Ako Si...

9 0 0
                                    

Nauna ng umalis si Chloe habang medyo humina yung ulan. Malayo layo din kasi ang bahay niya dito. Samantalang ako 'di ganun kalayuan. Kung tutuusin nga puwede kong lakarin mula dito hanggang bahay. Exercise na din. Hehehe. Buti na lang at may dala akong payong.

Nagumpisa na akong maglakad pauwi. Hindi ako gaanong pagpapawisan nito kasi malamig yung simoy ng hangin. Sarap magmuni-muni. Nang biglang...

"Hi Miss." Napatalon ako sa gulat.

"Pasensiya ka na nagulat kita."

"Ah... okay lang..." Pero sa totoo 'di okay 'no. Buti na lang gamit ko yung payong kung hindi baka ginamit ko nang pang self-defense 'to.

Nagmadali na akong maglakad pero sinusundan pa din niya ako.

"Ako nga pala si Grane." Inilahad niya ang kanyang palad para makipag shakehands. Kukunin ko ba o hindi?

"Ako naman si..."

"Zia... Zia Quintos, right?" Ang mokong kilala ako?!

"Ang lakas kasi ng boses nung kasama mo kanina sa Cafe Amor." Paliwanag niya. Nababasa ba niya isip ko at nagpaliwanag siya agad?

"Bakas na bakas sa mukha mo yung mga tanong diyan sa isip mo." Pagpaptuloy niya. Kaloka naman 'to.

"Ahh... ehh... mauna na ako." At ang galing makisama ng weather! Biglang lumakas ulit yung ulan. Napansin kong hindi pala siya nakapayong.

"Gusto mong makisukob?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang ba?" Tanong niya.

"Parehas yata yung way natin pauwi?" Tanong ko naman. Ano ba 'to yung sagot namin tanong din.

"Saan ka nakatira? Kasi ako diyan lang sa may Villa Castillo."

"Ha?! Doon din ako eh." Okay, ang awkward naman.

"Kaya pala parang pamilyar ka sa akin." Kaya ba wagas kang makatitig sa akin kanina? Hahaha. Kala mo naman kaya ko talagang itanong yun sa kanya.

Tumango na lang ako at naglakad kami in complete silence. Sumusunod lang siya sa akin hanggang makarating kami sa bahay ko.

"Dito na ako. Gusto mo hiramin mo na lang muna yung payong. Puwede mo namang ibalik sa ibang araw."

Inabot ko ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Salamat Z!" Nakatalikod na ako noon at bubuksan na sana ang pinto. Pero naistatwa ako sa sinabi niya. 'Z', parang pamilyar sa akin. May tumatawag ba sa akin ng 'Z'?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Nakaraan...

"Z! Z na lang ang itatawag ko sayo." Sabi niya sa akin.

"Ang ikli na nga ng pangalan ko. Zia, 2 syllables na nga lang tinatamad ka pang sabihin."

"Para kakaiba. Lahat sila Zia o Iya ang tawag sayo. Gusto ko iba ang itatawag ko sayo at gusto ko ako lang ang tatawag sayo ng Z."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Kasalukuyan...

Hindi ako lumingon nung tinawag niya akong Z. May kakaiba talaga eh. Hindi ko maisip kung ano. Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Bigla ko na lang hinahawakan ang peklat sa ulo ko. Dahil kaya dito? Kaya hindi ko maalala? Totoo ba ang sabi ng doktor na maari ko nang permanenteng makalimutan ang ibang nangyari bago ang aksidente, bago ako na operahan at bago ako nagkamalay ulit. Ang huli kong naaalala may kasama ako sa aksidente. Pero 'di ko matandaan kung sino, kung ilan ba kaming naaksidente. Ang rami kong tanong noon. Pero ayaw sagutin nina mama. Huwag ko na daw pahirapan ang sarili ko na alalahanin ang mga bagay. Baka daw may dahilan ang lahat ng iyon. Kung bakit kami o ako na aksidente.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Makaraan ang ilang araw nakita ko ang payong ko na nakasabit sa may gate namin. Pagkuha ko may nakita akong note .

"Salamat sa payong, Z. ~Grane. :)"

At least marunong magbalik. Akala ko 'di na niya ibabalik yung payong ko e. Pero binabagabag talaga ako sa pagtawag niya ng Z sa akin. Ano bang meron doon, bakit kailangan Z ang tawag sa akin. 'Di naman kami close para bigyan niya ako ng ibang nickname.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Ano kaya ang pakiramdam niya ngayon? Naaalala niya kaya ako? Naalala kaya niya ang nangyari noon? Kung sino si Grey? Hindi doon natatapos ang lahat. Ngayon nagbabalik ako. Nagbabalik para sa amin ni Grey. Baka maalala mo ulit kami, Z. Ako, ako si Grane... Grane Ramos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon