"You are so great there, TJ," sabi sakin ni Kuya.
Napangiti ako syempre. Kuya is one of the best singers in town. No, they're not like the other bands with world tour or concerts.
Simple lang ang banda nila Kuya-ang Fingertips. Sa pagkakaalam ko, marami ang kumukuha sa kanila para mag-sign sa contracts. He is just one word away from fame and popularity, but he declined. Sabi niya, ayaw niyang sumabak sa mga ganon nang walang bendisyon nila Mommy. Kahit gusto ng mga bandmates niya, wala silang magawa. Kuya is not pulling them. Sila mismo ang may ayaw na tumuloy kapag kulang ng isa.
"Thank you, Kuya! I just wish nandito sila Mommy."
My smile faded as I remember my parents. I miss them so much already. Namimiss din kaya nila ako?
"Alam mo namang hindi mangyayari yun diba? They hated music for an unknown reason," sabi ni Kuya habang nakangiti.
Buti pa siya masaya. Paano ba naman kasi, natali ako sa mga magulang ko. Nasanay akong kasama sila. Hindi na bago kung bakit ako ganito ka-affected.
Humiwalay na si Kuya sa pagyayakap sakin. Dumating na rin ang mga schoolmates ko. Nagsisigawan sila. Para bang akala mo kami na ang panalo.
"Oh, my God! You are so magaling, TJ!"
"Cornflict rocks!"
"Hayley Williams ka kanina, TJ, ah."
I just smiled in flattery. Naramdaman ko nalang na inakbayan ako ni Eash.
"Magaling talaga si babes," banat niya. I just rolled my eyes. Sanay na ako diyan. Babes ang madalas niyang tawag sakin-mapa-private, mapa-public. Kaya nga dati,kumalat ang rumors na may relationship daw kami. Na MU daw kami. Mutual understanding of friendship. Yun lang.
We tried to clarify it. Pero syempre, hindi sila naniwala. Lalo na at sobrang sweet sakin ni Eash. Eh sadyang ganon naman talaga tong batang to eh. Muntikan na nga kong magkaron ng Haters' Club eh. Syempre. Gwapo kasi ni Eash eh.
Until the rumor died itself.
Inalis ko yung braso niyang nakaakbay. "Tigilan mo nga ako. Babes mo mukha mo," sabi ko nalang sa kanya. He pouted. How cute of him!
Cute naman si Eash. Hindi siya. Hindi siya heartthrob pero sapat na para mapansin ng ilang kababaihan. Siya ang pinakabata kaya siya ang pinaka-childish.
"Hoy, TJ! Wag mo ngang ganyanin si Eash. Halikan ka niyan eh," sabi ni Krash habang nainom ng tubig. As usual, nakatitig na naman sa kanya ang kababaihan. Sa amin, siya ang pinaka-bet ng crowd lalo na ang kababaihan.
Baka iniisip mo na crush ko si Krash kasi Krash ang tawag ko sa kanya. It is his real name-Krash. Just to make it clear.
"Subukan lang naman akong halikan niyang impakto na yan eh. Uuwi yang duguan!" matapang kong sagot na pabiro.
"Kaya di ka magka-boyfriend eh. Ang sungit mo," sabi ni Rooroo. I just stuck my tongue out.
"O, o, o! Tama na yan," saway samin ni Kuya.
Inakbayan niya si Eash na nakain ng ensaymada na bigay sa kanya ng fans niya. "Sabihin mo lang, Eash, kung may gusto ka sa utol ko ha..." Hinigpitan ni Kuya ang pagkakaakbay kay Eash. Nahirapan tuloy siyang lumunok. Ang seryoso kasi ni Kuya. Katakot! "...ilalakad kita."
"Kuya!" sabi ko tapos hinampas ko siya sa braso.
"Ito naman! Biro lang. Pero di man sa biro, meron ba sa inyong nagtatangkang manligaw kay Utol?" Kuya asked.
Walang sumagot kay Kuya. Eh kasi naman! Hindi siya pinansin ng mga kumag. Si Eash, kain nang kain ng mga pinapakain sa kanya ng mga fans niya. Buti nga hindi siya nataba ng sobra eh. He still manage to stay fit.
Si Rooroo naman, inaayos yung mga instruments namin. Si Krash naman, kausap nung mga fans niya. Sila lang tatlo ang may fans. Ewan ko ba. Usually, vocalist ang malakas ang appeal. Hindi ata ganon kapag babae ang bokalista. Unfair!
Si Rooroo ang pinakasuplado sa amin. Magdiwang ka kapag may pinansin yang fan. Hindi niya ine-entertain yung mga fans niya.
"Ah! Walang pumansin sakin?" nagkakamot ng ulong tanong ni Kuya.
"Oo. Wala. Kaya pumunta ka na sa mga band members mo. Kanina pa sila pinagkakaguluhan," sabi ko.
One word: heartthrobs.
"Sige na nga. Alis na ko,"sabi ni Kuya then he walked out.
-
Nakatayo lang ako habang pinapakinggan ko yung iba naming kalaban. Grabe. Ang gagaling din nila! Kinakabahan tuloy ako. I felt someone hold my hand. Nagulat ako. I looked at him.
"Rooroo?" I called out his name. He smiled at me.
"Wag kang kabahan. Galing mo kaya kanina," sabi niya.
Yan ang gusto ko kay Rooroo eh. Ang sweet at napakabait kahit na suplado at kung minsan ay malakas ang topak.
He gently squeezed my hand. "Salamat, Rooroo ha? Kinakabahan talaga ako. Ang gagaling din kasi nila eh."
"Win or lose, Cornflict pa rin tayo," he said. Lagi niya yung sinasabi samin tuwing lalaban kami.
I awkwardly laughed. Awkward... kasi hawak niya pa rin yung kamay ko. Ngayon lang niya ginawa to. Yung hahawakan niya yung kamay ko para i-comfort ako. But it is nice to be held by his hand. Ang laki ng kamay niya, ang init, ang lambot.
Napa-straight ako ng katawan. I felt an electric current run through my nerves. Ano ba to? Leche.
"O, kumusta kayo?" Inakbayan na naman ako ni Eash. "Gusto niyong ensaymada?" he asked us very lively.
"Hindi ka ba nakakaramdam, Eash?"
Napatingin kaming tatlo nang magsalita si Krash. He's standing few meters away from us-with hands on his pockets and with a slight smile on his face.
"Bakit? Ano bang dapat kong maramdaman?" Eash asked confusedly.
Tumingin si Krash sa kamay namin ni Rooroo na magkahawak.
"Nakakaabala ka sa sweet moment ng iba," sabi ni Krash saka kami tinalikuran. Eash looked down on our intertwined hands.
Teka. Hindi naman to intertwined kanina ah? Ninja si Rooroo.
"Ay sorry." Eash gave us an apologetic smile. Kasabay non ang pagbawi ko ng kamay mula kay Rooroo. Bakit ba kasi ngayon ko lang binawi diba? Naku, naku, Teresa Joy, humaharot!
Pero wag ka, gusto niya, narinig kong sabi ng kabilang bahagi ng utak ko. I shook my head to brush off the idea.
Ang landi, TJ! Grabe! Stop.
"Kain tayo?" alok ulit ni Eash na medyo parang awkward na.
I slighty smiled. "S-Sige." Kinuha ko yung ensaymadang inaalok niya saka kinain. Medyo tumalikod ako kasi nakatitig sakin si Rooroo. Naiilang ako.
Pero habang sa iba ako nakatingin, dama ko pa rin yung awkwardness. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko, hindi lang ako ang nakakaramdam non. Hindi lang si Eash.
Kaming apat.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Bad Music
Teen FictionHalf-fiction, half non-fiction. Story idea of Capsiee, thefatifiedpinay.