Chapter 4

7 0 0
                                    

"Hoy Kai, ano bang kinakalkal mo dyan? Kanina ka pa hindi mapakali, daig mo pa yung bulateng inasinan!" Nagtatakang tanong ni Rica kay Kairi.

"Ha? Eh kasi yung notebook ko, hindi ko makita. Andun pa naman lahat ng pointers to review ko for the exam. Nakakainis, nasan na ba yun?" Patuloy pa din ang paghahanap niya.

"Andyan lang yun, saan naman mapupunta yun? Kung di mo naman inalis diyan siguradong hindi mawawala."

"Shit...." bulong ni Kairi sa sarili.

Natigilan bigla si Kairi. Naalala niyang hawak lamang niya iyon kagabi bago nagtungo ng library para sana ay humiram ng libro. Bakit naman kasi masyado siyang naapektuhan ng guwapong lalake na yun, kahit kailan talaga pahamak lang dala ng mga lalake na yan.

"Baliw, kasalanan mo dahil masyado kang nagpaapekto" bulong ulit niya sa sarili.

Nagulat na lamang siya ng bigla siyang kinalabit ni Rica.

"Yes te?? Anyare? So peg mo naman ngayon yung magsalita ng mag-isa?" Takang tanong nito sa kanya.

Ganun na ba siya kahalata. Nakakainis talaga tong bestfriend niya. Nakikita lahat ng kilos niya.

"Hindi, may naalala lang ako. Kahapon kasi nakalimutan ko yung hiniram kong libro sa library, bumalik ako. K-kaya lang may nakabunggo akong lalake kaya imbes na kukunin ko hindi ko na nakuha tapos naiwan ko pa yung libro ko." Nakasimangot ma sabi ni Kairi.

"OMG!! Really?? Guwapo ba siya? Naku, babae ka na!" Tuwang tuwang sabi ni Rica.

"Hmmm... O-oo. G-guwapo s-siya." Maikling tugon niya.

"Gosh! For the first time, narinig ko ding may sinabihan kang guwapo. He must be really handsome at saka teka bakit nag ba blush ka te?"

Napahawak na lamang si Kairi sa kanyang pisngi sabay iling.

"H-hindi n-no! Ikaw talaga kung ano anong napapansin mo." Sabay iwas niya ng tingin dahil baka kung ano pang masabi niya dito.

"Type mo no? Imagine, nakalimutan mo na nga yung notebook mo tapos pati mga books hindi mo na nakuha. Ganyan ba talaga ang tindi ng epekto niya sayo? Ngayon lang kitang nakita na nagkaganyan ka bak-..."

Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil dumating na ang English Teacher nila. Samantalang si Kairi ay napaisip sa sinabi ni Rica. Ano nga bang meron sa lalaki na yun at masyado siyang naapektuhan. Ipinikit niya saglit ang mga mata at ipinilit ng mag focus sa kanilang lesson.

Uwian na. Mag-isa na lamang si Kairi naglalakad pauwi, iniisip pa din niya ang notebook niya na naiwan niya. Binalikan niya ito sa lost and found sa library dahil baka iniwan dun ng kung sino pero wala siyang nakita.

----- CHARD POV -----

Pasakay na sana siya ng kotse na makita niya ang isang pamilyar na babae. Tinititigan niya itong maigi at bigla siyang kinabahan ng makilala kung sino ito. Nakayuko ang babae at tila malalim ang iniisip. Nagmamadaling kinuha niya ang notebook na nasa loob ng kotse at sinalubong ang paglalakad nito.

Ng malapit na siya at nagsalita siya bago pa muling makabunggo ang babae.

"EHEM...."

Nag-angat ng mukha ang babae na halatang nagulat. Tumingin ito sa kanya bigla at ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha nila.

Suddenly, everything seems to be different, again. Just like what happened yesterday. He's heartbeat became too fast again. He can't take his eyes away from this innocent looking girl. She's really very beautiful in her own way especially behind that thick eyeglass that she's wearing. He find her very irresistible and charming.

----- KAIRI POV -----

Nagulat na lamang si Kairi ng biglang may marinig na boses ng isang lalake. Nag-angat siya ng paningin dahil hindi niya napansin na kanina pa pala siya nakayuko.

Pag-angat niya ng mukha nabigla siya ng halos ilang inches nalang ang pagitan ng mukha nila ng lalakeng nakabunggo niya kahapon. Parang tumigil ang takbo ng mundo niya. Para bang wala siyang ibang nakikita, ang tanging naririnig na lang niya ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Gusto niyang iiwas ang mukha subalit parang hindi siya makakilos.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon