Chapter 5

10 0 0
                                    

"Hi,may I know your name?" Nakangiting bati ni Chard kay Kairi.

Nakatulala pa ding nakatitig sa kanya si Kairi na parang namaligno.

"May dumi ba ako sa mukha Miss?" Sabay inilagay niya ang kamay sa tapat ng mga mata ni Kairi.

Para namang biglang bumalik sa normal si Kairi. Napatingin siya sa kamay ng lalaki na nakaharang sa kanyang mga mata. Sa pagkataranta ay dali-daling tumalikod si Kairi at aakma na sanang tatakbo ng bigla siyang hawakan sa kamay nito.

"Wait Miss, what's wrong? I'm not a rapist. Why are you always running away from me? I'm a good person." Paliwanag ni Chard habang hawak pa din ang kamay ng babae.

"B-bi-bitiwan mo ako." Nauutal na sabi ni Kairi.

"No, I won't let you go unless you will let me know your name. Look, I don't wanna hurt you. I just want to know you. Hope we can be friends"

Napatitig si Kairi sa lalake, mukha naman tong sincere. Ang pinagtataka niya lang, bakit ba interesado tong malaman ang pangalan niya. Napakaguwapo naman nito at siguradong hindi siya ang tipo nito.

"Bahala na nga. Sasabihin ko nalang para makaalis na ako." Bulong niya sa isip niya dahil parang hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba.

"Kairi."

"Beautiful name. Bagay sayo. My name is Chard. Nice to meet you Mish." Nakangiting tugon ni Drew.

"I t-think pwede m-mo n-ng bitawan y-yung k-kamay ko." Nahihiyang sabi ni Kairi sabay tingin sa kamay niyang hawak pa din nito.

"Oh, I'm sorry. Are you sure you don't know me?" Nakatitig na tanong ni Chard kay Kairi.

Para namang napapasong nag-iba ng tingin si Kairi.

"Y--Yes. Why s-should I know you in the first place?" Kinakabahan man ay direktang tanong ni Kairi.

"Oh, nothing. Forget about it." Nakangiting sagot ni Chard.

Magpapapaalam na sana si Kairi ng bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Nagulat naman si Kairi ng bigla siyang hilahin ni Chard papunta sa Parking Area.

"T-teka, saan mo ako dadalhin? U-uuwi na ako. Kailangan ko ng pu-pumila sa terminal ng trycicle." Pinilit ni Kairi na kunin ang kamay mula kay Chard pero ayaw nitong pakawalan ang kanyang kamay.

"No. Ihahatid na kita masyadong malakas ang ulan." Pagtanggi ni Chard na hindi pa din binibitiwan ang kamay nya.

"P-pero...." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay pinutol na ito ni Chard.

"No, I insist. Don't worry, harmless akong tao. Ihahatid lang talaga kita and I forgot to tell you, nasa akin nga pala yung notebook mo. You left it yesterday." Nakangiting sabi nito at hinila na siya papasok sa kotse nito.

----- KAIRI POV -----

Hindi na niya alam kung paanong napapayag siyang magpahatid nito. Gulong-gulo siya sa mga pangyayari. Nakita niyang sportscar ang sasakyan nito, kahit naman wala siyang mga alam pagdating sa sasakyan sigurado siyang mamamahaling sasakyan ito. Nakapagtataka na bakit magkakainteres sa kanya ang ganitong klase ng lalake. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng pag-aalinlangan niya ay mas naramdaman niyang katiwa-tiwala si Chard.

Sinulyapan niya si Chard. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Napakakinis ng balat, parang walang pores. Mahihiya ang sinumang tatabi dito dahil sa bukod sa napakaguwapo ay mestiso pa. Ang tangos ng ilong nito at ang pula ng mga labi. Maganda din ang pangangatawan, parang ang sarap yumakap. Napailing si Kairi sa kanyang naisip. Puro kalokohan na ang naiisip niya, nadala lang siguro siya ng ulan. Bakit naman kasi may ganitong kaguwapong nilalang na nasa tabi niya ngayon. Hindi tuloy siya makapag concentrate.

"May dumi ba ako sa mukha? You're staring at me." Ngiting-ngiti sabi ni Chard kay Kairi.

Lumabas ang malalim na dimples nito.

"Geez, napakaperpekto naman ng lalakeng to." Bulong ni Kairi sa sarili niya. Gusto man niyang sumagot ay hindi niya magawa ng maayos. Nakatitig lang siya dito at hirap na hirap na magsalita.

"N-no. S-sa labas ako nakatingin baka kasi m-maligaw t-tayo." palusot niya sabay iwas ng tingin dito.

Nagulat na lang si Kairi ng makita niya na papasok na sila ng Village nila. Hindi naman siya tinanong nito kung saan siya nakatira, paanong nalaman nito ang address niya?

"I saw your address in your notebook. Next street na ang sa inyo diba?" Nakangiting sabi ni Chard na wari nabasa ang laman ng isip niya.

"Y-yes." Takang taka pa din si Kairi sa nangyayari. Maloloka na ata siya kapag nagtagal pa siyang kasama ang Chard na to. Bukod sa napakaguwapo, sobrang misteryoso pa at nababasa ang nasa utak niya. Ganon na ba siya ka obvious?

Nakita niya na lumiko na ito papunta sa kalye nila.

"W-wait. Dito nalang ako baka makita ka kasi ni Mama, magtataka yun kung sino ka."

"But I want to know your Mom."

"N-no please. Mapapagalitan ako. H-hinayaan na kitang ihatid ako dito kaya please pagbigyan m-mo na din akong umuwi mag-isa." Nagsusumamong sabi ni Kairi.

------- CHARD POV ------

Nakatitig sa mga mata niya si Kairi habang nakikiusap na huwag na niyang ihatid sa mismong bagay. He can feel his heartbeat is getting too fast. Her eyes is too expressive at parang hindi niya kayang tanggihan ito.

"Hmm.. Okay. Here's your notebook and by the way, Nice meeting you Kairi." Inilahad nito ang mga kamay.

Nag-aalinlangan naman itong inabot ni Kairi.

"N-nice to meet you din." Nahihiyang sagot ni Kairi at inalis agad ang kamay.

"Here's your notebook. Take care. See you again soon." Ngiting ngiting sagot nito kay Kairi at pinindot na ang unlock button.

Nagmamadali namang bumaba si Kairi. Sobrang lakas pa din ng tibok ng puso niya. Bago pumasok sa gate ay lumingon siya sa sasakyan ni Chard at nakita niyang naroon pa din ito. Pagpasok niya ay saka lamang niya narinig na umalis ang sasakyan nito.

"Diyos ko po... Panaginip ba ito." Napaupo na lang bigla si Kairi pagkapasok ng gate dahil pakiramdam niya ang nanghina talaga siya dahil sa bawat titig at ngiti ni Chard.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon