Chapter 1: The Simple Line

49 4 1
                                    

Mr. President and I by AmaGNobody

Chapter 1: The Simple Line


Krisistina "Panget" Santos

One year after...

Isa akong simpleng babae.

Syempre kapag ikaw ay isang simpleng babae na ipinagsisigawan mo talaga tulad ko, kakambal na nun si Ordinaryo. Nanay nila si Walang Dating at tatay naman si Walang Importansya. Kumpare si Baduy, na asawa ni Buduy— este, ni Nobody. Bongga, di'ba? May mag-anak na dito sa story ko. Lels.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang simple at ordinaryong babae kapag unang araw ng klase nya o unang lunes ng hunyo o maagang araw ng lunes na for short ay first day of classes na? Chaka, pinahaba pa.

Okay, simula tayo sa pagkagising ko.

Kung bunganga ni Nanay ang gumigising sayo pwes ibahin mo 'ko dahil Alarm Clock version 2.0 ang gumising saakin.

*Criiiiing~!*

Hinanap ko naman ang letsing ingay na yun with matching kusot mata pa. Kinapa-kapa ko naman ang side table ko, na napa-mali ang pagpwesto ko ng kamay at natabig ang kawawang alarm clock ko na na-kung fu fighting ko pa.

Condolence po.

Inaantok pa talaga ako. Realtalk, nakalimutan ko palang tinapos ko yung Fate/Zero kahapon. All day. Lol, ito na ang tunay na realtalk, makakalimutin ako. Sorry naman, ganun talaga kapag maraming iniisip. Kapag nag-aaral. Kapag running for valedectorian. Kapag simple.Kapag matalino.

Wait, ano nga pinag-uusapan natin?

Ay, oo. Inaantok nga pala ako.

Inaantok nga ako kaya humikab ulit ako. Kunyari inaantok atalaga ako sa daldal kong ito.Humikab ulit ako, oo na. Unli na ako sa hikab. Eh ano ba? Eh sa trip ko eh, walang basagan pows. Humikkab ulit ako ng open wide, very very very wide hikab,ganun. Dayum, sakit ng ulo ko parang babagsak na...

Zzz... Mag-iintroduction muna ako habang natutulog, ako si—

"MARIA KRISISTINA FERNUANA HIDALGO SANTOS! NASUSUNOG ANG BAHAY! AAAAH! AAAAH!" rinig kong sigaw sa labas. Sunod-sunod din yung katok kaya napatalon naman ako sa kama ko. Natatarantang hinahanap ko yung tsenelas ko, duuuh. Kapag nasusunog nga ang bahay namin edi nakakahiya na nakayapak lang akong maglalakad sa kaderder na kalsada jan sa labas.

Sumisilip ako sa ilalim ng kama ko dahil nag-LQ ang mag-asawang tsinelas left and right kaya nawawala ang isang pares nito, ng napatigil ako at napa-isip.

'Si Kuya Denon yun di'ba?' tukoy ko sa kumakatok. Nakilala ko dahil sa voice, duuuuh. Sa talino kong 'toh. 'May binabalak na naman siguro ang lintik na kapatid ko.' Don't get me wrong. Si Kuya Denon ang panganay saaming magkakapatid. Kahit na panganay sya, isa sya sa mga kasabwat namin sa kalokohan naming tatlo. Kaya me' trauma na ako sa mga acting skills nya.

"K-Krisisti...na! *cough* *cough* Lumabas k-ka n-na! *cough* *cough*" sigaw nya ulit at katok ulit ng ilang ulit.

Nanlaki naman ang dalawang mga mata ko to the highest level. Ikaw ba naman ay magkarinig ng super duper OA na sigaw with matching katok overload, hindi ka raw matataranta nyan?

'Omo! Nasusunog ang bahay namin!'  Wait... May naamoy ako usok.

MAY NAAMOY AKONG USOK!

Aaaaah! Aaaaah! Nasusunog nga ang bahay! Nasusunog nga ang oh so precious labilabs naming bahay! Pano na ang kinabukasan namin nyan?! Pano na ang buhay ko pagwala na tong bahay na 'to?! Waaaaah! Waaaaah! Ayokong umuwi dun! Ayokong bumalik sa kanila! Nooo! Nooo! Nagpapanic tuloy ako na tumayo at pinihit ang door knob, sabay takbo palabas ng kwarto ko.

Mr. President and I [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon