Chapter 3

10 0 0
                                    

---- Kairi POV ----

Kanina pa siya nakatulala simula ng makauwi galing sa school. Hindi mawala sa isip niya ang guwapong mukha ng lalakeng nakabanggaan kanina. He's really, really handsome, his eyes, his lips, his nose... so perfect. Everything seems to disappear when she saw his gorgeous face, ipinikit pa niya ang mga mata para mas lalong maging malinaw sa alaala ang mukha ng lalaking iyon.

She still remember the feeling when he hold her arms.. For a few seconds parang nawala siya sa sarili. Daig pa niya yung kinuryente bigla... His soft hands. Parang ang sarap maka holding hands....

"Anak! Halika na, mag dinner na! Bakit nakatulala ka? May problema ba? May masakit ba sayo?"

Nagulat na lamang si Kairi na nakapasok na pala ng kuwarto niya ang nanay niya. Sa kakaisip niya sa misteryosong lalake na yun ay hindi na niya namalayan ang oras.

"A--eh Ma, wala po. Ayos lang po ako. I-i-iniisip ko lang po yung exam namin. N-next week na po k-kasi." Nauutal na pagsasabi nya, hindi siya sanay magsinungaling. Ito ata ang unang pagkakataong nagsinungaling siya.

"Ikaw talagang bata ka, akala ko napano ka na. Halika na, kanina pa kita tinatawag. Kumain na tayo, mamaya mo na isipin yang exam mo." Nakangiting sabi nito at umalis na.

Natapik na lamang ni Kairi ang noo. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang epekto sa kanya ng lalakeng yun.

"Ano bang meron sa lalakeng yun? Sabagay hindi ko naman na sigurado siya makikita ulit." Bulong miya sa sarili.

"Anak, sino bang kausap mo diyan?" Takang tanong ng nanay niya na nasa tapat lang pala ng pintuan ng kuwarto niya.

Napabalikwas siya ng marinig ang boses ng mama niya.

"A-ay Ma, w-wala po, s-sabi ko po ano po kayang u-ulam natin?"

"Yung paborito mong sinigang, kaya bumangon ka na diyan." sagot ni Aling Teresa.

"Opo Ma!" At dali-dali na siyang lumabas ng kuwarto. Pinilit na din niyang alisin sa isip ang lalakeng kanina pa naglalaro sa isip niya.

----------- Chard POV ------

Hindi pa din mawala sa isip niya ang babaeng nakabunggo kanina. There is something about her that made him feel something strange inside his heart. Her angelic face, expressive eyes.... the way she speak and act innocently. Very naive.

When I hold her arms for a few seconds, my heart is beating so fast. Strange. He can't understand why.

Iniling iling niya ang ulo. Inisip na lamang niya na siguro ay nanibago lamang siya dahil kadalasan sa mga nakilala niya, kapag nakikita siya ay halos magpacute ng sobra at dumikit dikit sa kanya but with that girl, para bang wala siyang dating at imbes lapitan ay iniwasan.

Napangiti na lamang siya ng maaalala ang tila pagkapaso ng babae ng hawakan niya.

"She's different. I need to know more about her." Bulong niya sa sarili.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon