#1 Nasa huli ang pagsisisi

68 1 0
                                    

Hindi na naman mapakali si Shera, hanggang ngayon kasi alam niyang galit pa rin sa kanya ang boyfriend niya.

Hindi naman niya sinasadyang sabihin ang mga bagay na iyon kay Miko. At ngayon galit na galit si Miko sa kanya, kahit anong sorry niya ay hindi pa rin iyon tanggapin ni Miko.

Alam naman ni Shera na siya ang may kasalanan ng lahat, natapakan niya ang pride ni Miko sa mga sinabi niya.

Nakatanggap si Shera ng text mula kay Miko, nakasulat doon na cool off muna sila, at ayaw din ni Miko na lagi siyang kinukulit ni Shera sa pamamagitan ng tawag.

Lumipas ang ilang araw, hindi pa rin kinikibo ni Miko si Shera.

Si Shera naman ay mamamatay na sa lungkot, kung hindi na lang sana niya sinabi ang mga salitang iyon kay Miko, hindi sana sila ganito ngayon.

Labis nang naapektuhan ang kalusugan ni Shera sa mga nangyayari, ang masakit pa pag nakikita niya si Miko ay para bang hangin lang siya sa paningin nito.

Dahil nga sa stress na nararamdaman ay mas namamayat si Shera, napag-alaman din nilang mas kumalat ang cancer cells sa katawan niya. Oo tama ang nabasa nyo, may cancer si Shera ngunit hindi niya ito sinasabi kay Miko o kanino man sa mga kaibigan nila, pawang ang mga magulang lang niya ang nakakaalam ng kondisyon niya.

Dahil nga sa lumala pa ang kalagayan niya ang ilang araw din siyang nasa hospital, samantalang si Miko ay walang kamalay-malay sa nangyayari kay Shera.

Napansin ni Miko na ilang araw nang hindi pumapasok si Shera kaya naman napagpasyahan niyang pumunta sa bahay nito. Pero nang makarating siya sa bahay ni Shera ay walang nagbukas sa kanya, naghintay siya ng dalawang oras ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya, kaya napagpasyahan na niyang umuwi.

Pagkarating sa bahay ay tinatawagan niya ang phone ni Shera ngunit wala pa ring sumasagot.

Samantalang si Shera naman ay nasa malubhang kondisyon na sa hospital, ilang araw na lamang ang natitira niyang araw dito sa mundo, alam niyang may taning na ang buhay niya at tanggap na niya ito. Ngunit may isa siyang kahilingan bago siya mawala dito sa mundo, yun ay ang mayakap si Miko sa huling pagkakataon.

Kahit mahinang mahina na ang katawan niya ay pinilit niyang abutin ang phone niya para matawagan si Miko.

"Hello?" sagot ni Miko.

"M-Miko mahal ko, si Shera ito"

"Shera. Anong bang nangyari sayo? Nasaan ka na ba?"

"Mabuti naman ako Miko, gusto ko lang marinig ang boses mo, kahit sa huling pagkakataon."

"Anong bang sinasabi mo Shera? Anong huling pagkakataon, teka nasaan ka ba ngayon? He-hello Shera" agad nang naputol ang kabilang linya.

Napatayo si Miko sa kanyang upuan, hahanapin niya si Shera ng dumating ang isa niyang kaibigan.

"Pare puntahan mo si Shera sa hospital, nakausap ko ang mama nya, Pare malala na ang kondisyon ni Shera"  

Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam ni Miko ng marinig ang sinabi ng kanyang kaibigan. Agad siyang tumakbo sa kanyang kotse at pinalipad iyon hanggang sa makarating sa hospital.

Agad naman niyang nakita ang room kung nasaan si Shera, naabutan niya ang mama nito na nagbabantay sa kanya.

Iniwan muna sila ng mama ni Shera, pinagmamasdan niya ngayon si Shera habang payapang natutulog. Napansin niya na sobrang laki ng ipinayat nito, madami rin ang mga bagay na nakakabit sa katawan nito. Hinawakan niya ang kamay ni Shera at hinaplos ito.

"M-Miko andito ka"

"oo Shera ako nga ito, bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka."

"Sorry ha Miko hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko sayo noon, kaya ko lang naman sinabi sayo iyon ay dahil sa gusto kong kalimutan mo na ako, dahil noong mga panahong iyon alam kong konti na lang ang natitira kong araw kaya mas maganda habang maaga pa ay makalimutan mo na ako agad. Pero nagkamali ako Miko hindi ko pala kayang wala ka, mas ikamamatay ko pala pag wala ka sa tabi ko. Sorry Miko ha, hindi ko kinayang labanan ito eh".

"Shhhh Shera nandito na ako, wag kang magsalita ng ganyan, alam mo namang hindi ko kaya pag wala ka eh, hindi ko kaya Shera hindi ko kaya".

Hinawakan ni Shera ang kamay ni Miko.

"Miko kayanin mo para sa akin please, alam kong kakayanin mo, alam kong malakas ka. Magpakatatag ka, tandaan mo Miko mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko. Pag nawala ako sa mundong ito huwag mong kalilimutan buksan para sa iba ang puso mo ha, magtira ka na lang ng konting parte ng mga alaala natin.Napakasaya ko at nakasama kita bago ako mawala. Mahal na mahal kita Miko.

"Mahal na mahal din kita Shera. S-SHEEEERAAA, gumising ka, wag mo akong iwan Shera. Please. Shera".

Nagsidatingan ang mga doctor pati na rin ang mga magulang ni Shera, ang mama nito ay umiiyak na.

"Time of death 4pm" sabi ng doctor.

Hindi alam ni Miko ang gagawin niya, gustong gusto niyang magwala dahil wala na ang babaeng mahal niya. Wala man lang siyang nagawa para dito, hindi man lang niya ito naalagaan, wala siya sa tabi nito ng mga panahong kailangan siya ni Shera. 

Ngayon pumasok sa isip ni Miko na nasa huli talaga ang pagsisisi.

-Minsan pag nawala na ang bagay na inaakala nating hindi ganun ka-importante sa atin ay saka lamang natin makikita ang importansya nito pag nawala na sa atin. Kaya kung ako sa inyo, pahalagahan niyo lahat tao man o bagay dahil dito sa mundo hindi lahat ay permanente.

Nakapagsulat din ulit ng one shot sa wakas. Sa totoo lang umiiyak ako habang binabasa ko ito. Sana nag-enjoy ka, may susunod pa.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon