CHAPTER 18

34 1 2
                                    


Mga 1 week ko ding hindi nakita si JC. Na mi-miss ko sya. Si Richard naman minsan sumasama sa amin ng mga friends ko sa tambayan namin.


Pero alam mo yon, yung parang iba yung feeling pag si JC ang kasama ko. Yung tipong kiber kahit magbalahura ako. Yung kung badtrip ako, sya ang pag-iinitan ko. Yung tipong tatawanan lang nya ako at aasarin tapos maasar ako lalo pero sa huli natatawa na lang ako. Haay. Mahal ko talaga ang gago na iyon. Paano ba ako makakalimot pag ganito? Ang hirap!


Sagutin ko na kaya si Richard? Baka mas mapa bilis ang pag move-on ko if magkaka boyfriend ako? Nakakaloka! Naloloka ako!

Nagulat ako may humila sa akin.

"Is that Richard? The one who is texting you?" Galit ba itong si JC?
"Yes." Amin ko naman.
"The Fuck." Ay nag mumura na sya.
"Hey. Ok ka lang? Minumura mo na ako. Anong kasalanan ko?!
"How could you Nadia Marie?"
"Hello. Clueless ako. Ano bang nangyayari sayo?"

Itinuro nya ako. Tapos sya. Tinuro nya ulit ako. Tapos sya.

"Fuck!" Mura na naman nya.
"Hoy nakakarami ka nang JC ka. Fuck mo ring mukha mo." Nakakainis!

Lumapit na si Nate. "Easy buddy. Let's go." Inakay na nya si JC. "Sorry about that Nadia. He has a hang-over." Sabi sa akin naman ni Jonathan.
"Bakit kasi pumapasok ng may hang-over." Sabi ko. Itong si JC tinignan pa ako ng masama. Kasalanan ko pa ngayon? Dinilatan ko nga sya.
"Woman in case you...." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya at hinila na sya ng mga kaibigan nya.

Bumalik na ako sa mga friends ko.

"What's happening girl?" Tanong ni Michelle.
"I don't know. Bahala sya sa buhay nya. After nyang hindi sagutin ang mga text and calls ko. Tsura nya."
"Are you OK Nadia?" Tanong ni Richard.
"Yeah. Where are we na nga sa topic natin?" At itinuloy na namin ang usapan naming na udlot.


Pero ang weird huh. Ang weird ni JC. Pagkatapos nya akong isnabin ako pa ang na how could you. Gago na yon! Pero mukha syang problematic. Baka may problema sya? Gosh. How could I nga? Best friend nya ako pero wala akong alam. Pag kailangan ko sya na andyan lang sya lagi. Nakaka guilty!

Kinagabihan hindi ko natiis si JC. Tinext ko nga. Pero walang reply. Tinext ko ulit pero ganoon pa rin. Nakakainis itong damuho na ito. Mapuntahan nga ito bukas sa bahay nila tutal weekend naman.

Around 4 na ako nakapunta kina JC. Guess what? Wala ang damuho sa bahay nila. Si Ate Lourdes ang nag bukas ng gate. Kakaalis lang nga daw. Sinundo nila Nate. Naka kotse daw madaming kasamang babae. Ang iingay pa nga daw. Si Tita naman daw lumuwas ng Manila.

Tengene! Pisti! Mga babae talaga?! Kaya pala hindi ako magawang replayan. Dahil busy sa kababaihan nya. Tengene mong JC ka.


Nakakainis! Nakaka selos! Nakakasira ng ulo! Maka uwi na nga lang!

I am so problematic. Kaya my girl friends decided na aliwin ako. Eh saan pa nga ba eh di sa Mall.

"Girl, me think, nag seselos sya." "I bet." "Hula ko din." Sabi nila.
"Huwag nyo nga akong paasahin. Mga paasa kayo!"
"Hey. Bakit kami ang inaaway mo?" Angal ni Dee.
"Sorry. Huwag nyo ng gatungan. Tulungan nyo akong lumimot. Tengene yang pag-ibig-pag-ibig na yan. Sino bang nag pa uso nyan?"
"Malala ka na girl." "Chill." "Let's window shop!"

Umikot nga kami sa Mall. Kapagod rin. Sakit sa paa.


"Girls, si Richard nag te-text. Punta daw sya dito?" Sabi ko sa kanila.
"Sige papuntahin mo." "I have an idea. Iwanan natin sila." "Great idea girl!"
"Ngeik! Ibebenta nyo ako?"
"Girl. Distraction. Remember?"
"Ayukong mang gamit ng ibang tao. Nakaka guilty."
"Over ka naman. Ganoon talaga girl."
"Ganoon, manggagamit?"
"Hindi. Umayos ka nga Nadia." "Girl, gusto mo naman si Richard di ba?"
"Iba sya kay JC."
"Gosh! Don't compare!"
"Ehh.... kasi... iba yung feeling ko pag si JC ang kasama ko. Alam nyo yon? Alam nyo naman yon di ba?"
"JC na naman." Angal nila.
"I miss him..... badly." Misty eyes na ako.
"Gaga. Are you crying?" "Shets, you are crying." "Oh my gods!"
"Hindi ahhh. Napuwing lang ako."
"Lukuhin mong lelong mo. Umayos ka dyan girl."
"Pahinging tissue nga. Sinisipon ako."
"Hindi raw umiyak. Eh misty eye ka na kanina."
"Emotional lang. Meron kaya ako."
"Whatever." Sabay naman ang dalawa. "Papuntahin mo na si Richard. Uuwi na kami. Bibigyan namin kayo ng alone time." Sabi ni Michelle.
"Ehh kasi naman." Angal ko.
"One last time. Pag bigyan mo na kami."

ANNOYINGLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon