chapter 10-plan

76 4 5
                                    


i dedicate this chapter to furtuneArterial..salamat at nag enjoy kng basahin ang school killer..sana basahin mo ang ibang sinulat ko..maraming salamat..


eric's pov..

 dalawang buhay na ang nawala sa amin, nakakapanibago. ang dating masayang section, walang kinakatakutan ay napalitan ng takot at pangamba. lumipas ang araw, na parang wala lang kahit namatayan na ng dalawa sa loob ng isang araw. parang kahapon lang, masaya ang bonding namin, hindi alintana ang takot. sana ganun nalang sana noh! sana masaya nalang parati. 

hindi ako makatulog kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. mag stroll stroll nalang muna siguro ako. im sure, tulog ang gwardya ngayon kaya pwede akong ma gala nalang sandali. kung sakali mang hindi tulog si mamang guard, bigyan ko nalang ng tip para pumayag.  

paglabas ko ng kwarto, madilim na ang pasilyo dahil gabi na. liliko na sana ako ng makita ko si sir cyril na paakyat ng rooftop at may bitbit na supot na hindi ko alam kung ano ang laman. sinundan ko sya, umakyat ako sa rooftop. 

pagdating ko dun, nakita ko si sir na nakaupo sa sahig at may katabing can ng beer at isang supot na dala nya kanina. pinagmasdan ko muna sya bago ko sya tinawag, parang seryoso si sir ah. seryoso talaga sya pero iba ang pagkaseryoso nya ngayon, malalim ang iniisip.

"sir.."nilingon nya ako, ngitinitian at kumuha sya ng isang can ng beer sa supot na katabi nya at hinihagis sakin. nasalo ko naman. napailing ako at napangiti dahil sa turan ni sir parang kabarkada lang kami kahit teacher ko sya.

nilapitan ko sya.

"buti hindi ka nahuli ng guard na bumili ka nito sir"tumabi ako ng upo sa kanya. binuksan ko ang can ng beer at nilagok.

"buti nga dahil kung nahuli ako lagot ako nito..hehehe"

"parang may problema tayo sir ah..sa babae ba?"

"sira..hindi..hehehe..alam mo eric, na gui-guilty lang ako eh..feeling ko ako ang may kasalanan nito lahat..ako ang may kasalanan kung bakit nalagay sa alanganin ang buhay nyo."ramdam ko ang hinanakit ni sir. naaawa ako sa kanya dahil sa totoo lang wala naman talagang may kasalanan eh dahil alam ko, hindi din ginusto ni sir cyril ang mapasabak kami sa laro ng kamatayan. 

tinapik ko sya sa balikat.

"sir..wala namang may gusto nito eh..sino ba naman ang tanga na gustuhing mamatay.hwag mong sisihin ang sarili mo sir..dahil wala naman talagang may kasalanan eh.alam mo ba kung sino ang may kasalanan huh?"ngumiti ako sa kanya. pinapagaan ko lang ang loob nya.

ngumiti sya at tinanong ako kung ano.

"ang walang hiyang skwelahan na to.sir, nagtataka lang ako sir, bakit ang IT lang gantong laro pero sa ibang courses wla? napadehado naman yat ng mga IT?"sumeryoso na ako dahil nakapagtataka lang.

"iyan din ang ipinagtataka ko eh, kung bakit IT lang may death month pero sa ibang courses wala.eric, tulungan mo akong hanapan ng kasagutan ang lahat ng ito..matutulungan mo ba ako?" 

tumango ako kahit hindi ako sigurado sa sagot ko. natatakot ako sa plano sir, paano kong mahuli kami, mapadali ang kamatayan ko at si sir madadamay pa. bahala na, ang importante kung sakali mang matuklasan namin ni sir ang sekreto kung bakit IT course lang ang may death month, makakampanti na ako. di baleng mamatay, dun lang lang naman ako babagsak kaya lang mapadali nga lang.

---

nag gabi ding ito napagdesisyunan namin ni sir na sisimulan namin ang plano naming tuklasin kung bakit ang IT lang ang may death month.

"sir, saan tayo magsisimula?"tanong ko sa kanya.

"sa old library..sa 4th floor" pagkarinig ko sa sinabi ni sir, natakasan ako ng kulay dahil may mga bali-balita kasi na ang old library sa 4th floor ay haunted. 

"sir, bakit dun?"

"dahil dun nakatago ang mga old files ng oro casa university"seryosong sabi ni sir.

"sir, inaantok na ako sir..sige sir..good night..hehehe"pilit ang ngiti ko dahil natatakot talaga ako dun sa old library..akma na sana akong tatalikod ng hilahin ako ni sir.

"sir..ayokong sumama dun..plz..natatakot ako sir.. "hila-hila ako ni sir habang naglalakad. hindi nya pinapakinggan ang pagmamakaawa ko. hawak nya ang kaliwang braso ko hanggang makarating kami sa harap ng pintuan ng library.

"hawag kang aalis jan..malalagot ka sakin? bagsak ka sa subject ko..pag umalis ka jan?"seryosong saad ni sir sakin. wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nya. 

isinuot nya ang susi sa doorknob, ng mabuksan nya ito. tumambad sa amin ang madilim at amoy libro sa loob.

napalunok ako dahil takot ang namalagi sakin. paano kung totoo ang sinabi nila tungkol sa old library.paano kung?

"halika na.."sita ni sir sakin. 

naputol ang malikot kung pag iisip tungkol sa old library ng sitahin ako ni sir.

"sir..backout na muna ako..sige sir bye"tatakbo na sana ako ng mabilis na hinawakan ni sir ang braso ko.


"wui.. kanina ang tapang tapang mo na magsisimula tayo sa plano natin..isipin mo nga kapakanan ng mga kaklse mo huh..kayo.."

mapait ang ngiti ko sa sinabi ni sir. 

"sir..kung malalaman man natin o hindi ang sekreto ng Death month ng oro casa university..may magbabago ba? hindi na kami mamamatay? sir..kahit anong gawin natin, kahit halungkatin pa natin ang sekreto kung bakit IT lang ang may death month, wala paring magbabago, mamamatay parin kami at patuloy parin ang death month ng IT" tatalikod na sana ako para umalis ng hawakan ako ni sir sa braso at narinig ko ang buntong hininga nya.


"pero kailangan nating malaman, kailangan nating malaman kung ano ang puno't dul ng lahat ng ito.sige, ipalagay nalang natin na tama ka  walang magbabago, mamamatay parin kayo pero gusto mo bang mamatay na hindi alam kung ano ang dahilan ng ikinamatay mo. hindi ito para sakin, para sa inyo ang ginagawa natin. kung ako lang hindi ko ito gagawin dahil alam ko hindi ako mamamatay.isipin mo ngang mabuti eric!"tama sya.

napabuntong hininga ako tanda na papayag na ako sa sinabi nya.

"sige sir, papayag na ako.."

"halika na!"nag una na syang lumakad, ako naman nakasunod sa kanya, malikot ang mga mata ko na tumingin sa paligid dahil baka may makitang hindi kanais nais.

huminto si sir at tumingin sa mga naka lane na shelf ng libro. napalunok ako at kinakabahan dahil baka may nakita syang multo. dahan dahan syang lumingon sakin, pigil naman ang hininga ko dahil sa takot sa sasabihin nya na may nakita sya.

sir, kung ano man ang marinig ko mula sayo ngayon. pasensyahan nang tayo..tatakbo talaga ako at iiwan ko kayo.sir..promise..huhuhu..







IT Curse(death month)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon