"JEEP"

1 0 0
                                    

Habang na sa jeep parin, inaabot na ako ng ilang oras byahe, hindi parin nausad yung jeep na sinasakyan ko, ngtext si mama sakin na nasa ICU daw si ate minomonitor. Yung isip ko habang naiyak hindi ko alam kung anu na nilalaman, pumikit nalang ako, sabay nanalangin san g mataimtim, LORD GOD please po tulungan mo sa ate, hindi pa po sya pwde mawala, hindi ko po alam kung kakayanin ko, Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa jeep sa kaiiyak.

Nagising nalang ako nung may sumigaw balot pinoy, pinara ko na ang jeep kasi tatawid na stop light, eh sa kanan ang daan ko papunta ospital. Nagmamadali na akong pumunta sa hospital tinakbo ko na since malapit nalang naman at tanaw ko na. Pinanusan ko muna yung luha ko pati sipon ko, since ayaw ni ate na nakikita kong umiiyak o nasasaktan, alam na alam pa naman niya kapag naiyak ako. So para hindi nya halata nagsuot ako ng shade sa kalagitnan ng hospital. Sinalubong ako ng nanay ko, sabi niya nak si ate mo, nasa ICU hindi parin nagigising till now, sabi ko sa nanay ko, puntahan ko siya. As usual kapag ICU kailangan mo magsuot ng uniform kasi masyadong sensitive yung area na yun, while approaching the door of ICU, natanaw ko na si ate sa nakahiga sa kama with matching mga abobot na nakakabit sa kanya! Nilakasan ko muna yung loob ko baka sakaling makatulong at gumising sya.

Sabi ko, ate kumusta ka na? andito na ako, kala ko ba matapang ka? Diba nga sabay tayong mamatay walang iwanan? Huwag kang madaya gumising ka na jan, para makauwi na tayo, panu mo makikita yung anak ko sabi mo diba mag-aanak ako ng walo para masaya yung magiging pamilya ko, tapos ikaw isa yung may lahing may kulay ang mata? Anu na gising ka na jan! Gumising ka n ate, tapos kain ulit tayo sa labas yung all-time favourite mong hot and spicy chicken ng jolibbee na lagi mong pinadagdagan ung chilli powder kasi hindi mo ramdam yung anghang, tapos mag-e-estarbucks pa tayo, tapos buko shake, pizza, clydes, yung wanton noodles at may asado siopao mong paborito, pati yung halo halo ng chowking... malapit na sahod ko kaya dapat gumising ka na jan. 

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko, sa paghawak ko sa kamay nya ramdam ko ang pulso nya. Hindi ko na kinaya Charo, mali mali bat napunta kay Ms. Charo, since galing pa ako ng work, lumabas muna ako sa ICU at kumain ng dinner kasama ng nanay at tatay ko. Tinanong si mama kung anu nangyari at bakit inatake si ate, since sila lang naman dalawa naiiwan sa bahay, kasi si papa at ako ay napasok sa work, at hinahadtid at sinusundo pa din ako ni ate sa work, yun daw ang gusto nyang gawin, mahirap na daw kasi sa panahon ngayon, madaming loko-loko baka mapagtripan daw ako, mahirap na! Ang sabi ng nanay ko, pagkagaling daw ni ate sa paghatid sakin, kumain muna sya ng almusal nya, as usual mahilig sya sa kape sa umaga talaga, isang cup lang naman, tapos kakanin, okay pa naman daw sya, nagbibiroan pa nga daw sila ng mama ko. 

Ang pinagkakaabalahan nilang dalawa ang yung maliit na tindahan ni mama, yun ang binabantayan nila. Nagulat nalang daw sya, ng biglang umupo sa upuan si ate at huminga ng malalim, tapos ayun na, nawalan nan g malay, na nakahawak sa dib dib nya, kinakausap sya ni mama pero hindi na daw sya nasagot, kaya humingi agad sya ng tulong sa kapit bahay, buti nalang malapit lang kami sa Brgy. Hall naming, kaya dumating agad ang ambulansya at dinala na si ate sa isang private ospital, walang malapit na ospital samin, tapos tinawagan ni mama si papa, at yun nga tinext nya rin ako. After ng dinner umuwi si papa at mama sa bahay, sabi ko magpahinga na muna sila at ako na muna ang magbabantay kay ate ngayong gabi. Tinanong ko rin kung nainform na sila ante sa cebu yung family ni ate doon. Nainform naman na daw at darating sila kinabukasan. By the way si ate is 33 years old, single, never been married, never been kiss, never been touch! Pero nagkabf sya 3 amerikano sa iba't ibang taon, kahit medjo boyish sya! May itsura maganda sya mukhang mestisa, yung kaputian nya namana nya kay uncle yung papa nya, half bread daw kasi sila, yung lolo naming, kastila daw kasi. 


"ATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon