Nikka's POV
Naramdaman nyo na ba minsan yung feeling na first time mo palang makita yung tao pero parang matagal mo na syang kilala?
Yung feeling na parang kilalang kilala mo sya pero sa totoo lang first time nyo palang magkita?
Yung parang andaming bagay na pamilyar tungkol sakanya pero wala naman talagang moment sa buhay mo na nagkita na kayo?
"Hey! Ok ka lang? I said, I am Zohan, Zohan Richards." Katabi ko na sya sa bench nun nung sinabi nya sakin yung name nya.
Habang sinasabi nya yun napatitig ako sa mga mata nya.... Anganda nung mata nya, bakit ganun? Nakakacaptivate yung mata nya, sobrang may dating talaga sakin yung mata nya. Hindi masyadong singkit, hindi din naman bilog, yung parang mata ni Thomas Torres, yung basket ball player ng De La Salle. Parang ganun yung mata nya.
Hindi ko napansin na masyado na pala akong matagal na nakatitig sakanya. Nabalik nalang ako sa katotohanan nung nagsalita sya.
"Ms. ok ka lang? Medyo nangangawit na kasi ako dito eh." Nakangiti nyang sabi sakin nang makita ko na inaabot na pala nya yung kamay nya para makipagshake hands sakin.
"Ay sorry, parang may pamilyar kasi sayo eh. By the way, ako nga pala si Nikka..... Nikka Skyler." Sagot ko sakanya, kasabay ng pagabot sa kamay nya para makipagshake hands.
"Yeah, kilala na kita. Siguro pamilyar ako sayo kasi nakita mo na ako sa isa sa mga mall shows mo sa UK. Sobrang fan mo kasi yung little sister ko kaya pinilit nya akong pumunta sa mall show mo nung nalaman nya na nasa nandun ka sa UK." Sabi nya sakin habang medyo natatawa.
"Ah ganun ba? Oo ako nga yung dating model but not anymore." Malungkot kong sagot sakanya, ano ba yan! Naalala ko nanaman yung mga nangyari, yung konsensya ko pilit nanaman akong ginugulo.
Dahil sa mga flashback na nagaganap sa utak ko hindi ko napansin na umiiyak nanaman ako.
Nakakahiya kasi umiiyak ako sa harap ng lalaki na hindi ko manlang kilala. Nasan na yung dating Nikka? Bakit bigla nalang nawala yung matapang at malakas na Nikka Skyler? Yung hindi umiiyak at confident na babaeng kilala ko dati.....
"Binigyan na nga kita ng panyo tapos hindi mo naman ginamit, akin na nga, punasan ko yang luha mo." Lumapit pa sya lalo sakin at pinunasan yung luha ko gamit yung thumb nya.
Habang pinupunasan nya yung luha ko napatitig ako sa mukha nya. NapakaAngelic ng mukha nya. Maputi sya, yung gwapong puti para sa mga lalaki. Napakaganda ng mga mata nya, yung tipong pag tinitigan mo anghirap nang tanggalin ng tingin mo sakanya, samahan mo pa ng mahahabang pilik mata. Matangos ang ilong at pinkish yung lips nya. ANO BA TO! Bakit ko sya tinititigan?!?! Nikka hindi ka naman ganyan dati ha!
Hindi ko maintindihan yung feeling na to. Bakit parang pinupump yung dibdib ko? Bakit ganun? Sh*t kailangan ko na magpacheck-up, baka dahil nanaman to sa depression syndrome ko.
"Malulungkot yung kapatid ko nyan pag nalaman nyang yung idol nya na nakangiti at napakaganda sa mga posters na nakadikit sa kwarto nya ay umiiyak habang kasama ang kuya nya." Sabi nya sakin habang nakangiti pagkatapos nyang pinasan ang mga luha ko at bumalik sa dati nyang pwesto.
"Sorry, nakikita mo pa akong ganito, its just that something happened that I couldn't forget." Sabi ko sakanya habang pinipilit kong tumahan... hiyang hiya na ako sakanya.
"It's ok, don't worry about that. At dahil ikaw ang unang friend ko dito at malungkot ka, ittreat nalang kita ng lunch. Ok ba yun sayo?" Tanong nya sakin habang pinapakita nanaman nya sakin yung pamatay nyang ngiti.
BINABASA MO ANG
Is it really perfect? (ONGOING)
Novela JuvenilEverything in my life is perfect. Pero pano kung mali pala ako? This is a story about a girl named Nikka who has everything in life, a perfect family, perfect career, perfect body and a perfect face. She gets everything that she wants from getting t...