#3 Moving on

23 0 0
                                    

Simula nang malaman ko na ayaw pala ng pamilya niya sa akin nanghinayang talaga ako.

Kahit wala na kami. Oo wala na kami, pero nasaktan ako nung nalaman kong ayaw pala nila sa akin para sa kanya.

Habang sinasabi sa akin ng bestfriend ko yung balitang iyon parang gusto kong itanong sa pamilya niya. Ano bang ginawa ko? May mali ba sa akin?

Hindi ko alam kung bakit siya nakipagbreak, ok na ok naman lahat eh.

Dahil ba may bago na siya?

Dahil ayaw na niya talaga?

Dahil sa pamilya niya?

O dahil sa sinabi niya sa akin na kung kaya ko daw ba siyang ipaglaban kahit na hindi ko alam kung ano ang kailangan kong labanan.

Ngayon unti unti ko nang naiintindihan ang lahat.

Sumuko ako sa relasyon naming dalawa.

Lagi na lang siyang ganun. Hindi niya napapansin ang effort na ginawa ko nung kami pa.

Long distance ang relasyon namin noon.

Kahit na napaka-childish niya mahal na mahal ko siya.

Ginawa ko naman ang lahat eh para maging matibay pero bakit ganun, ang daming hadlang. Ang daming may ayaw.

Ang sinabi ko sa bestfriend ko nung ibinalita niya yun.

"Tatanggapin ko na lang ang lahat. Wala naman akong magagawa eh".

Sana lang minahal talaga niya ako. At kung bibigyan man kami ng Diyos mg isa pang pagkakataon, sisiguraduhin kong alam ko na ang lahat ng pinapasok ko.

Pag tama na ang mali. At pag pwede na ang hindi. Sa ngayon mananahimik na lang muna ako, tutuparin ko ang pangarap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon