NEGAtron

7.5K 79 5
                                    

[A/N: This chap is dedicated to my crazy crazy friends na nagrequest ng madramang tagpo. Sorry hindi ko forte yan pero I tried naman. Lam nyo yan, bet na bet nyo kong pahirapan e. haha! love you mga baks ♥ ]

Ilang araw matapos makaalis ang kanyang ina pabalik sa U.S. ay nagkaroon ng contract signing si Vice para sa bago niyang endorsement na isang clothing and shoe line. Makalipas ang minuto ay wala pa rin ang executive na pipirma sa kontrata kaya naman nakipagchikahan muna si Vice..

Vice: Oy girl, kmusta naman kayo ni ano..

Mae: Nino?

Vice: Sino pa ba? Yung mahilig magluto teh!

Mae: Ha? si.. ? ano ka ba, wala yun. Friends lang kami noh..

Vice: Chosera! ahahaha! wag mo akong ineeching jan, kita ko kaya kayo girl nung kumain kayo sa..

Mae: Shhh! ..wag ka ngang ano, group date yun..

Vice: Group date? talaga? Yung totoo.. Bakit may akapan at akbayang nagaganap ha? ahahaha!

Mae: Malisyosa! haha! wala nga, friends lang talaga kami..

Vice: Preeeends?? oyy ah wag mo kong ineechos sa mga ganyan kasi alam na alam ko yang 'friends lang' na yan.. *belat* yung totoo..

Natigilan ng ilang sandali ang kanilang pagchichikahan nang..

Deo: *tingin sa phone* Ok, she's here.. *tumayo para sumalubong*

Nang makalayo na si Deo ay nagpatuloy ang chikahan at harutan ng dalawa pero tuluyan itong naputol nang dumating na ang hinihintay nila..

Mae: kaw na bakla ka ayaw mo talaga akong tantanan ha? *kurot kay Vice* hahaha! *lingon sa paparating saka tumayo*

Vice: palaka ka kasi, puro ka echos! ahahaha.. *inayos ang damit saka tumayo rin at paglingon kila Deo..

^___^ .. -____- .. O___O

*pinagpawisan bigla*

Natigilan si Vice nang makita niya kung sino ang kasama ni Deo, hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang iisipin. Tila huminto ang mga tagpo ngunit bumilis ang kanyang pulso pati na rin ang kanyang pag-hinga at habang papalapit sila Deo ay lalo siyang naging tensyonado dahil..

Vice: (hindi.. hindi ito totoo.. no.. no it can't be.. it can't be her.. )

Deo: I want you all to meet.. *smiles then lingon kila Vice* an executive of knoxville who is also the chief marketing officer.. Ms. Kathy M. Santillan.. *leads Kathy palapit kila Vice*

Mae: *smiles then extends her hand kay Kathy*

Kathy: *shake hands with Mae then smiles at Vice*

Vice: *lutang* (Ms. Kathy M. Santillan.. Kathy M. Santillan.. Kathy Mendoza Santillan.. Kathy.. hindi.. bakit.. paano.. pero.. )

Deo: *clears his throat*.. Vice, are you ok?

Mae: *lingon kay Vice* Namumutla ka ata? saka.. *hinawakan si Vice* pinagpapawisan ka ng malamig.. O.O

Vice: Ha? aaah..

Kathy: *smiles* Uhmm, I think we should proceed now to the contract signing..

Naupo na ang lahat at nagpatuloy..

Sa sobrang pagkabalisa ay hindi maintindihan ni Vice ang mga nakasaad na salita habang binabasa niya ang kontrata at sa huling pahina ay tila nakalimutan ng kanyang kamay kung paano isulat ang kanyang pirma.

Mae: Vice.. *tapik sa balikat ni Vice*

Vice: *lingon kay Mae* ..ha?

Mae: *tiningnan si Vice sa mata* Lutang ka nanaman jan, ano ba nangyayari sa'yo?

ViceRylle: Chances, Choices, Changes♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon