---CHAPTER 11--- bullied???

1.3K 30 2
                                    

ICE POV

1 week na ang nakalipas mula nung nagkausap usap tungkol dun sa performance na gagawin namin.at wala pa kami napapraktis..

naman.. (-__-)”

…at parehas na kami ni nat na nag aalala…

Pano ba naman kasi ang nangyari dun sa condo ni ken,…puro titigan lang halos...tapos yung mga boys tatawa…. Adik lang talaga…

Pero napag usapan na ang mga kakantahin kaya lang, yun nga di pa nakakapagpraktis kahit isa dun sa mga kanta.

Tapos di pa sila halos pumapasok sa school,

At sa tingin ko may worst pa kesa sa lahat ng yun!.. at sa totoo lang ayaw ko mag assume na may mangyayaring di maganda...

“Iris,…alam mo feeling ko di maganda ang araw na to,..nararamdaman ko may hindi magandang mangyayari ngayon..” sabi ni Nat

Papasok na kami sa room namin nang mapansin ko na ang tahimik ng hallway,..

as in ang TAHIMIK talaga,..samantalang mga ganitong oras eh marami pang estudyante ang nakakalat

“napansin mo ba??” tanong ni nat

“napansin mo din pala,..” sagot ko

“ano kaya ang meron?? Ang tahimik eh, wala bang pasok ngayon?” tanong ulet ni Nat

“tingin ko tama yung pakiramdam mo kanina Nat,-_______-”

“oh,..?? ^____^??”

adik ata tong babaeng to...nakangiti pa....

Bubuksan na sana ni Nat yung pintuan nung room namin ng pigilan ko siya…

“hmm..bakit??” tanong ni nat habang hawak ko yung kamay nyang nakalagay sa door knob

“ako na ang magbubukas nyan..at oo nga pala dun ka muna sa gilid nung pinto”

Tinulak ko sya papunta dun sa may gilid, dahil kung tama ang hinala ko,..baka madamay pa sya..ipinahawak ko din sa kanya yung mga gamit ko,,

“ahmm.ui iris,..bakit dito pa ako,..pwede naman tayo sabay pumasok” ungot ni Nat

“basta jan ka lang muna, sumunod ka nalang,…” at binuksan ko na yung pintuan

At di nga ako nagkamali….-_____________-

SPLAAAASH!!!

Hahahaha!!! Tignan nyo! parang basang sisiw!

Hahaha yan ang napapala nang mga malalandi

Yan kasi masyadong pa FC sa BIG

Yan ang mga naririnig ko nang mabasa ako..

FC sa letcheng B.I.G…ni ayaw ko nga makasama yung mga yun.

“IRIS!” sigaw ni Nat

“ok lang ako Nat..” sabi ko

“pe-pero basang basa ka na…” sabi pa ni nat

“im fine Nat,.. samahan mo na lang ako magpalit ng damit.” Sabi ko nalang at hinila na siya papunta sa lockers para kumuha ng damit

Nakasalubong naman namin ang B.I.G at alam kong nakatingin sa amin ang mga to,.. pero tuloy tuloy lang akong lumakad at nakabangga pa ang isa sa kanila…di ko lang alam kung sino sa kanila sa sobrang asar ko.

“ui ano nangyari sa inyo??” pahabol na sigaw nung kung sino man nagtanong pero di ko na pinansin yun at dire diretsong kaming naglakad..

Pagdating sa mga lockers kinuha ko yung p.e uniform (t-shirt at jogging pants) namin at pumunta sa C.R na malapit at nagpalit,..nag rubber shoes na din ako para di mukhang timang lang…

Demon Princesses Gang ( ICE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon