Bata pa lang ako sanay na ko sa hirap. Isa ko sa mga mapapalad na kabataang maagang namulat sa magulong mundo.Maaga kaming iniwan ng aming mga magulang. Wala ngang makapag sabi kung ano ba talagang nangyari sa kanila. Puro usap usapan lang wala namang katunayan.
Hindi ko tuloy alam kung sino ba talaga ko. Basta may kapatid akong babae at isang lola tapos hindi ko na alam kung sinu sino na mga kamag anak ko.
Yung pangalan nga naming magkapatid parang joke lang eh. Sabay kaming bininyagan nung piyestang bayan. Onse anyos ako noon at si Monica naman ay walo.
Basta sinulatan nung kapitbahay namin yung papel at sinabing Mariel at Monica Perez na lang daw ang ipapangalan samin. Nakasanayan kasi nilang Puti at Ningning ang tawag nila. Parang mga aso lang diba?
Dahil mahirap lang kami hindi ako nakatapos kahit high school. Tinamad na rin ako mag aral dahil madalas wala rin naman akong baon. Lagi rin akong absent para alagaan yung lola kong may sakit kaya ipinaubaya ko na lang sa nakababata kong kapatid ang pag aaral.
"Ate, malala na yung sakit ni lola. Kanina umubo siya may dugo na. Dalhin na natin siya sa ospital." Umiiyak na salubong sakin ni Monica.
Kitang kita ko ang pag hihirap ni lola sa sakit niya. Hindi namin alam kung anong klaseng sakit ang taglay niya. Hindi kami nagpupunta sa ospital para ipatingin. Ayaw kasi ni lola. Ewan ko, siguro natatakot siya. Pero ang madalas niyang sabihin, ipunin na lang para sa pag aaral ni Monica.
"Lola, pumunta na tayong ospital. Magpatingin na po tayo." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Wag na, wala naman tayong pambayad tsaka ayos na naman ako." Pagkasabi niya nun umubo na naman siya ng malakas at nakita ko yung mantsa ng dugo sa pinantakip nyang tuwalya.
Kahit anong tanggi ni lola, wala na siyang nagawa dahil agad ko na siyang inakay papuntang ospital.
"Malala na ang bronchopneumonia ng lola niyo dapat noon niyo pa siya dinala sa duktor para kahit papaano ay naagapan. Heto yung listahan ng gamot na kelangan niyang inumin. Lahat yan ay tatlong beses sa isang araw. Bawal pumalya sa pag inum at kailangan nakakain siya ng sapat bago inumin ang mga gamot."
Tiningnan ko ang risetang ibinigay sakin ng duktor. Tatlong klase ng gamot ang dapat niyang inumin. Bawat isang gamot ay nagkakahalaga ng higit kumulang kinse hanggang bente singko pesos kada piraso.
Siguro kung kumunsulta agad kami sa duktor, isa lang sa mga gamot nato ang kailangan naming bilhin.
"Monica, aalis ako bantayan mo si lola."
"Saan ka pupunta?"
"Basta dyan ka lang alagaan mong mabuti si lola."
Hindi ko alam kung saan talaga pupunta. Kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko. Wala naman akong mauutangang kapitbahay dahil pare pareho lang naman kaming mahirap pa sa daga.
Siguro babalik na lang ako sa dati kong gawain. Hahanap ako ng maiisahan. Kelangan kong dumiskarte. Bahala na, buhay ang nakataya dito.
Una kong tinambayan yung bus station. Araw araw maraming tao dun. Pero mukhang malas ang lugar na to. May mga gagong naghahanap din ng mabibiktima sa kabilang pwesto.
Lumipat ako sa palengke. Mas ayos dito. Siksikan ang mga tao. Lahat may kanya kanyang trabaho. Walang makakapansin sa gagawin ko.
Unang diskarte. Binangga ko yung mamang may katabaan kaya nalaglag yung bitbit niya. "Ate, dahan dahan naman." Kunwaring reklamo ko. Pagyuko nung mama saktong sa likod nakasuksok yung wallet niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/51839874-288-k31839.jpg)
BINABASA MO ANG
Deceive
RomanceMay bad words at Rated SPG so please be guided. The names used and the story are purely fictional. Kung may kapareho man hindi po ito sadya. Lahat ng ito ay imagination lang ng sumulat. I also allow criticisms wag lang hard. Happy reading!