"Bezz, kamusta na kayo ni Drake?" Hulaan niyo kung sino si Drake Ramos. Hehe.
"Eto bezz going strong kahit hindi masyadong nagkikita." Ngayon alam niyo na kung sino siya.
Oo siya lang naman ang boyfriend ng bezz ko. Kala niyo siguro porket ako ay walang boyfriend eh ganoon na din ang bezz ko, diyan kayo nagkakamali. Minsan tuloy iniisip ko pangit ba ako kasi walang nanliligaw sakin. Minsan nga pinatignan ni Chloe ang mga mata ko sa isang optical clinic. Seryoso talaga, kasi masyado daw akong praning sa itsura ko. Eto ang mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi sakin, "Bezz hindi ka pangit. Kelangan bang ulit-ulitin ko sayo. Matangkad ka, fair complexion, matangos ang ilong, close to hazelnut ang color ng mata, beach wave ang hair, mahaba ang eyelashes, natural ang pagkapinkish ng lips, sexy, magaling pumorma. Ano pa bang gusto mong sabihin ko para lang maniwala ka at matapos na ang kahibangan mo sa itsura mo ha?! ". Ano sa tingin niyo, maganda ba talaga ako o binobola lang ako ng bezz ko. ^^,
"Hay ang swerte mo talaga sa boyfriend mo, kahit malayo kayo sa isa't isa maganda ang takbo ng relationship niyo." Masaya ako para kay Chloe pero medyo may inggit na kasama.
"Ayan ka na naman bezz eh. Wag kang magalala darating din yung para sayo. 'Di lang siguro ito yung right time." Cheer up words ni Chloe sakin yan, as always.
"Bezz naman, masaya lang talaga ako para senyo." Depensa ko.
"Oo na nga lang." At nagtawanan kaming dalawa.
Pero minsan alam niyo kung hindi ko lang best friend si Chloe siguro pinalapa ko na siya sa mga tigre. Kasi naman kelangan bang ipagduldulan na 'di pa dumarating yung sakin. Sakit ha. Pero joke lang yun hindi ko ata kayang mawala ang bezz ko.
Isang araw may nakita ako sa may Café Amor na lalaki. Infairness papabol. Hahaha. Iyon ang madalas sabihin ni Chloe pag may nakikita siyang lalaki.
"Bezz!!! May papabol na ngayon ko lang nakita dito sa Café Amor." Excited na sinabi ni Chloe.
"Sabi na nga ba eh. Iyon ang sasabihin mo. (Sigh)"
Pero walang halong biro, hindi ganoon ka gwapo yung lalaki pero ang lakas nang dating niya. Feeling ko natangay niya ako. Whahaha... >:D Mafeeling lang talaga ako. Ano ba 'to ngayon lang ako na starstruck ng ganito.
"(Snap) Hoy! Ano bang nangyari sayo? Natangay ka ata nung papabol na iyon ha..." Gulat na sinabi ni Chloe.
"Ay... Sensya... Sorry... Na-ta-ngay.. nga... ata... talaga... ako..." Pautal-utal kong sagot.
"Wag mong sabihing crush mo na agad siya? Ikaw ha... Inlababo ka na ba?" super curious ng mukha ni Chloe.
Tapos ako parang nawawala na sa sarili. Hindi ko din alam kung anong nangyari sa akin. Ano ba itong nilalang na pumukaw sa aking walang kamuwang-muwang na isip. Whahaha. Para akong tanga. I can't imagine myself this way. Being driven by a man whom I don't know.
"Not really. He's just so charismatic, I think?" na papaenglish ako ng 'di oras.
"May pa not really ka pa dyan, eh na paenglish ka pa nga agad oh." Pangasar na sagot ni Chloe.
"OO nga eh. Natulala pa ako. Na starstruck lang talaga ako." Umamin na si gaga.
"Umamin bigla. Hahaha."
"Tatawanan pa ko. Umamin na nga ako oh. Ano pa bang gusto mo?" Medyo na asar?...
"Let's change the topic." Biglang sinabi ni Chloe.
Nagulat ako dun ha. Medyo naging seryoso bigla yung mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero medyo nahuhulaan ko na ata. Kasi may pagka protective si Chloe sa mga taong na sa paligid niya at lalo na sa aking bestfriend niya. May na amoy kaya siyang kakaiba sa paligid kaya siya nagkaganun? Maitanong na nga lang.
BINABASA MO ANG
Kailan?
Teen FictionHindi maiiwasang magtanong ng isang tao kung KAILAN darating ang mga kaganapang hinihintay na mangyari sa kanyang buhay. Tingnan nating kung hanggang KAILAN maghihintay at magtatanong si Zia Quintos.