Ang pagpapatuloy..
Vice's POV:
"Ha! gusto mo bang isa-isahin ko Jose Marie??!!"
Ayun na, tinawag na akong Jose Marie ni Kurba. Lagot ka waklaaa. Sagad na 'to, napuno na siya. Ramdam na ramdam ko ang galit ni K sa 'kin ng sinabi niya yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Para bang naipon lahat ng tampo, selos, at sama ng loob niya sa 'kin at ngayon lang niya nailabas ang lahat ng 'yon.
"Sige, simulan natin sa mga nangyari kanina lang." humarap siya sa 'kin, namumugto na ang mata niya sa kakaiyak kanina pa.
"Sa Sine Mo 'To.. yung madlang girl kanina nagse-sexy dance sa'yo. Alam mo naman na she's provoking you and yet anong ginawa mo?"
"Lumayo naman ako diba?" bigla kong singit.
"Yes, lumayo ka nga but after enjoying what she did! Hindi ka na nakuntento sa ginagawa niya at sinabayan mo pa!"
"Ano ka ba, nasa script yun! Kailangan ko yun gawin!" pasigaw kong nasabi na pareho naming ikinagulat. Nagkatinginan kami sa mata at biglang naging mahinahon ulit ang pagsasalita ko. "Wala akong choice sa sitwasyon K, kailangan kong gawin yun.."
"Pero nung na-turn on ka Vice, wala sa script 'yon.." halos pabulong na niyang sinabi saka lumayo ng tingin sa 'kin.
Napa-kibit balikat na lang ako. Totoo kasi ang sinabi niya. Marupok ako sa mga ganung sitwasyon at alam niya 'yon. Medyo tumagal pa ang pag-uusap namin tungkol sa nangyari sa Sine Mo 'To hanggang sa binago niya ang usapan.
"..And then, sa Kalokalike.. " lumingon siya sa 'kin.
"Oh, ano naman dun?" matamlay kong nasabi. Medyo napapagod na rin ako sa pagdidiskusyon namin.
"Iba yung ngiti mo kanina habang nakatitig ka dun kay girl." mahinang sinabi ni K sabay nagpa-pout-pout nanaman siya habang nakatingin sa baba.
"Nakatingin lang at naka-ngiti nambababae na? Hindi ba pwedeng naaamaze talaga ako kasi kamukhang-kamukha niya?" natatawa kong sinabi. Tumabi ulit ako kay K at niyakap ko siya sa likod. This time, hindi na niya ako tinaboy.
"Napatitig dahil sobrang kamukha eh hindi ka naman sa mukha nakatingin. Sa legs ka kaya naka-focus tapos nung pinaikot-ikot mo siya may pahawak-hawak ka pa sa likod na nalalaman kasi naka-backless siya." at nagpout nanaman po si Bb. Kurba.
"Eh may punchline kasi ako dun baby." hinigpitan ko lalo yung yakap ko. Pansin kong pinipigilan niya yung ngiti niya kaya pinagpatuloy ko ang panunuyo. "Kurba ha, pati legs at likod pinagseselosan mo. 'wag ka na magselos." nakangiti kong sinabi. I tried to kiss her sa lips kaya lang umiwas siya. Sa pisngi niya tuloy lumapat ang labi ko.
"Hindi pa 'ko tapos Vice.." sabay pingot sa tenga ko. "..and please stop smiling at me like that.. nawawala yung inis ko." Tinanggal niya ang kamay ko sa bewang niya saka siya humarap sa 'kin. "Sino yung girl na kasama mo kanina sa coffee shop? ang sweet niyo." sinabi niya habang pumipikit-pikit. Halatang pagod, gutom at inaantok na.
"She's a friend. Matagal na kaming magkaibigan pero bihira na kami magkita. She's in real estate kaya siya ang nilapitan ko at pinakiusapanang tulungan ako. May.. may gusto kasi akong bilhin na property e."
"But why are you extra-sweet? friend? eh ba't may pa-haplos-haplos pa sa hita mo?" naka-kunot noo niya habang sinasabi yun. Baka kung saan pa mapunta ang usapang 'to. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang dalawang kamay ni K at tiningnan siya sa mata. Inaamin ko sa sarili ko, medyo nakakastress na sa bangs 'tong pagiging sobrang selosa niya. Pero mahal na mahal ko kasi talaga 'tong babaeng 'to e. Napangiti ako bigla. Huminga ako ng malalim saka pinisil ang mga kamay niyang hawak ko pa rin ngayon. "Nagkakamali man ako minsan. Napapagod. Nauubusan ng pasensya. Nakakagawa ng kasalan sa'yo. Nahuhulog sa tukso. Hinaharot at humaharot man sa iba. At madalas nadidisappoint ka. Pero tandaan mo 'to.." hinawi ko ang buhok niya at hinawakan ang baba "Mahal na mahal kita. Sa'yo lang ako nagkakaganito Karylle at sayong-sayo lang ako." And then we kissed that arguement goodbye.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Chances, Choices, Changes♥
FanfictionMy 2nd book. The continuation of "A ViceRylle Christmas Story (Anyare sa Disyembre?)" ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
