Chapter 6

72 3 0
                                    

HIndi na namalayan ni Faye na Umaagos na pala ang luha nya dahil sa pagbabaliktanaw sa kahapon .

"Ano ba Faye,tapos na yun nakaraan na lang,pero bakit ramdam ko pa rin ang sakit." .

"Good morning" ani nya sa dalawa.

"Mommy andyan kana po pala"

At tumingin sa kanya si Brennan.
Iniwas naman nya ang tingin dito.
At di ito pinansin.

"Baby, nagbreakfast kana ba?" Tanong nya sa anak.

"Opo mommy ".

Weekend kaya walang pasok si Shawn.

- Cordova Resort

Tinatanaw ni Faye ang anak na masayang-masaya na nakikipaghabulan kay Brennan. May saya din syang nadarama kasi mahal ni Brennan ang kanilang anak.

"Mommy! You want to join us? Halika na po"habang yumayakap ito sa kanya.

" Amoy asim na ang baby ko " sabay punas sa likod nito.

"Mommy, Si daddy pawesin din"

"Huh Daddy?"

"Opo mommy, sabi nya daw kung okey lang daw sa akin na tawagin ko syang daddy. Sabi ko okey lang kasi ang bait naman po nya."

Tila natural na sa anak na tawagin si Brennan na daddy.

"Punasan mo din sya Mommy"

At pinunasan nya si Brennan pero di nya ito matingnan ng deritso kaya minadali nalang nya ang pagpunas dito.

"Mommy, magswiswimming na kami ni daddy Brennan, sama ka mommy please. "

"Hindi pwede si Mommy baby eh"Ani ni faye.

"Pagbigyan mo na ang bata "wika ni Brennan.

"Please Mommy, langoy tayong tatlo."

"Sige baby,magpapalit lng si mommy"

"Sige mommy, bilisan mo po ha"

At iniwan nya na ang dalawa para makapagbihis. "

Nang bumalik na si Faye, nakita nya na nakikipagharutan ang kanyang mag-ama . Punong-puno ng halakhak ang bawat isa. Nakahubad na ngayon si Brennan na tanging short nalang ang naiwan at nakikipaghabulan sa anak. Hindi nya maiwasan na pagmasdan ito. He changed a lot. Mas gwapo ito ngayon at mas naging masculine ito kumpara dati.

Hindi nya namalayan na nakatingin na din pala sa kanya si Brennan. At papalapit ito sa kanya.

"So your staring at me?"

"Sa anak natin ako tumitingin at di sayo no"

"Ows maniwala, bakit nagblublush ka " pang-aasar nito.

"Ewan ko sayo ".

Tawang-tawa naman si Brennan sa reaksyon ni Faye.

Ilang sandali pa ay naglakad na sila pabalik sa cottage.
Karga-karga ni Brennan ang anak na nakatulog na sa sobrang pagod.

"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" Biglang pukaw ni Brennan sa katahimikan.

"Sige"wika niya.

Dahil sa Maghapong kalalaro ng mag-ama napagod tuloy ang anak kaya ayun tulog na tulog.

Nasa veranda si Brennan ng lapitan nya ito.

"Ano ang dapat nating pag-usapan?" Tanong nya dito.

"Kelan mo sasabihin kay shawn na ako ang Daddy nya?"

"Bigyan mo pa ako ng panahon Brennan .Ayokong Magalit si Shawn Sa akin "

"Because you weave a lie. Matalino ang anak natin alam kong maiintindhan ka nya"

"Pero-

"Wala ng pero-pero Faye, matagal kong di nakita ang anak ko at di ko na hahayaan na di ko mapanagutan ang pagiging ama ko sa kanya" medyo my bigat na pagkakasabi nito.

Hindi pa rin makapag isip si Faye matapos ang pag-uusap nila.

"Di ko alam kung ano gagawin ko".

To be continued...



My Arrogant EX (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon