CHAPTER 15

17 2 0
                                    


I have this days na ayaw ko talagang lumabas ng bahay. Itong si JC nangungulit na naman. Kung saan saan na naman nag-aaya.

Minsan sumama ako sa kanya at sa mga friends nya. Joy ride lang daw. Naka motor silang lahat. Nanakit naman ang behind ko sa kaka upo. Nakarating kaming Tagaytay at hindi pa nasayahan hanggang Batangas pa.

"Let's go out." Andito na naman ang makulit na ito.

"Huwag ka ngang istorbo. Nanonood ako."

"Anime again?" Reklamo nya.

"Yes. Walang basagan ng trip."

"Tara na. I have my car today." Pangungumbinsi nya.

"Saan ba pupunta?"

"Just driving around."

"Mag sasayang ka pang gasolina. Umuwi ka na lang sa inyo at matulog kaya?"

"Ano ako baby? Matutulog?"

"Baby damulag kamo. But kidding aside, tinatamad ako. Ayaw kong umalis."

"You'll just be watching a movie the whole day?"

"Yup. Alis na kasi di ko naiintindihan ang pinapanood ko."

Abay umupo pa. Tumabi pa sa akin.

"Sabi ko alis na hindi ko sinabing umupo ka dyan."

"You're so rude. Entertain your visitor." Sabi pa sa akin.

"Ano bang ginagawa mo dyan?"

"Watching an anime?"Sagot na patanong nya.

"Akala ko ba hindi mo yan trip?"

"Shhh. You are so noisy." Gagong ito ako pa and sinaway.

Ang ending nga ay naki nood sya ng anime. Mukhang na tipuhan nya at tanong sya ng tanong. Inabot na nga kami ng gabi. Pinag dinner na din sya ni Mama sa bahay. Noong una tumanggi pa.

"Huwag ka ng mahiya alam ko namang sadyang wala ka namang hiya."Pang-aasar ko sa kanya. Pinandilitan ako. "In the first place baka hindi ka kumakain ng ulam namin."Pang-aasar ko pa rin.

"I eat anything." Sabi nya.

"As in anything? Kahit balot?"

"Except that. In the first place balot is not an ulam."

"Hoy Dia tigilan mo na ang pang-aasar mo. Kumakain ka ba ng tortang talong JC? May binagoongan din dito." Awat na ni Mama.

"Yes Tita. I eat that thing."

"Umupo ka na dyan JC. Kumain na tayo." Aya naman ni Papa.

Umupo na nga itong walang hiya. Sabi na eh wala talaga itong hiya. After kumain nakipag usap muna sya kay Papa at Mama. Ako kasi ang dishwasher since hindi naman ako nag luluto.

Nanood pa kami ulit. Inabot na nga sya ng 10 pm. Kung hindi ko pa pina uwi hindi pa uuwi. At binantaan pa ako.

"Don't watch the next episode without me."

May naging routine na kami after ng anime marathon namin. Minsan nasa kanila ako, doon kami nanonood. Minsan naman nasa amin kami. Actually naka ilang balik na ako sa kanila. Kilala na nga ako ng mga maids nila. Pati si Tita ka close ko na. Ang bait talaga ng Mom ni JC. Lagi pa akong pinapakain ng mga bini-bake nya.

One morning dumating itong si JC.

"Aga mo naman yata? Hindi pa ako nag-aalmusal." Angal ko.

"Well, I won't stay long. I just want you to know that tomorrow we'll be flying to Australia."

"Huh? Di nga?"

"Yeah. So there. I'll go ahead. I'll gonna pack my things and I need to buy some goodies."

"OK. Pasalubong huh?"

"Will do."Kinurot pa muna ang pisngi ko bago lumayas sa harapan ko.

Ano ba naman itong lalaki na ito. Nag punta pa ng personal para mag paalam? May relasyon ba kami? Paksyet. Kinikilig na naman ako. Pwede namang itawag na lang. Or i text. Pero nag punta pa talaga sa bahay. Haaaaay. Stop thinking. Gutom lang iyan Nadia Marie.

After a week, kami naman ng family ko ang umuwi ng Aklan. Syempre nag enroll muna ako bago nag bakasyon.

In all fairness kay JC hindi naman nakakalimot. Kahit papaano tinatawagan ako sa Skype. Na kantyawan pa nga ako ng mga pinsan ko.

"Yon ba ang boyfriend mo Ate Dia?" "Akala ko ba single ka ngayon Dia?" "Yan din ba yung tumawag sayo noong isang araw?" "Skype talaga? Pwede namang tawag. Gusto video call pa talaga ate Dia?"Usisa ng mga pinsan ko.

"Mga itsusera kayo. Friend ko lang yon. Tsaka kaya po naka Skype kasi nasa Australia sya ngayon."

"Taga Australia ang BF mo ate?" "Matanda na ang BF mo?"

"Ang kulit nyo. Friend nga lang. School mate ko yon. Nag bakasyon sa Australia. Pinuntahan ang Dad nya. And yes, half Pinoy sya."

"Gwapo yon ate Dia for sure!"

Kinilig na ang mga pinsan ko. Ayaw paawat eh. Sinabi ng friend ko lang. Ay bahala kayo dyang mag-isip.

Actually tumatawag pa itong si JC sa local number ko, sinasaway ko lang pero ayaw makinig. Mahal kaya ang overseas call kaya ang ginagawa ko hindi ko sinasagot. Nagalit pa.

-I'd been calling you like for 5 times already. Answer your goddamn phone!

Nag text na lang sya. Ni replyan ko nga.

-I'm online now. Call me at skype.

Simula noon sa skype na kami nag tatawagan. Wala lang kamustahan lang naman kami. Kung saan kami nakarating ng mga pasyal.

Nakabalik na kaming Manila and all si JC nasa Australia pa rin. Isang beses na tumawag sya pinag tri-tripan na naman ako.

"Hello."Sagot ko sa tawag nya. Mga 1 week din syang hindi nag paramdam.

"I missed you." Banat ba naman agad.

"Gutom ka ba?" Sabi ko na lang. Pero infairness ang galing kong umakting eh sa totoo lang lumundag yata ang puso ko.

"I said I missed you. Don't you missed me too?"

"Naka hithit ka ba? Iba yata ang hangin dyan sa Australia. Umuwi ka na kaya?"

"I think you missed me too. You want me to go home already." Naka smile na sya.

Nang makapag-isip ako. "Ay grabee, promise missed na missed kita JC. Paano naman may pasalubong ka kasi sa akin."

"Ows?" Sabi pa nya.

"Pero kung wala kang dalang paslubong sa akin ay bahala ka sa buhay mo dyan huwag ka ng bumalik dito at huwag ka na ring mag papakita sa akin."

"Mukhang pasalubong." Naka kunot noo na xa.

Hindi ko rin na tiis humalakhak na ako. "Kelan ka ba uuwi dito?"

"See? You are waiting for me."

"Tse. Bahala ka dyan."

As usual asaran na naman kami. Lagi naman.


ANNOYINGLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon