3rd Rhythm

118 8 0
                                    

Dito ko na lang ibabawi yung pasasalamat ko sa pagbabasa mo ng HFTSOU. :">

-

Wala saming umiimik. Handa naman kami eh. Hindi naman kami nag-expect. Hindi lang siguro pa... matanggap. Tumingin ako sa mga band members ko. Nginitian nila ako. Rooroo patted my head.

"Diba sabi ko naman sayo, win or lose, Cornflict pa rin tayo," sabi ni Rooroo. Somehow, I felt happy. Pero hindi pa rin masyado. Not enough to motivate me to smile naturally.

"You are a no good singer! So why bother making up a band? Just study and make yourself useful."

Napailing ako. No. I shouldn't be affected with that. Oo, hindi to ang first time na natalo kami. Minsan lang kaming manalo. But that's not a good reason para mawalan ako ng lakas ng loob. There are more contests to come. Siguro, hindi pa lang ito yung time para samin.

"Ayan ka na naman. Stop over-thinking. If you think you're not good enough, let me tell you this." Bumaba ng konti si Rooroo para magkatapat na ang mukha namin. "You are the best vocalist we've ever had."

A simple statement of encouragement. "Ako lang naman ang naging vocalist niyo eh."

He chuckled. "Kahit na."

"Wow. Dumadamoves," sabi ni Krash tapos uminom ng tubig.

"Wag ka nga," sabi ni Rooroo tapos lumapit sa kanya. "Nagwa-warm up pa nga lang ko eh."

Tumawa lang silang dalawa. Kung anime lang to, malamang meron na kong malaking question mark sa ulo.

Tumingin ako kay Eash. Nakita ko siyang umirap kina Rooroo at Krash na tumatawa. Okay? What did I miss?

-

Iniikot ko lang sa kamay ko yung ballpen habang nakapangalumbaba. Nakatitig lang ako sa blackboard. Walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam pero ang dami kong iniisip. Kung ano-ano. Halo-halo.

"Miss Villareal, please go to the board."

Napa-straight ako ng katawan. Biglang bumili ang tibok ng puso ko. Leche. Pinasasagot ako ni Ma'am sa board? Eh wala nga kong naiintindihan kasi nakatitig lang ako.

"P-po?"

"Please answer number 4," sabi niya habang nakangiti.

Anong akala niya? Makakasagot ako kasi nakatingin ako sa board? Eh eh! Nakatingin lang ako pero lampasan ang nakikita ko. Gosh! Paano iteeyyy? Eh bagong lesson pa man din to.

Kinakabahan akong tumayo. Ngiting-ngiti pa man din si Ma'am. Shit lang. Lagot ako nito pag hindi ako nakasagot. Baka kainin niya yung atay at balun-balunan ko.

Joke.

Nung nasa board na ako, nakita ko yung mga nakasulat. Who would have known? Alam ko na pala tong dini-discuss na to. Chicken naman pala eh. Sobrang chicken.

Pero syempre, joke lang yun. Hindi ko alam to. Hindi ako studious no. Once in a blue moon ko nga lang buklatin ang libro ko eh. Pag lang may assignment o kaya may isisingit akong papel sa loob.

Nanginginig yung kamay ko habang hawak ko yung check. Reynang tikbalang, tulungan niyo po ako! Ayoko pong mapalabas ng room nang wala sa oras. Sayang ang binayad ni Kuya sa school kung sa labas lang pala ako ng klase tatambay. Ayokong maging outstanding student.

"Someone who would like to help Miss Villareal?" biglang sabi ni Ma'am.

Siguro nahalata niyang nagluluto na ko ng kamote habang nasa unahan ako ng board. K. Nakaka-kamote naman talaga ang Math diba? O, wag mong itanggi!

Buti na lang merong isa sa mga anghel kong kaklase ang nagtaas ng kamay at tinulungan ako. Kaya naman si Ako, nakatayo sa gilid at pinapanood siya. Kapal naman ng mukha ko kung uupo na lang ako diba? Matapos kong ipasa sa kanya yung pinapagawa sakin.

Habang nakatayo ako, natingin-tingin din ako sa labas. Eh ang boring kaya ng pagso-solve niya. Ang haba pala ng solution. Daig pa ang nobela sa MMK. Talagang di ko nga masasagot yan!

Saktong pagtingin ko sa labas, napatigil ako. Ganon din siya. Napatigil siya sa paglalakad. Corny pero, saglit kaming nagkatitigan. His stare gave me shivers down to my skin... again. Agad kong iniwas yung tingin ko. Ayan na naman. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa tinawag na naman ako ni Ma'am, pero dahil sa kanya. I got over him already, didn't I? One year na rin ang nakalipas. I think siya rin naman. Pero bakit ganon? Bakit parang ganon pa rin?

"Tuck, hoy! Tara na. Baka mahuli na tayo sa practice."

Ayaw ko man... Pilit ko mang nilalabanan, nilingon ko pa rin siya. I caught him staring at me. Pero inalis din niya agad ang tingin niya sakin. Lumapit na kasi yung kasamahan niya sa volleyball. Tiningnan ko lang siya hanggang sa makaalis na sila ng kaibigan niya.

Napailing na lang ako. Natapos na yung kaklase ko sa pagso-solve. Nahanap na niya yung X. Ako rin. Nakita ko si EX. Peste.

Rhythm of Bad MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon