3

27 0 0
                                    

Francis POV

Gamit ko ang isang kotse ni kurt ngayon, hinatid nya pa kase sila Chloe imbis na mag aayos ako ng gamit ko ngayon naging tagasundo pa ko ng lasing

Matigas talaga siguro ang bungo ng babaeng yun

Mabilis akong nakadating sa bar tinanong ko sa guard kung asan sya dahil sikat naman pala sya sa bar na to

Nakita ko sya sa VIP area andun sya sa dulo mag isa natutulog na ata, tsk wala sa itsura nya yung pagiging bitch, maganda sya, oo.

Agad ko syang tinulungan

"Les, si Francis to sakin ka pinasundo ni Chloe" sabi ko sa kanyang habang tinatapik sya

"Hanubah!" Maldita nyang sagot

"Umuwi na tayo" agad ko syang tinulungan tumayo, kinuha ko ang kamay nya at inilagay ko iyon sa balikat ko

"Gushto ko pa huminom eeh"

Amoy alak na sya, ba naman to ayoko ng ganito eh. Napasubok pa ko tsk

Agad na bumuhos ang malakas na ulan kaya napabuhat ko sya

Nabasa pa kami dahil ang gulo nya

Wtf di ko alam kung saan sya nakatira? Tulog na tulog sya eh

Sa condo ko na lang nga muna, walanju to oh may bisita ahad akong babae sa condo ko, kabago bago

Habang nag dadrive may narinig akong ring ng phone, sakanya ata yun? Naisip ko na baka sila Chloe yun kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag sa kanya, para matanong ko kung saan ko ito iuuwi

Nang makita ko ang tumatawag ay napangiti ako, swerte ko talaga oh! May mapagtatanungan ako kung saan sya ihahatid

Ate Lirah Calling...

Sinagot ko agad ito

F: Hello po?
AL: he-hello? Sino to?
F: uhm Francis po, eh kaibigan po ni Leslie pasensya na kung nangialam ako ng phone nya eh sinundo ko po kase sya sa bar dahil lasing na lasing na di ko po alam kung san sya iuuwi
AL: ay ganun ba? Salamat Francis ha? Bago ka sya sigurong kaibigan, pwede bang ikaw na munang bahala sa kanya? Pakisabi na lang na tumawag ako ha?
F: ah okay po sige

Nang mapatay na ang tawag, ako na muna ang humawak ng cellphone nya tsk kainis naman asan ba ate nya?

Isa lang ang kwarto ko, eh san ko patutulugin to?

Malakas pa din ang ulan, pinasan ko sya papunta sa kwarto ko, dito na muna sya pagtingin ko sa orasan

2:30am na ng madaling araw, di pa ayos ang mga gamit ko, bukas ang uwi ni Dad dito sa pilipinas

Inayos ko ng higa si Leslie at tinanggal ang high heels nya

Grabe ang taas taas ng takong, di ba sumasakit paa nya? Siguro mga nasa 7 inch to, kakaibang babae

Antok na antok na ko bahala na! Pambihira sa sala na nga lang ako

-

Leslie POV

Nagising ako ng sobrang sakit ang ulo, nanlaki ang mata ko ng makita kong ibang kwarto to? Asan ako? Ang kwarto ko kase is color black and pink
Pero ito white, gray, and black. May mga bagahe pa dito, pag tingin ko sa orasan 11:30am na tanghali na

Lumabas ako ng kwarto at nanlaki ang mata ko? Eh? Bakit kami lang ni Francis andito? Condo nya ba to?

Ang aga aga busog mata ko, ang ganda ng katawan nya! Ang hot nya! Kyaaah

Naalimpungatan sya ng biglang may mag dorbell sa condo nya

*ding dong*

"Gising ka na pala" sabi nya habang naunat pa, tumayo sya at agad na tinignan kung sino ang nag dodorbell

Di nya ito pinansin at agad na umupo ulit sa sofa

"Bakit di mo binuksan?" Tanong ko

"Guard namin yun sa mansion sasabihin lang nyan na anjan na si Daddy" paliwanag nya saken

"Eh? Ah. Pano ko nakadating dito?" Tanong ko, napatingin sya saken

"Pinasundo ka ni Chloe saken, lasing na lasing ka. Pwede ka na umuwi ayoko ng may babae sa condo ko" sagot nya

"Sungit mo ah! Psh di naman kita pinilit sunduin ako!" Pagtataray ko kainis kase, aga aga

"Psh mag thank you ka na lang kaya" naiinis nyang sagot

"Tss in ur face duh makaalis na nga!" Agad kong kinuha yung bag ko sa kwarto nya at nagsuot ng sandals ko

"Oh cellphone mo, tumawag ate mo kagabi" walang gana nyang sabi sabay bato ng phone ko sa kabilang sofa

Ugh kainis to!

"Sungit di naman pogi psh! Aish kainis!" Pagtataray ko at agad na nagdabog paalis

Kainis kala mo napakagwapo nya? Nakakainit ng ulo ang aga aga, dumercho ako ng starbucks para naman lumipas ang init ng ulo ko

Tinext ko si Chloe na pauwi na ko, bibilhan ko ng muffin si Bree dahil alam kong ayun ang pampaalis ng badtrip nya, kawawa naman ang kaibigan ko

-
A/n: Ayan na lang muna po for this week, sana may nagbabasa yung my one and only you ko po wala na, kainis isang chapter lang sana buburahin ko kaso lahat ng chapter nabura, super sayang yun :(

Marrying the Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon