CHAPTER 13

23 1 0
                                    



Happy New Year!


Hang-over na naman ako. Di na talaga ako sanay uminom. Napag kantyawan na naman kasi ako ng mga pinsan ko. Lasingin ba daw ako.

Kinahaponan nawala na din ang sakit ng ulo ko. Videoke naman ang trip namin ngayon. Pinapatagay na naman nila ako pero ayuko na talaga. Sa lahat naman ng B.I. itong mga pinsan ko.


Bumibirit na ako ng all time favorite ko na To Love You More. At naitawid ko naman ng marangal. Palakpakan naman ang mga pinsan ko.


"Luha naman pinsan." Nag punch na si Onet.


Nasa ikalawang verse na ako ng mapansin ko ang matangkad na lalaki. WT EF? Anong ginagawa ni JC sa bakuran namin?


"Hoy kumanta ka." Sabi ni Onet. Binigay ko sa kanya ang mic. At nag punta na ako kay JC.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Happy New Year." Nangingiti sya. Alam mo yun, yung ngiting naka-isa, ngiting tagumpay. Asar. May pa emote emote pa naman akong nalalaman kanina. Akala ko kami lang na mag pipinsan at mag kakapit bahay.


'Happy New Year. Bakit na andito ka?" Hindi pa rin nya sinasagot ang tanong ko.
"You have a nice voice Nadia." Wow pinuri ako ng vocalist. Feeling proud. Pero napa hiya ako doon. Bigay na bigay pa naman ako sa To Love You More. Nakita nya kaya iyon? "Nice facial expression also." Ay patay na sabi na. Naka isa na naman ito sa akin.
"Tse. Bakit ka ba andito? Pano ka nakapasok."
"Your father let me in." Close na sila huh. Sigurado na tsismis na ako ni Mama.
"Bakit kasi di ka man lang na kibo dyan."
"Thought you were enjoying. Who am I to stop you, also I was enjoying as well. You are cute, did you know that?" Ngiting ngiti na naman sya. Happy New Year to me. Pero alam ko nang-aasar lang ito. For sure, bored na naman ito sa buhay nya .
"Kain ka? Mind you, hindi pang sosyal ang food namin."
"I'm actually hungry. What do you have?"


Pumasok na kami sa bahay.

"Ma, Pa, si JC po. Pakainin ko muna."
"Inaayos na ng Mama mo anak. Nilabas ang mga pagkain. Tuloy ka JC. Sige kain lang."
"Thanks po." Sagot naman ni JC. Bait-baitan?

"Kain na JC. Pag pasensyaham mo na lang." Sabi ni Mama.
"It's actually great Tita. Thanks. Kayo po?"
"Tapos na kami. Samahan mo ng kumain Anak."
"Opo." Sagot ko. "Sige lamon." Sabi ko kay JC. Kuha naman sya. Nakikain na din ako.

Pagkatapos nyang kumain niyaya ko sya sa labas.


"Bonding tayo sa mga pinsan at kapit bahay ko. Kantahan mo nga sila nang mahiya naman sa kakangawa."
"Let's go." Abay pumayag.

"Uy tabi. Ako dyan." Sabi ko sa pinsan ko. Umusod naman sya. Hinila ko naman si JC. "Ito nga pala si JC. Schoold mate ko. Mga pinsan ko ang mga iyan at mga kapit bahay. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan nyo. Andami nyo kaya. O kayo na lang pag pakikilala sa mga sarili nyo."

Nag silapitan naman sila. Bahala kayo dyan. Pumili ako ng kanta. Nag punch lang ako, pina kanta ko lang sa mga pinsan ko. Ayuko na no. May tagay na umiikot. Red horse. Inalok nila si JC.


Sabi ko, "Hoy baka hindi yan na inom nyan. Pang sosyalin yan."
Inagaw naman ni JC. "It's OK I know this. We also tried drinking this."
"Sure ka? Nasa huli ang amats nyan. Matindi pa sa hang-over." Naki pulutan lang ako.
"I can handle this."
"Huwag lang papa sobra. Mag da-drive ka pa. Ano bang dala mo."
"Bike." Tumagay na nga sya. Naki pulutan din ng sisig at tenga ng baboy.
"Sweet nyo!" Kantyaw ni Clark.
"Tumigil ka dyan Clark. Uumbagin kita."
"Dia tumagay ka na." Pamimilit ni Clark.
"Huwag mo akong igaya sa inyo na sunog baga. Sawa na ako sa hang-over. Nais ko ng matiwasay na bukas." Pang-aasar ko.
Lumapit na sa akin si Clark, "Dia naman wala pa namang pasok. Sige na."
"Isa ka talagang B.I. sa buhay ko. Alis!" Pag tataboy ko. Sa tabi ko na sya umupo. Napapagitnaan ako ni JC at Clark.


"Is that Clark the bestfriend?" Tanong ni JC.
"Uh-oh yan yung Clark na panget. Walang choice kapit bahay eh."
"Pare, ako nga si Clark. Ikaw pala si JC. Naririnig nga kita kay Dia."
"Tumigil ka nga Clark. Tumagay ka na lang."
"Balita ko vocalist itong si JC mga pare. Pa kantahin natin!" Pangangantyaw ni Clark.
"Anong kanta?" Tanong ng mga pinsan ko.
"Your choice." Sabi ni JC. Aba kakanta na. Patay kayong mga loko.
"Yung When Love and Hate Collide na lang. Favorite song di Dia yun. Male version naman ngayon. Kaya pare?" Tanong ni Clark kay JC.
"Go." Kinuha na ni JC ang mic. Nag palakpakan pa ang mga loko.

After kumanta ni JC palakpakan ulit may mga pumipito pa. Pati si Mama at Papa napa silip.


"More!" Sigaw ng mga loko.
"Hoy mamaya naman. Mahal ang bayad dyan. Professional yan."
"Anong band nyo pare?" Pinag ka guluhan na sya ng mga pinsan ko. Instant sikat huh. Kung saan na na-uwi ang usapan nila. Naaya pa nga nya sa gig nila itong mga sunog baga.


"Ipag duet nga natin ang dalawa na yan." Sabi ni Onet.
"Mga walang hiya kayo. Gagawin nyo pa kaming loveteam. Mahal ang bayad sa akin. Sa panahon ngayon walang libre."
"Umarte ka pang Ate Dia ka, paborit mo ito. Ibigay ang mic." Si Oscar naman yun na kapitbahay namin.
"Huwag mamilit." Tanggi ko.
"Naka play na Ate Dia. Say Something." Iniabot nya sa akin ang mic, ang isa naman kay JC.
"Mga walang hiya talaga kayo. Ako naman ipapahiya ninyo. Ipa duet nyo ba naman ako sa vocalist. Si Clark na lang ulit. Pwede ng pag tyagaan ang boses nun."
"Nang lalait ka pang Dia ka. Kanta na."

Kumanta naman kami. Potek. Mapapa subo yata ako dito. At natapos din.
Palakpakan ang mga pasaway. May sumisigaw pa. Infairness maganda and cover namin. Charoot! Nag high five pa kami ni JC.


Tinatagayan na naman si JC eh inawat ko na.


"Uy tama na yang kakaabot mo Oscar. Mag da-drive pa yan. Umuwi ka na nga. Lalasingin ka lang ng mga yan." Pag tataboy ko sa kanya.
"What can I do, I was told to go home now. Nice meeting you guys. Till next time." Paalam nya sa mga kainuman nya.


Humabol pa itong si Janet, "Ate Dia pa picture naman muna kay kuya JC." Tignan mo naman itong mga batang ito. Pumayag na rin ako. Sino ba naman ako para itanggi ang kaligayahan ng bata. Pero ito namang si JC hinila ako palapit sa kanya umakbay pa. Di naka akbay sya sa akin sa picture. Gosh! Maipa bluetooth nga ang picture namin.

"Kaya mo pa bang umuwi JC?" Tanong ko sa kanya habang hinahatid ko sya sa labas. Actually pumasok pa muna kami sa loob ng bahay at mag papaalam pa daw sya sa parents ko. Ako naman sige sama. Feel na feel ko eh. Feeling ko manliligaw lang pero sad to say, we're just friends. Puff! Owh my broken heart.


"Kaya pa. Cool neighborhood. Cool parents. I dunno where you get your angst in life."
"Compliment sa kanila tapos sa akin lait? Hindi naman yata makatarungan yon JC." Reklamo ko.
"Hey we're friends. And I am bieng honest here. You are always frowning when I see you at school."
"Well, nagkataon lang yon. Lagi kang nasa landas ko pag badtrip ako sa buhay."
"I actually got intrigued of you. I saw you once with your friends. You are so animated while telling them a story. I got confuse. Why with me you're always frowning. So I decided to get to know you better. Then I dunno, I just realized you became my favorite person."


Aners daw? Nagtatapat na ba ito? Just say the words JC, di ka magkakamali sa akin.


"Anyway, will be having a gig tomorrow. Will you come?" Ayy yon na yon? Walang tapatan? Bitin ako!
"Uhm, I dunno but actually, night time is not my life. I prefer to stay at home."
"Ok. See you at school. Thanks for tonight. Happy New Year Nadia." Paalam na nya.
"Happy New Year! I text mo kaya ako pag naka uwi ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Will do."

Nag text naman sya.

-Home. Night.


ANNOYINGLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon