hawak nyang mga folder.

"sir, ano naman yan?" 

"mga files na nag aaral dito"

mapatingin kami sa nakasaradong pinto dahil nakarinig kami ng mga yabag ng mga paa sa labas. sa tingin ko si manong guard, nagsusurvey sa labas. napatingin kami ni sir.  dahan dahan kaming naglakad patungo sa pinto at minamtyagan kong mayron pabang tao sa labas. wala na kaming narinig na mga yabag, mukhang nakalayo na ito kaya mabilis ang mga galaw naming lumabas at tinungo ang daan papuntang rooftop. sa awwa ng dyos, nakarating kami doon na hindi nahuli ni manong guard.

nakahinga ako ng maluwag, napaupo ako sa sahig ng rooftop.

"hai..salamat, nakarating din tayo dito sir."pinunasan ko ang pawis ko sa noo ko gamit ang kamay ko dahil kinakabahan ako sa ginawa namin ni sir. ayokong mamatay, alam ko pag nahuli kami, kamatayan ang parusa. 


"patingin ng hawak mo.."binigay ko kay sir ang hawak kong year book.

binuklat-buklat ni sir ang yearbook at pagkalipas ng ilang segundo tumingin sya sakin ng puno ng pagtataka.


cyril's pov.


"sir, anong mayron?"napatayo si eric at nilapitan ako. dali-dali kong tiniklop ang hawak kong year book, hindi mo na nya pwedeng malaman ang nakita ko. hindi sa ngayon.

"wala, sakin mo na ito..sige matulog ka nalang.bukas nalang tayo ulit magkita.."

"sige, sir goodnight..inaantok narin ako."lumakad na sya paalis.

nilingon ko si eric, wala na sya, nakababa na ito. binalikan ko ng tingin ang hawak kong year book at binuklat ulit. kinuha ko mula doon ang papel na nakatupi na may nakasulat na 

"ang sekreto ng IT"

hindi ko muna pwedeng sabihin kay eric dahil baka hindi nya kakayanin. may tiwala ako sa kanya pero kapakanan ko lang ang iniisip nya. bilang guro nila, ang gusto ko maging ligtas sila. kailangan kong malaman ang sekreto ng IT.

naalala ko ang sinabi ni eric

"sir..kung malalaman man natin o hindi ang sekreto ng Death month ng oro casa university..may magbabago ba? hindi na kami mamamatay? sir..kahit anong gawin natin, kahit halungkatin pa natin ang sekreto kung bakit IT lang ang may death month, wala paring magbabago, mamamatay parin kami at patuloy parin ang death month ng IT"  

tama ka eric, wala paring magbabago pero kailangan kong malaman kung bakit nagkaganto. patawarin mo ako, pero itatago ko muna ang nakita ko dahil pinoprotektahan lang kita, kayo ng mga kaklase mo.



IT Curse(death month)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon