Mr. President and I

50 3 0
                                    

Mr. President and I by AmaGNobody

Prologue:

She,

I know my life isn't normal.

Lahat ng bagay sa paligid ko pagkakamali. Lahat ng tao sa paligid ko isang pagkakamali. Lahat ng ginagawa ko mali. Lahat ng sabihin ko mali. Umabot pa nga sa puntong, wala na akong ginawang tama. Lahat tao ayaw saakin. Ayaw nila saakin. Ayaw nya sakin.

Napangiti ako ng mapakla sa naiisip ko. Mag-isa na namang nakakulong sa isang madilim na silid habang may sariling utak ang mga luha kong kumakawala sa mga mata ko. Nakakapit ng mahigpit sa dulo ng damit ko habang nakayuko at lumalamay mag-isa. Condolence to myself.

Ano bang magagawa ko? Pati ako pagkakamali...

He,

I know my life is just one of a hell stereotypical.

Gigising, matutulog, matutulog, gigising. Lahat gusto kong gawin, isa na dun ang wag mangi-alam sa mga bagay na walang pake saakin. Gusto kong gawin ang kumain, pero tinatamad akong gawin yun since ano pa nga ba ang saysay ng buhay ngayon? Wala na sila. Wala na sya.

Naiwan ang kamay ko sa pagsubo ko ng sandwich sa isang sikat na fast-food chain habang naka-nganga ang bunganga ko. Gabing-gabi na kaya expected na rin namang maraming tao ngayon sa fast-food chain na ito. Suot-suot ang jacket ko na may hood na tumatakip sa buong kalahati ng mukha ko. Ano pa nga ba ang bago? Mag-isa ako rito sa table na kinakainan ko. Isusubo na sana ang burger ko ng maisip ko na naman sila.

Ano bang magagawa ko? Ang hina ko para mapagtanggol sila...

She,

Napatitig ako sa kawalan habang nanghihinang tahimik na umiiyak dito sa sulok ng silid na 'to.

Napatawa ako sa sarili ko, kwarto ko nga pala 'to.

Kinulong ako ng sarili kong ina nung nalaman kong di lang pala kami nag-iisa sa puso nya.

Mas lalo akong napatawa sa sarili ko, ang tanga ko. May kasalanan rin naman ako di ba? So, pantay lang kami. Tumakas ako sa sarili kong kasalanan kaya heto ako ngayon, pinapatay ako sarili kong katawan.

He,

Lumipas ang maraming sigundo bago ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kawalan. Marami na ring bata ang tumitingin saakin. Ang pinaka-ayaw kong tingin ng lahat. Tunuro nung bata ang kanyang mata habang naawang tumitingin saakin.

Hinawakan ko ang pisnge ko. Saka ko lang napagtanto, umiiyak na pala ako...

She,

Napahiga nalang ako papunta sa kanan ko, saka ulit nakipagtitigan sa hangin. Doon ko din yinakap ang sarili ko habang kumakalam ang sikmura ko atsaka namuluktot sa sobrang lamig.

He,

Hiniga ko nalang ang ulo ko sa lamesa ko. Nakaharap ako sa kaliwa habang tahimik na umiiyak duon. Mama...

She,

"Masama ka!"

Napapikit ako ng mariin ng naalala ko na naman ang kahapon. Lumabas ulit ang mga luha ko, nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Kahit hindi ako tumayo, alam ko kung sino yun sa aninong ginagawa nya. Tahimik parin ako.

"SANA IKAW NALANG ANG NAMATAY!!"

Dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan ko atsaka naupo at ngumiti saakin, ang mga ngiti na yan...

He,

"Mahina ka!"

May isang tao ang tumigil sa harapan ko. Wala akong paki-alam. Nagulat nalang ako ng naglean forward sya saakin para maging magka-level ang mukha namin dalawa saka inabot ang mukha ko at marahang hinawakan ang pisnge ko saka pinunasan ang luha ko gamit ang daliri nya. Napataas ang tingin ko sakanya dahil sa ginawa nya. Gulat ang rumihistro sa utak ko, "Pwede maki-share, Yan?" and my chest tightened.

She,

Huminto sya sa harapan ko at naupo para maabot nya ako. Inilahad nya ang kamay nya at ngumiti ng sinsero habang sinasabi ang mga salitang di ko akalaing may magsasabi pa saakin no'n, "Tara na, Tine. Uwi na tayo," saka walang prenong bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

He,

Tinitigan ko lang ang taong nasa harapan ko. Pinipilit nya akong ngumiti pero hindi, hindi ako ngingiti. Dahan-dahan nyang hinawakan ang mukha ko ng isa nya pang-kamay. Pinilit nyang ngumiti ako gamit ang thumb at index finger nya na linapat sa magkabilang dulo ng labi ko para sapilitang ngumiti ako.

Am I going to be happy after I do this?

She,

Nanginginig na inaabot ko ang kamay ko sa kamay nya. Hindi parin mabura-bura ang ngiti nya sa mga mukha nya kahiy na ang tagal kong inabot ang kamay ko. Konti nalang ng magdalawang-isip ako,

Tama na ba 'tong gagawin ko?

He,

Sighed, I slowly smile.

She,

Napapikit ako, inabot ko na rin sa wakas ang kamay ko sa kamay nya atsaka nya marahang hinaplos gamit ang thumb nya.

He,

Will I...

She,

Will I...

He,

...be ever avenge?

She,

...be ever forget?

**
She.

Napamulat ako. Habol ang mga hininga ko dahil sa panaginip ko. Panaginip lang...

It's been 5 years when help came to me and my horror stopped. It's been 5 years since I made a promise to him. If it wasn't for him, I won't be able to smile again.

I owe him, I owe them.

He.

5 years. 5 'effin years since she came. 5 long years since I felt safe when I'm with her. This is gayshit but if it wasn't for her, I will left in the dark. Forever.

Naka-upo parin ako sa loob ng Coffee Shop na sinabi ng girlfriend ko since 3 hours na ako nakatunganga at naghihintay sa wala. Napalumbaba nalang ako sa lamesang 'to. Ambagal talaga nung babaeng yun.

Yes, naging girlfriend ko sya. And I'm so glad that she became one.

She.

Naupo ako muna sa pagkaka-higa sa kama ko. Tama na kaya ang ginagawa ko?

He.

Napa-taas ako ng ulo ko. Mahahanap ko kaya sya?

**
She.

Will you...

He.

Will you...

+++

Mr. President and I

All Rights Reserved 2015

Copyright  ⒸAmaGNobody


Mr. President and I [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon