ANG AKING PANAGINIP

19 0 0
                                    

~ANG AKING PANAGINIP~

Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa ginawa niya . Hindi ako mapakali dahil iyon ang ...

iyon ang unang halik ko sa isang lalaki .

Tumingin ako sa mga taong nakapaligid samin at mas lalo akong kinabahan dahil nandito pala ang aking buong pamilya .

Nagulat ako sa mga reaksyon nila .Tiningnan ko ang bawat reaksyon nila sa kanilang mukha ngunit tanging ngiti at walang halong galit o sama ng loob ang mga iyon .

Muli kong binaling ang aking atensiyon sa lalaking humalik sakin . Matangkad , matipuno , nasa tamang edad na at masasabi kong siya ang may angking kagwapuhan .

Ngunit , hindi ako nagpadala sa mga katangian na iyon at siya ay aking hinampas . Hinampas ko siya ng pagkalakas-lakas .

Namalayan ko na lang na sumisigaw ang mga kapatid ko dahil sa ginagawa kong paghampas .

Pero , ako'y napatayo at nagulat . Dahil sigaw na pala talaga ng mga kapatid ko ang gumagambala sa akin . At akin na lamang naiwika , "Hay naku, panaginip lang pala . Sayang din , gwapo yung lalaki sa panaginip ko"

~~

VOTE.COMMENT.SHARE.SUPPORT


BY: BABAENG BITTER :3


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aking PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon