Emergency

4 0 0
                                    

Friday ng tanghale, I'm at work that time when I receive a text sa bahay, na isinugod si ate sa ospital dahil inatake sa puso, she has this sakit na tinatawag nilang rheumatic heart disease, yung sumasakit yung heart mo ng kusa rare lang pero matindi ang pain na naidudulot nito, nagfile agad ako ng emergency leave para mapuntahan si ate sa hospital far from my work. Habang nasa jeep ako hindi ko alam yung nararamdaman kung panginginig, marahil kaya dahil sa sobrang alala ko sa kalagayan nya, or kung how is she, kung madadatnan ko pa ba siyang buhay? 

Gosh, para akong timang sa jeep napapaluha at napapasmile nalang, wala na akong paki sa mga taong kasakay ko sa jeep. While nasa byahe dahil sa sobrang traffic kasi friday, naalala ko yung time na bago palang siya dumating sa bahay namin grade 3 ako nun! Solong anak ako ng Tatay at Nanay ko kasama naming sa bahay ang lola ko, mama ng papa ko, medjo may katandaan na din, matagal narin samin si si lola, since bata palang ako. Nagbakasyon lang si ate nun, kasama ng mama nya, kasi namatay nyang tiyohin niyang sundalo kapadatid ng mama nya. Magpinsan pala kami ni ate, si Papa at Papa nya ay magkapatid, bunso si papa 3 lang sila magkapatid, Yung tiyahin kung panganay nila, na may sarili naring pamilya pero kung makahingi ng pera sa tatay ko wagas, tapos yung papa ni ate yung sumunod, tapos si papa. 7 daw silang magkapatid namatay yung iba nung bata pa, sa hirap daw ng buhay dati. First kami magkita ng ate ko, hindi ko siya kilala personaly at wala rin akong background knowledge sa kanya kasi nga hindi pa ako nauwi ng cebu ever since. 

Galing ako ng school that time half day kasi may activities kami sa school, sympre yung tipong medjo katarayan lang ang dating ko that time, yun kasi yung sabi ni ate sakin kung anu ako dati, isang spoiled brat, medjo may pagkamaldita yung dating ko sa kanila. Sabi ko sa nanay ko, sinu siya? Sabi nya pinsan mo sa side ni papa, si ate chero mo, tapos sabi ni ate, si lang2x na ba yan? Palayaw ko sa probinsya kasi palangga daw pala kapag bisaya, gandang bata ah! Sabi sakin ni ate, kumusta ka? Sabi ko naman okay lang po. Ako nga pala pinsan mo, nice to meet you, sabi ko naman ah ganun po ba? Noong una wala pa akong paki sa kanya, kada dating ko ng bahay ready na merienda ko, damit kong pampalit, after that gawa ng assignments ko, hindi naman sa pagmamayabang pero kasama ako sa top ng klasi naming, since prep. Palang. Yung rule sa bahay, from school merienda, pengang konti din assignements, hindi ko naraasang maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata. Ang mga kalaro ko yung napunta sa bahay, dahil nga sa spoiled brat ako, isang beses na pumunta yung best friend ko sa bahay at till now eh bestfriend ko parin naman, pumasok siya sa apador ewan ko kung anu yung pumasok sa isip ko that time, na kinandado ko siya sa loob, buti nalang at andun nanay ko, binuksan agad yung pinto, after noon hindi na ulit bumalik yung bestfriend ko nun.

 Lumaki ako ng away bati kami ng nanay ko, yung konti bagay lang lumalaki, tapos lagging pabida sa tatay ko, yung pagkagaling ng tatay ko sa work magsusumbong agad, pero ako tahimik lang na nakikinig, hanggang lumala pa yung mga pangyayari. Kaya napalayo yung loob ko sa mismong nanay ko. Noong dumating si ate, nakitaan ko agad sya ng kabaitan, yung tipong kalmado lang tapos laging nakangiti. Since may pasok ako, sinama sya ni mama sa paghatid sakin sa school, pinagmamasdan ko lang sya, kasi super daldal nya pala, pero puro biro. Nafeel ko na may something sa kanya at gusto ko pa syang makilala, so nagrequest ako na sya ang maghahatid sakin sa school everday at magsusundo, which is gladly napagbigyan naman. 

One time nakalimutan kung patayin yung ilaw sa cr ng room ko. Pagkauwi ko ng hapon, nagdadakdak na nanay ko sabay sabi, bat di mo na naman pinatay yung ilaw sa cr mo, nag aakasaya ka ng kuryente etc. Iwan ko ba nababadtrip talaga ako sa nanay ko, pwde naming sabihin ng maayos bat ganun yung dating, tapos eto pa dumating na yung tatay ko from work, eh di si mudra ko, palapad ng papel, sabay sumbong, ay hindi pinatay ni Sam yung ilaw sa banyo ng kwarto nya. Haist para yun lang grabe sya makapagsumbong. Sagot ng tatay ko, eh di sana pinatay mo nalang, pagod ako sa trabaho anu ba yang mga sumbong mo. In short wala sa mood tayay ko, pero mabait yun, mas close kami ng papa ko kesa sa nanay ko. Though appreciated ko naman lahat ng ginagawa ng nanay ko para sakin, para samin. Hindi lang talaga kami close sa isa't isa, basta kami yung laging nag aaway sa maliit na bagay lang tapos lumalaki na.


"ATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon