Chapter 0.1

6 1 0
                                    

Gab's POV

Ahhh, magandang umaga Pinas. It's good to be back. Habang nakahiga ako dito sa napakalambot na kama may lumapit sakin na dalawang napaka-cute na bata.

"Moooooommy si Kuya oh kinuha niya yung Barbie ko" iyak ng isang babaeng bata na tila humihingi ng saklolo sakin.

"Oh eto na ibabalik ko na sayo, ayaw mo kasing mag-share ng pakain" sabi naman ng isang lalaking bata.

"Oh tahan na Xandra binalik na ni kuya oh. Dapat share din kayo ni kuya ng pagkain ha" Sabi ko habang nakayakap sa babaeng bata "At ikaw kuya dapat hindi mo naman kinuha ang laruan ng kapatid mo, dapat sinabi mo na lang sa daddy mo na gusto mo rin ng cereals"

"Sorry na Xandra" sabi ng batang lalaki at yinakap niya ang kanyang kapatid.

"Ok hali nga kayo payakap si mommy" Yinakap nila ako ng mahigpit at hinalikan ko naman sila sa noo.

"GAB, XANDRA, REBEL BABA NA KAKAIN NA TAYO" sigaw ng isang matipunong lalaki mula sa babang palapag ng aming bahay.

Nauna ng bumaba ang dalawang bata. Inayos ko muna ang aming higaan. Napatingin ako saglit sa mga litrato sa aming kuwarto, napangiti na lang ako habang tinitignan ang mga ito. Nakakatuwa palang isipin na ganoon na katagal ang pagsasama namin.

Matapos kong gawin yun ay inayos ko na ang aking sarili. Naghilamos, nagtoothbrush at nagsuklay ng buhok. Pagkababa ko nakita ko na kumakain na ang tatlo kong pinakamamahal na tao dito sa mundo. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila na kumakain ng umagahan.

"Oh Baby halika na, samahan mo kaming kumain ng breakfast. Anong gusto mo? Naghanda ako ng Pancakes, eggs, Bacon at fried rice. Milk o Juice?" Tanong ng isang napakagwapong nilalang sakin. Sweet pa rin siya gaya ng dati.

"Ahh sige ako na lang bahala, kumain ka na baby" Sabi ko habang kumukuha ng dalawang piraso ng Pancakes. Nilagyan ko ito ng strawberry syrup.

4 years na kaming kasal ng lalaking nakilala ko lang sa isang laro at minahal ko ng sobra.

Gusto mo bang malaman kong paano kami nagsimula? Kung ganoon ipagpatuloy ang pagbabasa ng aking story at matutunghayan niyo lahat ng nangyari.

•~•
Okaaaaay magsisimula na kung paano nagsimula ang kanilang story. Kaya samahan mo kami para alamin ang unang kabanata ng kanilang pag-iibigan.

        Vote. Share. Comment ❤

© All rights Reserved 2015

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon