Chapter 2: The Glimpse of the Past

32 3 1
                                    

Mr. President and I by AmaGNobody

Chapter 2: The Glimpse of the Past

Krisistina "Panget" Santos

Ten years after... Joke! One night lang naman wahahahahah!! K. Nababaliw na naman ako. Eh pano ba kasi, di pa tumataas si Haring Araw eh gising na ako. Aba! Di nananahimik ang kaluluwa ko hangga't di ako nakakaganti sa mga dumuho! Ang simpleng babaeng tulad ko ay dapat hindi ginaganun! Ang mga babae rini-respeto, hindi binababoy letsi. Humuhugot ako, t-engene.

Shocks, ang talas na ng dila ko. Ganyan talaga kapag mga dumuho ang nasa paligid mo.

Naka-squat ako dito sa kama ko habang nakapalumbaba. Akalain mo naman, full moon ngayon?

Ano nga ba ang magandang plano para makapaghiganti sa mga kapatid ko? Para sila naman ang ma-epic.

Haay! Bugtong-hininga ko saka humiga sa kama ko. Paganahin mo utak mo, Christine!

++
Saran Santos

Nagising ako dahil sa silaw ng buwan ngayon. Triny kong matulog ulit kaso di na talaga ako nakatulog kaya napa-upo nalang ako sa kama ko habang tinitingnan ko ang mga kapatid kong humihilik pa.

Magkaka-linya lang kaming tatlo dito. May kanya-kanyang kama at ako ang nasa pinakadulo, sunod si Kuya Denon tapos sa huli si ever-brother.

Boring...

Eh kung bigla ko kaya 'tong gisingin? Napangisi ako, another trippings baby!

Hinablot ko ang unan na ginamit ko saka binato sa Kuya kong naka-nga-nga pa talaga.

Bigla naman itong napabangon dahil sapul na sapul sa mukha nya yung unan, "#$%&! #$%&! Asan ang mumu?! Asan ang mumu?!" paghi-hysterical ni Kuya Denon. Epic, wahahahaha!!

Bigla syang napabangon pero maliit lang 'tong kwarto namin kaya malaki ang tyansa na makatama sya.

At nangyari nga.

Nasipa nya sa ulo ang aking ever-brother kaya nahulog ito sa kama nya.

"Wahahahahahaha!!!!!!" tawa ko. Ang epic, t-ae.

Nang maka-recover naman sila ay bumangon naman si ever-brother pero bobo talaga sya at naslide pa kaya take-two ang pagkaka-untog sya sa floor. Wawa man. Hahahahahahahaha!!!

"Asan mumu? WAHAHAHAHAHA!!!" asar ko kay Kuya Denon.

Masama nya akong tiningnan kaya mas lalo lang akong napatawa. Mabilis namang nakalapit saakin si Kuya Denon at ever-brother at nakatanggap ng tig-isang batok sakanila.

Ouch!

"L-eche ka, Sharon! Halos mamatay na ako sa gulat nun tapos, puto lang talaga!" ratatatatatatatatat nalang ang narinig ko galing kay Kuya Denon. Di naman sya sumisigaw pero enough lang para marinig ko, aba. Di naman ako binggi 'no!

"Sharon, babawi ako sayo! Pano mo 'to nagawa sa sarili mong kuya?!" asar din ni ever-brother. Sharon ang asar nila saakin kasi may crush akong Sharon ang pangalan noon kaso ayun, na busted ako. Sad layp.

Kanya-kanya silang hinanakit saakin pero ako tawa lang ng tawa kaya napa-iling nalang sila. Hindi naman kami sabay na iniluwal ni Mama kaya mas nauna sya saakin ng 5 mins. daw sabi nya kaya kuya ko raw sya. Utut nya, 'noh?

"Tara sa kwarto ni Tinay?" suggest ni Kuya Denon kaya napa-angat ako ng tanong at napangisi. Now, that's what we're talking about!

++
Krisistine Santos

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. President and I [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon