Chapter 10

83 3 0
                                    

"Desido kana ba talaga ,anak? Tanong ng kanyang ina .

Kararating lang ni Faye matapos ang ag-uusap nila ni Brennan.

Marahang tumango si Faye.

"Inay, tama po ba ako sa desisyon ko?"
"Anak, may tiwala ako sa iyo. Kahit noon hirap na hirap tayo di ka pa rin sumusuko"

"Salamat po Inay"

"Anak kilala kita. Alam kong di lang si Shawn ang dahilan kung bakit pakakasalan mo sya"

"Opo inay mula noon hanggang ngayon mahal ko pa rin sya" nahihiya man ay umamin sya dahil yun ang totoo.


"Huwag kang matakot anak. Palagay akong mahal ka din ni Brennan. Alam ko kong pano ka nya tingnan . At tulad mo ginagamit lang din nya si Shawn para mapalapit ulit sayo"at ngumiti lang si Aling Ekit.

Niyakap naman nya ang ina. Mahal naman talaga nya si Brennan di yun nagbago kahit taon pa ang lumipas.

Kring-

*Brennan*

"Hello Honey, I want you to meet my parents tomorrow at exactly 8:30 .Same place pa rin"

"Okey!Sige " ang naging tugon lang nya dito.

"Okey lang talaga ung sagot mo? Wala man lang endearment na Honey, Love, Sweetheart, baby o di kaya ay Mahal ko" wika nito.
"Ano pa ba gusto mo isagot ko? "

" Gusto kong marinig ulit sa labi mo na tinatawag mo ako sa ganung endearment, tulad noon at saka soon you'll gonna be my wife. Let me hear it Baby"

"Opo, M-ahal ko"

"I want to hear that again personaly . Iloveyou Faye mula noon hanggang ngayon"

Hawak pa rin ni Faye ang Fone kahit wala na sa linya si Brennan tila naririnig pa rin nya ang huling sinabi nito. Mahal sya ni Brennan . At di yun nagbago .



Resto -
"Sir, andito na po si Maam" wika ng waiter.

"This way Ma'am " bungad sa kanya ng waiter ng dumating sya sa restaurant.

"Nasaan na sya" tanong ni Faye dito.

"Nasa 2nd floor po Ma'am "

"Okey!salamat "

"Andito na pala ang Honey ko "wika ni Brennan ng makalapit na si Faye sa pinareserve nyang table.

"Good morning po Ma'am at Sir " pagbati nya sa parents ni Brennan.

" oh, Iha bakit Ma'am at sir?. Mama at Papa na ang gusto kong itawag mo sa amin. Magtatampo ako pag inulit mo pa yan" sabi ng ina ni Brennan.

" Sige po mama" nahihiya man ay tinawag nya itong mama.

"Good, umupo kana iHa. Mas lalo ka yatang Gumanda ngayon iha"

" Salamat po. Di naman masyado"wika niya.

" Ma, Di naman ako pipili ng di Maganda. Ang swerte ko nga kasi nakilala ko ang Honey ko" tugon naman ni Brennan sa Ina habang kinikindatan si Faye.

" Asus, psaway ka talaga Brennan"

"Paano mo ba to Faye nagustuhan si Brennan? eh, pasaway to"

" Mama naman binubuking ako sa Honey ko"

" Sya nga pala Iha gusto kong Dalawin ang aming apo . Sa mga kwento kasi ni Brennan parang navivisualize ko itong pasaway na si Brennan noong kabataan nya" ani ng ginang.

"Wala pong anuman yun. Mas magiging masaya pa po yun kung makikilala nya kayo"

"Salamat iHa" Umaliwalas amg mukha ni Mrs Cordova.

"Umorder na muna tayo ma, at gutom na tong honey ko" singit ni Brennan.

" Sure. Wag ka mahihiya iha" sagot naman ni Mr. Cordova.

Matapos ang kwentuhan at dinner date nila sa parents ni Brennan inihatid na sya nito sa bahay.

" You look stunning right now Honey" biglang basag ni Brennan sa katahimikan Ng maihatid sya nito.

Tila hindi alam ni Faye ang sasabihin.

"Salamat" wika nya.

" Wait Faye"habang hinawakan nya ito sa braso.

"Bakit?"
"Gusto kong malaman ang sagot mo sa sinabi ko kanina habang tinatawagan kita"

" ang ano?"

"Sa iloveyou ko, wala ba akong response?" Tanong nito na tila parang bata.

"Huh"

"At gusto ko yung may baby, mahal, sweetheart "pahabol pa nitong wika.

"Ahmm. Pag-iisipan ko pa " tugon nya dito habang ngumiti.

" Aba madaya.I want to hear that again Faye" Pangungulit nito.

"I love- "

"Binibitin mo naman ako eh" maktol ni Brennan.

"28 years old kana Brennan pero kung umasta ka ngayon, parang bata"

"So ano ngayon. Eh,sa gusto kong marinig sa iyo na mahal mo rin ako. Kaya sabihin mo na"

"Mahal kita Brennan Cordova" ani nya.

"Pakiulet nga"

"Sorry, I can't repeat. So be alert!"

"Ang Daya mo "

Natawa nalang Si Faye sa reaksyon ni Brennan, parang teenager ito umasta.

Niyakap naman ni Brennan si Faye nang mahigpit na mahigpit.

"Ang saya-saya ko ngayon Faye, kasi mahal mo pa rin ako . It strengthened my decision to marry you Honey. " ani ni Brennan sabay halik kay Faye".

Tila nagkabuhol-buhol ang hininga ni Faye ng halikan sya ni Brennan. Naramdaman nya ulet ang bolta-boltaheng kuryente na naramdaman din nya noon.

To be continue...

P.S

Thanks For Reading.




My Arrogant EX (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon