Nilikha ng Diyos ang mundo para sa mga Tao, Ngunit ang mga Tao ay parang walang pakialam dito.
Nilikha niya ang mundo para may matirhan tayo, Ngunit sinisira Lang natin ito.
Ginawa niya ang mundo ng perpekto upang maibigay ang pangangailangan ng bawat Tao, Ngunit inaabuso Lang natin Ito.
Mayroon nga ba tayong pakialam sa ating kapaligiran? Siguro nga ay meron, Ngunit ang iba sa atin ay hanggang salita lamang.
Mahirap tanggapin na unti-unti ng nasisira ang ating kapaligiran at ang mga hayop ay nauubos narin sa ating kagubatan.
Sino ba ang dapat nating sisihin sa mga pangyayaring Ito? Ang Diyos? Ang gobyerno? O tayong mga simpleng Tao sa mundo. Alam natin sa ating sarili ang sagot, Ngunit bakit wala tayong ginagawang paraan at marami parin sa atin ang walang pakialam.
Nararamdaman na natin sa ating bagong henerasyon ang ganti ng kalikasan. Kabi-Kabila ang pag-baha kahit ito'y sanhi lamang ng mahinang pag-ulan, nagkakaroon ng lindol at pag-guho ng lupa. Iilan lamang yan sa mgakalamidad na atin ng nararanasaan ng dahil sa ating kapabayaan at tayo narin ang naaapektohan.
Ayon sa isang awiting pinamagatang kapaligiran.
"Bakit di natin pansinin ang ating kapaligiran, hindi naman masamang umunlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan. Lahat ng bagay na narito sa lupa ay biyayang galing sa Diyos kahit nung ika'y wala pa, Ingatan natin at wag ng sirain pa. Pagkat pagkanyang binawi tayo'y mawawala na."
Napakaganda ng gustong ipahiwatig, hindi man ito modernong awitin ngunit tiyak na kapupulutan ng aral.
Tayong mga kabataan, napapansin nga ba natin ang ating kapaligiran? o isa din tayo sa mga taong walang pakialam at taong puro salita lamang.
Mamulat tayo sa nangyayari sa ating paligid. Sabi nila "Ang kabataan ang pag-Asa ng bayan" sana'y tayo rin ang pag-Asa sa naghihingalo nating kalikasan. Manguna tayo! Mag tulungan tayo!
Wag na nating hintayin ang tunay na bagsik ng ating kalikasan ng dahil sa ating kapabayaan. Lahat tayo ay may kakayahang pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang. Wag tayo maging si Juan Tamad, tumulong tayo.
Wag tayo makampante dahil nasa Huli ang pagsisisi.
"Simulan na natin ang pagsalba sa ating Kalikasan, wag tayo magbulagbulagan sa ating kapaligiran. Dahil ang kinabukasan ay nakasalalay sa pag-aalaga natin ng ating kalikasan."
BINABASA MO ANG
Pansinin ang ating kapaligiran
PoetryTalumpating isinulat ko para magising tayo sa ating kapabayaan. Ako'y humihingi ng tawad Kung may mga maling grammar :)