Secret Identity 1.3

243 12 4
                                    

Mitchell Eun

"Good night."

"Good night din." Niyakap nya ako ng mahigpit na parang ayaw na nya kong pakawalan.

Halos hindi na ako makahinga sa yakap nya pero hindi ko yun iniinda. Hindi ako nag salita. As selfish as it sounds, i want him to want me...badly. Gusto ko na special ako sa kanya as i've never been to anynone. I dont want to let go kahit alam ko na somewhere sa puso ko, the feelings are drifting away slowly.

And that's the thing. I can't bear that kind of feeling wherein pakiramdam ko, sa sobrang pag-mamahal ng isang tao sayo, di mo na kayang iballk yun pagmamahal na yun sa kanya. Feeling ko hindi ko na deserve si aki.

"Nag enjoy ako." Bumitiw na sya sa pag kaka-yakap at pinat ang ulo ko.

"Good to hear that then." He smiled. A boy-next-door smile.

"The best ka talaga Aki." I smiled back saka pabirong hinampas yung balikat nya.

"Ako pa ba?" He laughed. "Sige ikamusta mo nalang ako sa kanila."

"Sige."

"Love you mitch."

Natahimik ako.

Alam ko, nararamdaman ko. Hinihintay nya lang akong ibalik yung mga salitang yun. Pero kahit anong buka ng bibig ko, wala talagang lumalabas kaya ngumiti nalang ako at tumango. And with a small frown, he waved goodbye.

Isinara ko ang pinto at nagpunta sa kusina.

Pag bukas ko ng switch, laking gulat ko nang makakita ako ng babaeng nakatayo sa tapat ng sink at may hawak na kutsilyo.

"WAAAAAH!! SERIAL KILLER! SERIAL KILLER! SERIAL--"

"NASAAN!? NASAAN!?."

Natigil ako sa pag sigaw. Hawak ko nang mahipit ang isang jade vase ni mommy na galing pang China. Muntikan ko nang maibato sht. Lagot ako kung sakaling madatnan ni mommy na dumami na ang kaisa-isang vase na paborito nya. Dahandahan at nanginginig kong ibinaba ang hawak kong vase sa stand.

"M-mica?"

-------------

Michaella Eun

"NASAAN YUNG SERIAL KILLER!"

Hinawakan ko ng maigi yung kutsilyo gamit ang dalawang kamay ko. Nag paikot-ikot ako sa kinatatayuan ko dahil sa panic.

"Mica..."

Ito na siguro yung isa sa mga dahilan kung bakit hindi kami magkasundo ni mitchelle. Dahil sa ka-OA-yan nya.

"Anong ginagawa mo dito? At anong serial killer?" Tanong ko.

"Ako? Baka ikaw! Ano bang ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi at may hawak ka pang kutsilyo?"

Bakit ako may hawak na kutsilyo?

"Papatay ng tao."

Nanlaki bigla yung mata nya at unti-unti nyang hinahawakan ulit yung vase na binaba nya sa counter.

"A-ano?"

This is entertaining.Tingnan mo nga naman kung sino ang nanginginig sa takot ngayon? Ang ol mighty Mitchelle Eun.

Mag a-alas dose kanina nung lumabas ako sa kwarto dahil may narinig akong sasakyan na padating at akalo ko si japoy. Wala naman akong planong isama sa pagbaba ko yung kutsilyong ginagamit ko para balatan yung manggang kinakain ko. At hindi ko kasalanan kung hindi ko mahanap yung peeler kaya kitchen knife nalang. Sa sobrang madali ko para buksan yung pinto,napatakbo ako ng kusina kasi nakita ko si hiro at mitch.

Secret Identity(ON HOLD PLS DO NOT READ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon