4th Rhythm

152 8 5
                                    

Dedicated kay Capsiee may nilagay ako dito na gusto kong sabihin sa kanya noon. Ewan ko kung mahahalata niya, pero basta yun na yun. XD Mahal na mahal ko si Capsiee! :D

-

Recess time na. Boring naman. Bakit ba kasi hindi ko schoolmate ang band mates ko? Nakaka-ilang tusok na ako sa pork chop na nasa plato sa harap ko pero hindi ko pa rin nababawasan. Nakakaawa naman kasi siya kung kakainin ko. Nagkaroon din kaya ako ng alagang baboy noon.

Pero syempre joke lang yun. Hindi sa naaawa ako, wala lang akong gana. Bakit? Lintek na Tuck kasi yan eh! Hindi pa lumipat ng school nung nag-break kami. Nagkita tuloy kami kanina. Buong subject na nagdaan, distracted na ako.

Kasi naman, Teresa, hindi maka-move on? Sige. Bilang tayo ng tatlo. Pagkabilang ko ng tatlo, move on na tayo. 1... 2... Leche.

Sana nga ganoon kadali yun no? Sana nga pag nakapagbilang ako ng tatlo ay wala na yung memories... yung feelings... yung lintek na feelings na parang alikabok na sumiksik sa dulo ng puso ko. Kahit anong walis mo, di pa rin abot. Di pa rin maalis.

Bakit nga ba hindi pa rin ako maka-move on? Chaka ko naman. Sinasayang ko ang ganda ko sa isang volleyball player na saksakan ng gwapo, na 5'9 ang height, na sobrang sweet, na sobrang maalalahanin, na sa huli ay binalewala ko lang din.

Well, he's worth-loving after all... worth-regretting of. And I deserve this karma. Karma na manatiling nanghihinayang sa bagay na nangyari na.

Let bygones be bygones. Natutunan ko sa English time namin. Magandang pakinggan. Madaling bigkasin. Nakakamatay gawin.

Jusme. Bakit ba ang drama ko? Hindi bagay sakin.

"Kawawa naman yung pork chop. Patay na nga, luto na nga, tino-torture mo pa."

May biglang naglapag ng tray sa table ko. Aba, gago to ah? Table ko to. Dinuraan ko na at inihian to kaya akin lang to.

Teka.

"Tuck..."

Nginitian niya ako. Peste. Nasa loob na naman si John Cena at Randy Orton sa loob ng dibdib ko. Yung ribcage ko, naging wrestling cage. Bakit nandito tong lalaking to?

"Paupo ha?" sabi niya habang nakangiti pa rin sakin.

"Nakaupo ka na, saka ka pa hihingi ng permiso. Alisin mo yang tray mo. Uupo ka lang naman pala eh," irita kong sagot sa kanya.

He chuckled. "Ikaw talaga."

Yung words na yon. Tuwing naririnig ko yung sinasabi niya, kinikilig ako. Para kasing ang cute niya pag sinasabi niya yon noon.

Ganon pa rin hanggang ngayon.

Hiniwa ko na si Pork Chop. Kailangan ko nang matapos agad sa pagkain. Ayoko nang makasama tong lalaking to. I need to get out of here pronto. I still need to calm myself. Nagkakapatayan na sina John Cena at Randy Orton sa loob.

"Takaw mo talagang kumain. Sabi na eh, tama lang na nilapitan kita para ganahan ka sa pagkain."

Ngali-ngali kong idura sa mukha niya yung pagkain ko. Hindi ko naidura, pero nabulunan ako. Sunod-sunod na ubo tuloy ang ginawa ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga.

"Te-Teresa... Teresa Joy! Uy, hinay-hinay lang naman kasi. Teka," natatarantang sabi ni Tuck saka ako inabutan ng tubig.

Nakita kong nakatingin na samin yung ibang tao sa canteen. Nakakahiya!

Nang makainom na ako nang tubig, lalo lang akong nabulunan. Lalong nag-stuck sa lalamunan ko yung pagkain pati yung tubig. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Hindi na talaga ako makahinga. Nakita kong lumapit na rin yung mga kaibigan ni Tuck sa kanya at pinilit na makatulong pero sila mismo, hindi alam ang gagawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rhythm of Bad MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon