Chapter 3 - First Sight

13 1 0
                                    



Tanghali na nang magising si Darby. Mataas na ang sikat ng araw ngunit parang ayaw niya pa rin bumangon. Ngayon pa niya naman balak bumili ng gamit sa eskwelahan. Pinikit niya ulit ang kanyang mata ngunit kumalam naman ang kanyang sikmura kaya no choice bumangon na siya at dumiretso sa banyo.


Naabutan niya ang kanyang kapatid na pilit iniabot ang saging sa mesa. Kaya kunwari'y pinagalitan niya ito.



" Hep! Ikaw pala ang nakakaubos ng saging ha! " nakapameywang niyang sambit.


Agad naman siya nitong hinarap at tiningnan nang matagal at seryosong sumagot.


" WALA KANG PAKI!" mataray nitong sagot sa kanya.


"Aba! Aba! Sumasagot kana sa akin?! " nakadilat niyang sabi.


Tawa tawa itong tumakbo palabas sa kusina. Naisahan na naman siya ng kanyang bunsong kapatid. Tatlong taon na si Cyeen. Sa murang edad nito, marami na itong alam tanda ng pagiging matalino nito. Mababakas sa maliit na mukha nito ang kagandahan na namana sa kanyang ina. Silang tatlong magkakapatid ay may malalantik na pilik mata, manipis na labi at matangos na ilong. Ngunit siya lang ang kayumanggi na namana niya sa kanyang ama. Si Zaira at si Cyeen ay mapuputi at malusog.


Habang kumakain si Darby ay panay pa din ang hikab niya.



"Grabe! Nakakatamad ngayoonnnnnn!" wala sa isip niyang saad habang nag iinat inat.



"Kelan ka naman sinipaag? Aberrr! Ni maglaba nga hindi mo magawa eh" bungad ng kanyang kapatid na siZaira.



"San ka galing? " tanong niya dito.



"Sa canteen, sinamahan ko si mama sa pamamalengke. Naubusan na ng mga pang rekado."



Tiningnan niya lang ito. Ito si Zaira, ang sumunod sa kanya. Nasa hayskul pa lang ito ngunit kung mag isip ito ay parang mas matanda pa sa kanya. Kapareho din ito ng kanyang ina, madiskarte sa buhay. Dahil sa kagandahan nito, kinukuha itong subject sa mga photoshoot at pagmomodelo. Mahilig itong sumali sa mga extra curricular ngunit tamad ito pagdating sa mga academic activity. Tamad itong magsulat at magbasa. Sa kabila nito nakakapagtakang hindi mababa ang mga marka nito. Kahit lagi niya itong kaaway mahal na mahal niya ito. Kaya napangiti siya sa kanyang sarili.



" Hoyy ate!! Nababaliw kana ba? Para kang ulol na aso jan. "

The Real ThingWhere stories live. Discover now