Chapter 1: Let's stop this

38 3 1
                                    

idededicate ko po yung 1st chapter of my 1st story to my idol writer! I Love your stories so much ate Alyloony <3

Chapter 1

BOOGSH…..

 BOOGSH…..

BOOGSH…..

Pagwawala ni Justin habang pinagbabato ang mga gamit sa bahay nya…

Nang biglang dumating ang mom nya, at halatang gulat na gulat ito sa ginagawa ng anak nya.

”Anak! Ano ba ang nangyayari sayo?!?!”

Pero parang hangin lang sya at patuloy parin si Justin sa pagwawala nya

“Anak! Tigilan mo na yan! Anak naman,sabihin mo sakin ano ba ang nangyari?”Mangiyak ngiyak na sabi ng Mom ni Justin habang pilit na niyayakap ang kanyang anak habang patuloy ito sa kanyang pagwawala….

Nang biglang humagulgol si Justin at niyakap ang kanyang mom

“Mom, hirap na hirap akong pa-ibigin sya, ilang taon akong tumitingin mula sa malayo para lang makita sya, ilang taon kong pinagtyagaan na makipagsiksikan para lang masilayan sya, ilang taon akong naghintay para saakin naman sya lumingon, pinaghirapan ko kasi talaga kaya masakit eh, pero bakit ganun? Iniwan lang nya ako na parang tuta na pwede mo lang basta bastang iligaw!” Sagot ni Justin habang patuloy parin ang pagluha nya.

Niyakap sya ng mas mahigpit ng kanyang mom at ganun din si Justin

“Mom, minahal ko sya at patuloy ko parin syang minamahal pero ako? Minahal ba nya ako? O nagpabulag lang ako sa ngiti nya? Niloko lang nya ako Mom. Angsakit talaga.” Hagulgol ni Justin sa mom nya.

“Anak, never cry for a girl that is not worthy. You can find someone that will truly love you. Anak, huwag mong sayangin ang luha mo sa taong hindi karapatdapat. Tahan na anak, nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.” Sagot ng mom ni Justin

“Mom, help me.”

“Yes honey, I will.”

Pagkatapos ng araw na ito, hindi na muling nakita si Justin at ang mom nya.

****FLASH BACK*****

Justin’s POV

“Nikka, alam mo sobrang saya ko ngayon kasi nakita ulit kita. Angbusy mo kasi sa bago mong project eh, pero naiintindihan ko naman.” Masayang sabi ko  kay Nikka habang naglalakad kami ng magkaholding hands sa park sa labas ng school namin. Actually 2 days lang kami hindi nagkita ni Nikka pero parang angtagal kasi eh. Sobrang namiss ko sya.

Pero bakit hindi umiimik si Nikka?

“Nikka, may problema?” Tinanong ko sya

2 weeks palang simula nung sinagot ako ni Nikka.

 Halos isang taon kong niligawan si Nikka kaya naman tuwang tuwa ako nang makuha ko ang matamis na oo ni Nikka.

Pero hindi parin sumasagot si Nikka dun sa tanong ko…. May problema ba sya?

Nagulat nalang ako nang unti-unting tinatanggal ni Nikka yung pagkakahawak ko sa kamay nya.

Bigla nalang syang nagsalita….

“Justin, lets stop this. I don’t like you anymore.”

Ano daw? Bakit hindi ko maibuka yung bibig ko….. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya….

Nagjojoke nanaman ba sya? Hindi kasi nakakatawa eh

Pero pagkatapos nya sabihin yun hindi na nya ako hinintay makapagsalita…

Bigla nalang syang naglakad papalayo sakin

Gusto kong sumigaw, gusto ko syang habulin, gusto kong yakapin sya at tanungin kung siryoso ba sya pero hindi ko magawa, parang may pumipigil sakin….

Bakit ganun? Ganun lang kabilis yun? Wala man lang paliwanag.

Nakita ko nalang ang sarili kong iniiyakan ang babaeng nasa kamay ko na pero nakawala pa…..

***END OF FLASHBACK***

[A/N] Weee nagchange po ako ng plot kasi nagkaroon ako lalo ng inspiration…. Hehe sana isupport nyo po yung first story ko. Please do comment and vote and follow nyo na din po ako. I am very much open to criticisms and opinions :D

Is it really perfect? (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon