Sa umpisa kasi parang wala lang, okay lang ang lahat. Parang pagsinubo mo yung kanin ngunguyain mo tapos lulunukin... 'Di ba ang simple lang, pero hindi pala ganoon kadali ang lahat minsan mapapaisip at mapapatanong ka na lang...
KAILAN?
Umpisa
Na sa may garahe ako noon, nakatulala sa wala, malayo ang tingin, malalim ang iniisip. Saan kaya ako dadalhin ng mga ibon kung maililipad nila ako? Saan kaya ako mapapadpad kung matatangay ako ng alon? Kung makakita kaya ako ng wishing star matutupad kaya ang wish ko? Kung kumidlat kaya eh magigising ako sa katotohanan? Nananaginip na naman ako ng gising. Hay buhay nga naman oh, parang life lang. HAHAHA. Nang bigla...
"Hoy teh! TEEEHHH... Hay naku nananaginip ka na naman ng gising. Hoy! (snap)" Pagsingit ni Chloe sa pagmumuni-muni ko.
"'Kaw naman oh, lam mo namang iyon lang ang libangan ko. Ang panandaliang makalayo." Sagot ko.
"Ang makalayo sa reyalidad, Zia Quintos? Oh pagiisip kay prince charming mo? HEHE." Binuo na naman nia ang pangalan ko.
"TSEEE... Loka ka talaga, isiningit mo na naman ang mga walang kwentang mga lalaki." Hehe, as if naman man hater ako. :P
"Hay ewan ko sayo. Parang 'di naman kita kilalang kilala."
Okay fine, panalo na naman siya. Lagi na lang akong talo. Kasi naman since grade one hanggang ngayong collage magkasama kami. Oh 'di ba daig pa ang mga conjoint twins ang drama naming dalawa. Pero kahit ganoon, magkaiba kami ng course. Si Chloe kasi ever since magaling pagdating sa computer, kaya IT kinuha niya. Ako naman kasi mahilig ngang maglakbay at magimagine ng mga bagay-bagay kaya pinili ko ang Mass Communication. Mahilig din kasi akong magsulat, pero minsan moody kaya nahihirapan ako.
"So ano na lalabas ba tayo oh ipagpapatuloy mo yang daydreaming mo?" Hay singit talaga 'tong best friend ko. :P
"Eto na po madam, tatayo na oh, magsasapatos na nga 'di ba..." Pangaasar ko habang binabagalan pa ang pagsisintas.
"Loka ka talaga! Dalian mo na ay." Pustahan tayo naiinis na si Chloe. HEHE... >:D
"At last dito na din tayo sa tambayan. I feel that I am home." Kaloka talaga tong si Chloe.
"Parang andito lang din tayo kahapon hindi ka na nagsawa. HAHA!" Pero sa totoo lang hindi talaga nakakasawa dito sa coffee shop na 'to...
"Asus nagsalita yung isa jan. Dito ka nga nakakapagisip ng mabuti."
"Hindi ko naman pinagkakaila iyon eh. Tahimik kasi dito at relaxing ang ambiance." Ganoon ka ganda ang Café Amor.
"Miss isang Boyfriend..." At nakakaaliw ang mga name ng drinks.
"Hay ang favorite ni Miss Zia. HAHAHA!!!" lokong Chloe to...
"'La pa kasing boyfriend eversince." Pabulong na pahabol nia.
"Bwisit ka talaga kahit kelan ka. Pasalamat ka at best firend kita."
"Thank you!!! :D" With an evil smile pa ang lola mo, kaloka talaga.
"Miss ako isang engaged..." Sabay tawa ng malakas na para bang wala ng bukas.
"Miss pa add ng choco-caramel cake." Heaven. My favorite combination of all.
So my life goes like this. Kung wala kami sa bahay, o sa bahay nina Chloe eh, sa Café Amor lang kami matatagpuan. Yun lang naman ang pinupuntahan namin. Madalang kaming magpunta sa mall hindi tulad ng ibang mga teenager dyan. Pag may magandang palabas sa sinehan saka lang kami pumupunta sa mall. Hindi din kami nagpupunta sa mga bar. Pumupunta lang kami kapag may manlilibre, ibig sabihin merong may birthday. Hehehe. Kala niyo siguro mahilig kaming magpalibre noh hindi naman kami ganoon ng bezz ko.
BINABASA MO ANG
Kailan?
Teen FictionHindi maiiwasang magtanong ng isang tao kung KAILAN darating ang mga kaganapang hinihintay na mangyari sa kanyang buhay. Tingnan nating kung hanggang KAILAN maghihintay at magtatanong si Zia Quintos.