Chapter 0.2

2 0 0
                                    

Gab's POV

10 Years Ago...

Heeeelllooooo College Life!
Ahh first day of school, as usual orientation pa lang naman. New environment at new chapter nanaman ang aking haharapin.

Bumangon na ako mula sa aking kama, inayos ko muna ito bago pumunta sa banyo. Naligo at nagtoothbrush na rin ako. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng agahan.

Bumungad naman sakin ang lalaking nagluluto sa kusina. Haha! Siya nga pala yung unggoy kong kuya. Ano nanaman kaya yung niluluto niya?

"Oh! Panget gising ka na pala. Ayos ha ang aga natin ngayon. Excited ka siguro noh?" sabay akbay at ginulo niya pa ang buhok ko. Ano ba naman si kuya, ang ayos na nga ng buhok ko.

"Ano ba kuya, naayos na nga itong buhok ko guguluhin mo pa" sabay palo sa kanyang braso.

"Aray panget ang sakit kaya ng pinalo mo" sabay haplos sa kanyang kanan na braso.

Si nga pala si kuya Grayson Ethan Cortez. Siya yung nag-aalaga sakin dito sa Pilipinas dahil ang mga magulang namin ay nasa ibang bansa. Para kasi ito sa kompanya namin. Siya ay nagtratrabaho sa isang hospital. Ang posisyon niya doon ay doktor para sa mga bata.

Umupo na lang ako sa upuan at kinuha ko ang aking cellphone. In-open ko muna ang isang app para makabaglibang habang hinihintay ko ang aming kakainin.

Pagbukas ko nung app ay may bumungad agad sakin na 6 na notifications at 2 messages. Una ko munang tinignan ang aking mga notif, tungkol lang ito sa pag-party ng club ko kagabi. Pagkatapos ay binuksan ko na rin ang mga messages ko at nakita ang isang mensahe at napangiti na lamang ako.

"Good morning Princess :*"

"Gising na baka ma-late ka pa sa school"

Yan ang mga sinabi niya sakin. Oh diba ang haba ng hair ng lola ninyo. Ah rereplyan ko na nga siya. Online sana siya >.<

"Opo gising na ako kaya wag ka ng OA jan"

Yan na lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Haaaays bakit kasi ang layo niya sakin? Hindi ba pwedeng lumapit siya? Or ako na lang kaya?

"Hooooy ano yang nginingitian mo jan? Kumain ka na nga" sabay lapag ng pagkain sa mesa. Haays si kuya talaga oh.

"Opo boss" wala na akong nagawa kundi kumain na lamang. Pagkatapos ay inihanda ko na ang mga gamit ko sa school.

"Sige kuya punta na po ako" at lumabas na ako.

"Sige bunso ingat ka ha" sigaw niya mula sa kusina.

At sinimulan ko na nga ang paglalakad. Di bale malapit lang naman yung school ko dito. Habang naglalakad sa daan natanaw ko na kaagad ang mga classmate ko dati.

Sina Gillian Nephthys Bernardo at Gianica Rivera. Kung mapapansin niyo "G" ang start ng names namin. Well kami rin napansin din yun. Nakakatuwa ngang isipin na kaming tatlo ang mga GG girls.

"WAAAAAH GAAAAB NAMISS KA NAMIN" sabay kumaripas sila ng takbo papunta sakin. Natanggap ko ang kanilang yakap. Halos hindi na nga ako makahinga.

"Ahh kung pwede tama na, di na ako makahinga" at ginawa naman nila yun. Sa totoo lang namiss ko rin sila :D

"Sorry Gab namiss namin talaga ikaw" sabi ni Gillian. "Oo namiss ko rin kayo" sagot ko naman sa kanila. At hanggang langit ang kanilang ngiti. Nakakatuwa talaga itong dalawa.

"Tara na nga pasok na tayo" aya ko sa kanila. Sumunod na lang sila

Habang kami ay naglalakad, may lalaki kaming nakita na papalapit samin

BOOOOGSH

Narinig ko ang ingay na yun. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa lakas ng impact sakin nung lalaki. Sino kaya yun at bakit siya nagmamadali? Di man lang niya ako tinulungan tssss.

•~•
Okaaaaay guys hanggang dito na lang muna. Hala sino kaya yung lalaking yun? Abangan sa susunod na kabanata kaya ipagpatuloy lang ang pagbabasa.

Vote. Share. Comment

© All rights reserved 2015


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon