"Ganoon, ganoon lang umalis ka sa bahay ninyo?"
Iyon ang tanong sa akin ni Irma habang inaayos niya ang mga gamit ko. Naglayas ako at imbes na kay Helena magpunta ay kay Irma ako umuwi. Ayokong umuwi sa unit ni Helena dahil baka mapagalitan siya ng mga magulang namin, mas lalong ayokong umuwi sa bahay namin noon dahil ayokong maalala iyong mga nangyari noon. I sighed.
"Ayoko muna siyang makita. Masakit pa. The fact that he said that he will marry her hurts a lot. Mas masakit pa sa hinliliit na nabangga sa kanto ng sofa." Pareho kaming napabuntong-hininga ni Irma.
"Yeah, I know the feeling."
"Ng iniwan?"
"Nang mabangga ang hinliliit sa kanto ng sofa. Masakit nga iyon."
Napahagikgik ako. Niyakap ako ni Irma at saka hinalikan sa pisngi. She is like my big sister. Mas matanda siya sa akin ng apat na buwan at sa lahat siya ang madalas kong matakbuhan kahit na si Tami ang best friend ko. Si Tami kasi ay palaging busy sa mga bagay-bagay tungkol sa pulitika.
I sighed again. I don't know why but the pain inside me gets worst every day. Na imbes mabawasa ang sakit ay lalo lang iyong nadadagdagan. Hindi ko alam kung kailan pa iyon mawawala.
"B, anong gusto mong kainin? Chinese, Japanese o Bird ni M.S.E?" Humagikgik pa si Irma sa huling sinabi. Ang sagot ko ay kahit na ano na lang. Nahiga ako sa kama ni Irma at saka umiyak. Iyon lang ang nagagawa ko nitong nakaraang linggo. Tulala tapos tahimik na umiiyak. Miss na miss ko si Macario pero hindi ko siya kayang makita dahil nasasaktan ako kapag napapatingin ako sa kanya. Nasasaktan ako kapag sinusubukan niya akong kausapin. Sinabi niya na kailangan niyang pakasalan si Ningning, kundi ay mag-aaway ang mga magulang nila. Naiintindihan ko naman iyon, alam kong gusto rin ni Macario na makasama ang magiging anak niya pero sana hindi na lang niya ako pinaasa kung iiwan rin naman niya ako sa huli.
Kung sabagay hindi naman niya alam na mangyayari ang bagay na ito. I know for a fact that Macario loved me. I felt it in his very touch and kiss and the way he treats me. Siniguro din nila Irma na alam kong mahal ako ni Macario. Sinabi nila sa akin ang mga ginawa ni Macario noon para sa akin, kung paano niya ako tingnan, kung paano niya ako alagaan - lahat iyon ay alam ko, lahat iyon pero huli na. Kung iisipin hindi ko rin naman gusto na iwan niya ang bata para lang sa akin.
Kumain kami ni Irma tapos ay nanood na lang kami ng pelikula. Tinatawagan ko si Helena pero hindi naman siya sumasagot - nagtext ako para sabihin na nasa bahay ako ni Irma at h'wag na muna siyang magpunta sa unit ko. Ang sagot niya sa akin ay: Teh, hinahanap ka ni Tita Lexy, magpunta ka daw dito at birthday niya. For old time's sake daw...
Natulala lang ako. Ano naman ang gagawin ko sa birthday ng nanay ni Macario gayong hindi naman kami nag-uusap? Umalis nga ako sa bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya tapos pupunta ako doon.
Halos maibato ko ang phone ko nang tumunog iyon at magregister ang pangalan ni Tita Lexy. Hindi ko alam kung sasagutin koi yon o papatayin. Napatingin sa akin si Irma. Naibato ko ang phone tapos ay sinagot niya.
"Tang ina mo, Irma!" Sigaw ko.
"Hello, Tita Lexy. Si Irma poi to. Yes, Irma Hates, yes, iyong bida sa Every day is forever, yes, si Bernice nga iyong kontrabida doon. Opo. Bakit po ang dami ninyong tanong? Ahhhh! Ganoon po, okay pupunta po kami. Sige po, Tita. Thank you, Happy Birthday!"
Ibinalik niya sa akin ang phone. Nanginginig ang buong katawan ko.
"Bakit mo sinabing pupunta tayo?!"
"Sabi ni Tita nagluto daw siya ng bulalo at sisig. Alam mo naman na gusto koi yon! May kaininan kaya pumunta tayo!" Sigaw niya pa.
"Beauty queen ka ba talaga?! Ang hilig mong makikain! Patay gutom!" Sigaw ko. Wala akong nagawa kundi ang magbihis at sumama sa kanya. Malapit lang ang bahay ng mga magulang ni Macario sa bahay ni Irma. Halos sampung minute lang kaming nag-drive na dalawa. Nakasimangot ako. Ihahanda ko ang sarili ko sa makikita ko sa loob ng bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
Beanca Bella
Ficción General"I'm a lesbian, Macario." Iyon ang apat na salitang nagpabago sa buhay ni Beanca Bella San Isidro. Babae siya ngunit babae rin ang hanap niya. Wala namang problema iyon sa matalik niyang kaibigan na si Macario Sakay Emilio. Para kay Macario ay tang...