14

11 0 0
                                    

Francis POV

Nakatingin ako sa babaeng akala mo wala ng bukas kung makangiti habang nagtetext, tss kanina pa nasa harap niya ang breakfast niya di pa kumain psh

Tinitignan ko lang siya habang ngumunguya ng tinapay

Napailing na lang ako, kakakilala pa lang nila nung Erick na yun kagabi tapos ganyan na siya? Diba playgirl siya? Bat parang ang bilis niya mafall kay Erick psh

"Babae kumain ka na at aalis na tayo" sabi ko dahil may date kami ngayon

Nag pout siya at tumingin ng masama sakin

"Excited much? May pupuntahan ka ba?" Pagtataray niya

"Wala tss dalian mo na" sabi ko sa kanya

Nag dabog siya at kinain na niya ang breakfast niya mabilis naman niyang naubos ito dahil nag mamadali akala mo aalis yung cellphone niya tapon ka yang iPhone niya eh

Nauna ako sa kotse, bahala siya bagal bagal kumilos ng babaeng ito

Pumasok siya at nag pout nakatitig pa saken

"Sungit sungit mo ang aga aga" sabi niya at iniripan ako

"So?"

Pinaandar ko na ang kotse tapos naririnig ko pang mahinang tumatawa si Shekinah, seriously?!

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito nagtext si Joshua

Joshua:
Bro, practice mamaya mga 5:30

Kumunot naman ang noo ko ng may nagtext na naman na unkown

Unkown:
Di ka niya mahal, di ka na niya mahal, wag ka ng umasa.

-Kr

Sino nanaman ba itong nag text saken ng quotes psh, baka sa susunong chain message na ang ipasa nito ah

"Sama ka mamaya sa practice ha?"

"Sure sure"

Busy din ang school ngayon dahil sa dadating na dalawahang tinig si Shekinah at ako ang napili para sa kakanta kailangan kasi babae at lalaki

Halos isa't kalahating oras ang biyahe dahil malayo ang megamall sa amin

Pumasok agad kami at kita ko sa mukha niya ang gulat ng hawakan ko ang kamay niya

Kaya bumulong ako habang naglalakad kami

"Anjan lang yung stalker natin"

Agad naman siyang tumingin sa paligid, kumapit siya sa braso ako at pilit na ngumingiti, ang OA naman nito mag acting

"San mo gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya

"skating" excited niyang sabi

Okay din naman ang naisip niya

Bumili na ako ng ticket namin nakita ko ang stalker sa mga nanunuod kaya ako ang nag suot ng skating shoes kay Shekinah

Kakaiba ang pakiramdam ko sa tuwing ganito ako sa kanya, di ko maintindihan

Pumasok kami sa ice skating rink

Habang umaandar ang oras ay masaya kaming nag sskating ni Shekinah di ko alam ang pakiramdam na ito

Bakit ganito ang nafifeel ko? Feeling ko kami lang ang tao dito, parang nag fafast forward ang lahat, halos kaming dalawa lang ang laman ng isip ko

Yung ngiti niya sa labi niya at ang mga tawa niya na masarap pakinggan, hindi pwede to, girlfriend ko si Andy

Dalawang oras kaming naghahabulan, nagtutulakan, naghaharutan sa skating rink

Marrying the Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon