Chapter Two- Enrollment Day

13 2 0
                                    


Pagsakay nila sa jeep, agad na rumatsada si Darby kay Gwyneth.


"Hoy Gwayyyynn! Anak ni tinapa anong oras na sabi alas dyes!? Mag aalas onse na. May relo kaba!? Wala tayong special treatment dun. Hindi tayo mayaman na may secretary at sila na lang mag eenrol. " inis niyang sabi.


" Aba, sino kaya yung hindi interesado mag enroll dun at ngayon ayaw na ayaw ma late? Kilala mo ba yun Darbs?" saad ni Gwyneth habang nakangiting aso.


Agad na binatukan ni Darby si Gwyneth. Hindi na nakaganti ito dahil huminto na ang sinasakyan nilang jeep. Bumaba na ang dalawa bitbit ang kanilang envelopes.



"Wow grabe ang gaganda ng mga sasakyan!* O_____O* Ampogi ng mga estudyante! Daming menchuu! ^_____________^ kinikilig na sabi ni Gwyneth.



"Lord sana po magkaboyfriend na to ng kasama ko para makawala na siya sa kanyang mga imahinasyon at bumalik na siya sa kanyang tamang pag iisip" saad ni Darby habang nakatingala s akalangitan habang tawang tawa sa kanyang sarili.



"Tara na nga sa loob" nakairap na sagot ni Gwyneth.




Barrimore Residence:



"Magandang umaga po Señorito! Ngayon po kayo mag papaenroll sa Unistate University"


Agad na minulat ni Drew ang kanyang mata.

.

.

.

.

at pilit na sinisiksik utak niya ang sinabi ng kanyang katulong


Loading . . . . . . . .

.

.

.

.

.

.

.


Antok na antok pa siya dahil kakarating niya lang kagabi mula sa States. Dito na napag pasyahan ng kanyang mga magulang mag kolehiyo. Wala na siyang nagawa sa desisyon ng mga ito. Ang kanyang kuya naman ang naroon sa States dahil ito na ang mangangasiwa ng kanilang negosyo doon. Kung bakit pa kasi siya pinatapon dito. Mas gusto niya sa States dahil maganda dun plus the fact ang mga babae dun ay oaring mga dyosa sa kagandahan at mga seksing katawan.



"Senorito?" pukaw nito sa kanya.

The Real ThingWhere stories live. Discover now