"Sabihin mo na sa akin Macmac! Hinalikan mo na ako noon! Alam ko! Nakita ko sa isipan ko!"
Naglalakad kami ni Macario pabalik sa unit namin pero kinukilit ko siya. Matapos ang insidenteng iyon ay hindi na ako mapapakali. Alam ko, nararamdaman ko at sigurado ako na hinalikan niya na ako noon. Why would the sensation be this familiar if he hadn't kissed me before? Alam ko na totoo ang naalala ko. Hindi iyon panaginip o imahinasyon lamang.
Pumasok siya sa bahay, sumunod ako. "Bakit ba hindi mo ako tingnan? Macario Sakay!"
"Beanca, hindi! Nagkakamali ka. Hindi kita hinalikan. Why would I do that? You're a lesbian."
Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nainsulto ako sa binitiwan niyang salita. Oo nga naman, tomboy ako, bakit ko nga ba ipinagpilitan na hinalikan niya ako? And why did I even kissed him earlier. Sumimangot ako. Hindi ko na napigilan ang sama ng loob ko dahil sa mga sinabi niya. Ang tagal na naming magkaibigan pero ngayon niya lang ako tinawag nang ganoon at ngayon niya lang ako sinaktan ng ganito.
"Oh, bakit ka nakasimangot? I just told you the truth! I wouldn't dare kiss you cause you're a lesbian and you're also my best friend."
"O! E di para masaya, humanap ka ng best friend na hindi tomboy! Putang ina mo?!" Sigaw ko sa kanya. Padabog akong pumasok sa kwarto ko at nag-lock ng pintuan. Naupo ako sa kama at naghihinagpis na binugbog ang unan ko. Sa inis ko ay kinuha ko ang litrato namin ni Macario at itinapon iyon sa bintana.
Anong karapatan niyang tawagin akong tomboy? Oo, tomboy ako pero hindi niya pa iyon ginawa sa buong buhay naming dalawa.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tamara. Pinapupunta ko siya sa bahay kahit na disoras ng gabi. Um-oo naman siya. Ang sabi niya ay galing siya sa party ni Teddy. Apparently, tatakbo si Teddy bilang presidente sa darating na taon at kanina daw ang announcement nito na sinabayan ng engagement party. Hindi ko talaga maintindihan ang buhay na meron ang first daughter.
Pagbaba ko ng phone ay pumasok naman ang tawag ni Cornelia. Umiiyak siyang nagpapaalam sa akin. Uuwi na daw siya sa Arizona. Nagtatakang tinanong ko siya kung bakit, samantalang kararating niya pa lang noong nakaraang linggo. Hindi naman na siya sumagot. Binabaan niya lang ako ng phone tapos ay hindi ko na siya matawagan.
Hindi nagtagal, kumakatok si Tami. Alam ko. Nagsasalita kasi siya. Binuksan ko ang pintuan ko. Nakita kong nakatayo si Macario sa likuran niya tapos ay katabi ni Macario Si Ildefonso nanaka-black suit and tie habang si Tami ay naka-blue gown. Iyon yata ang kulay ng partido nila.
"After almost seventeen years ng friendship ninyo, nag-away kayo dahil lang sa tinawag kang lesbian ni Macmac, anong gusto mong itawag niya sa'yo? Shiboli? Leslie? What the hell is wrong with you?!"
Hinatak ko si Tami at muli kong ini-lock ang pintuan.
"Hinalikan ko si Macario." I hissed.
"So Helena is right, you are turning gay!"
"Hindi! Noong hinalikan ko siya, naalala ko na hinalikan niya rin ako!"
"So? What's the big deal?" Tami asked me. "It's not like you live in the seventeenth century! Kissing friends aren't a big deal anymore. May ka-fuck buddy ka nga dati diba, what was her name? Joan - Joan Santos!"
I rolled my eyes. Hindi nia maintindihan ang point ko. Big deal sa akin iyon dahil best friend ko si Macario at parang incest ang nangyari.
"Incest iyon!" Sigaw ko pa.
"Bakit? Nasuka ka ba noong hinalikan ka? Nahilo ka? Nandiri ka o baka naman deep inside you nakuryente ka at kinilig ang kiki mo? Just like what KD and his gang says. Hashtag, kilig bur sa'yo, hashtag, kilig kiks."
BINABASA MO ANG
Beanca Bella
General Fiction"I'm a lesbian, Macario." Iyon ang apat na salitang nagpabago sa buhay ni Beanca Bella San Isidro. Babae siya ngunit babae rin ang hanap niya. Wala namang problema iyon sa matalik niyang kaibigan na si Macario Sakay Emilio. Para kay Macario ay tang...