Chapter One- Meet Darby Shaw

18 3 0
                                    


"Oh my gaaassssssssssss!!!!!"

Nawala ang antok ni Darby nang makita niya ang kanyang paboritong tsinelas na putol na dahil kinagat ni Zimba, ang kanyang Golden Retriever na aso. Bago pa na man yun dahil kabibili pa lang ng kanyang ina.


" Zimbaaaaaaaaaaaa! Walang hiya ka anung ginawa mo sa pinakamamahal kong tsinelas!!! Lumabas ka jan at magpakita!!! Dahil sa ginawa mong to sa akin hindi kana . . . . . . ."


Naputol ang sasabihin ni Darby nang makasalubong niya si Zaira ang kanyang kapatid.


" Umagang umaga ang ingay mo naman ateee! Daig mo pa ang tindera sa palengke!" litanya ng kanyang kapatid


" Kasi naman si Zimba eh! Sinira yung tsinelas ko. Ang kyut pa naman nun!" -nakasimangot niyang sagot


"Meron pa naman dun na isang trsinelas. Yun na muna gamitin mo pansamantala tsaka pala tumawag si Ate Gwyneth sa cp mo. Tawagan mo na lang daw siya pag gising mo. "


Pagkatapos niya pumunta sa banyo dumiretso siya sa kusina para mag almusal. Agad niyang kinuha ang kanyang cp at tinawagan si Gwyneth.


" Gwynnn! Napatawag ka raw?" sabi niya sa kabilang linya habang naghihikab.


" Hoyy Darby Shaw! Nakalimutan ata ang araw ngayon? " sabi nito habang nakabuntong hininga.


" Ay ou nga pala!" sabay tampik sa kanyang ulo.


"Ngayon pala tayo mag eenrol. Hay nako bhessst kung hindi lang talaga tayo jan nakapasa sa scholarship hind ako mag aaral jan" nakasimangot na sagot ni Darby


"Bakit naman? Hay nako mag asikaso kana! Ayokong manermon ngayon, hindi ako pari. Pupunta ako jan sainyo mayang alas dyes para sabay na tayo pumunta. Sige bye bye! Kita kits maya! Ciao!" sagot nito.


"Sige bhesst babayuuuu!"


Agad niyang linagay sa bulsa ang kanyang cellphone at nagtimpla na ng kape. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos maisip na nakapasa sila sa scholarship ng Unistate University. Isa ito sa mga sikat na unibersidad sa kanilang lugar. Mga anak mayaman lang ang kayang kaya pag aralin dito. Bukod sa sobrang mahal ang tuition dito, sobrang mahal din ang mga contributions kaya iniisip niya pa lang nanghihina na tuhod niya. Sabay sila ni Gwyneth nag exam pagkatapos nang dalawang linggo nakatanggap sila ng sulat na nakapasa sila sa academic scholarship. Kaya laking tuwa niya at ng kanyang mga magulang.


Naputol ang pag iisip niya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.


" Oh sino yun Darbs? San kayo pupunta? " saad ng kanyang ina na nasa kanyang likuran.


Dumating na pala ito galing sa pamamalengke . Ang kaniyang magulang ay may sariling canteen. Hindi naman ito kalakihan ngunit dinudumog ng mga tao dahil sa sarap ng mga lutuin at tamang presyo ng kanilang paninda. Dito namimili ng mga pagkain at ulam ang kanilang mga kapit bahay. Nagdarayo din ang mga trabahador sa kanilang canteen at mga empeyado na nagtatrabaho malapit sa kanilang lugar.

"Aalis po kami ni Gwyneth, mag eenrol sa Unistate University" walang buhay niyang sagot.


"Oh bakit parang namatayan ka jan? Ayaw mo ba dun mapalad ka nga dahil nakapasa ka. Nagkaron ka ng opportunidad na makapag aral jan sa isa sa mga prestihiyong unibersidad sa atin." sagot ng kaniyang ina.



"Hindi naman yun Ma pinuproblema ko. Paano ako makikibagay dun mayayaman ang andun. Eh parang basahan nako pag itinabi sa kanila. "


" Ano kaba Darby hindi naman yun tinitingnan sa istatus ng buhay. Nasa personalidad yan at prinsipyo. Wala iyan sa pisikal na anyo. Basta mag aral ka nang mabuti anak para yumaman ka din. "


" Ma wala tayo sa pelikula, hindi to MMK. . . . . huwag kang korny . . . Hahahahahahahahaha " sabay niyang tawa.



" Aba sino kaya ang nauna?" Linapitan siya ng kanyang ina at sabay na kiniliti sa kanyang tagiliran.



Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng pag aayos ng kanyang sarili at mga dadalhin. Nakapag linis na rin siya ng kaniyang kwarto. Napalitan niya na rin ng bagong sapin ang kanyang kama. Bumukas ang pinto at pumasok si Gwyneth. Hayyy salamat dumating na rin ang loka lokang babae.


" Goodmorning Darbzzzzz! ^____________^ " sabay ngiting pang miss universe.



" Good morning mo mukha mo! ~__~ Tara na!" aad niya habang hinihila si Gwyneth palabas ng pinto.

"Bye tita Beth!" paalam ni Gwyneth bago tuluyang lumabas ng bahay.


The Real ThingWhere stories live. Discover now