Chapter 8.2

98 1 3
                                    

Chapter 8.2

~~~Kath’s POV~~~

“Ah, so… kung hindi niyo nalaman na Bernardo ako tatakbuhan niyo na lang ako?! Ganun ba?! HA!” sigaw ko.

E kasi naman! Tinanong ko si Seth kanina kung bakit parang nagtatago siya sa kanina sa mall. He answered na para daw hindi siya makilala ng mga tao, he got his point there naman. Pero sabi ni Katsumi, kung hindi lang daw ako galing sa elite family, hindi na sila magpapakita sa’kin. Ang unfair!! *pout*

“No. Hindi sa ganun. I mean… dadalhin ka pa rin namin dito, we’ll just tell dun sa boyfriend mo na hindi mo talaga kami nakita sa mall and nag-hallucinate ka lang. Ganun… para hindi na kumalat sa media na nakagawa kami ng incident.” Paliwanag ni Katsumi.

“Hoy! Una, hindi ko boyfriend yun, kababata ka yun and ka-MU ng bestfriend ko. Second, hindi naman kakalat sa media e, suspended nga kayo diba.” Sagot ko.

Grabe, I never thought gan’to sila in person. I mean… I’m head-over-heels sa kanila at talagang tinitingala ko sila to the point na iniisip ko, they’re perfect creatures. I forgot mga tao lang sila, same age, same status. Parang ang dali lang nila abutin?

“…”

“…”

“…”

*~Kroo ~Kroo ~Kroo*

Ba’t ang tahimik? May nasabi ba akong—O.O

“Hala. Ay sorry! I hit below the belt, right? I’m so sorry. Sorry talaga. Aish!! Kathryn!! Ba’t ba ang shunga mo! Nakalog ata utak mo. Tsk.” Ewan. Parang hindi ako aware na nasabi ko yun.

“Haha. Ano ka ba okay lang yun sa’min. Di ba bro?” sabi naman ni Lester na siniko ng mahina sa tiyan si Katsumi.

“Oo. Haha. Okay lang yun. Wala namang kaso sa’min yun. Ganun talaga e, suspended e. Normal lang naman yun. Lalo na sa’min. Nasobrahan kasi sa trip. Haha. ^__^” sagot niya naman at napakamot sa batok.

“Malulusutan naman kasi naman kung sa iba nangyari yung incident, ang kaso Bernardo ang nabangga namin kaya hindi ka namin pwedeng takbuhan. Nako! Baka mapahaba ang suspension namin o kaya di na kami makabalik sa showbiz pag nagkataon. Hahaha.” Sagot naman ni Seth na super ngiting ngiti.

I smiled. “Thank you, boys. Pero okay lang naman na… you know… malungkot kayo sa sinabi ko. Normal kasi yun e, imagine, 4 turning 5 years na kayo sa music industry, and si Daniel 4 years sa acting career niya, ngayon pa kayo na-suspend. No worries. Hindi ko naman kayo kukuhaan ng pictures at ikakalat sa net. Haha.” Sabi ko naman sa kanila.

Alam ko namang nasaktan sila dun sa nasabi ko. Hanep naman kasi sa dulas ‘tong dila ko e! Ang lupet!

“*sigh* oo nga. Nalulungkot kami, pero hindi naman dapat magpa-apekto, matatapos din naman yung suspension and makakabalik din kami sa trabaho namin. Besides, pwede pa rin naman kaming mag-jamming e. Dating gawi, jamming sa parking lot ng school pag walang ibang tao at kaming lima lang ang nandun. Kaya nga parking five ang tawag sa banda namin e.” sabi naman ni Lester.

Ooooh.. Ayun pala yun? Hindi ko yun alam ah. Haha. :D

“Malungkot nung una. Pero okay na din naman, lalo na ako… tagal ko nang alam yung tungkol dun e. Haha. ^___^” sagot ni Katsumi na ngiting ngiti.

O.o Ha? Pa’no?? E kanina lang na-finalize yung suspension nila. Yung dati kasi… pinag-aralan pa sa board. But they ended up with this decision pa rin.

Nasa Iyo Na Ang Lahat (KathNiel FanFic) HIATUS!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon