Leslie POVNag aayos ako ngayon para sa alis namin ni Francis with Ellie
Excited na akooo!
Simple lang ang suot ko dress na red na may print na maliliit na bulaklak tapos nag white shoes lang ako
Nag lagay ako ng pulbos sa mukha at konting liptint tapos ay nag perfume na at kinuha na yung sling bag ko na black na may design na maliit na gucci sa pang lock
Bumaba ako at nakitang naka ready na si francis simple lang ang suot niya
Naka long sleeve lang na color gray at plain black na short at white shoes din
"Ready?" tanong niya
"Yessss!" tuwang tuwa kong sagot
"Mag iingat kayo ha, baka gabihin kayo may pasok bukas" Ate Lirah
Nag flying kiss na lang ako sa kanya tapos umalis na kami
Oo nga pala lalake ang anak ni Ate
"san tayo?" tanong ko
"Trinoma nakipag meet dun si Ellie eh"
"really? Business?" tanong ko habang chinecheck yung mukha ko sa salamin
"No kalandian"
Nakadating naman agad kami sa trinoma at adun na nga si Ellie
Mas gwapo siya kesa kay Erick
Matangkad, maganda yung build ng katawan, ang sexy ng lips niya parang kay donny pangilinan, tapos ang ganda ng mata niya
Umupo na kami at nag kamayan si Ellie at francis ako naman ay nag hi
"Tangina pre kala ko nasa california ka pa din eh"
Wow ang sexy ng boses niya pang mayaman talaga yung tono
"Alam mo namang mas gusto ko sa pilipinas" sagot ni Francis
"Leslie anong nagustuhan mo dito sa mokong nato?" pagbibiro niya
"waley alam mo naman arrange marriage" reklamo ko na natatawa
Andito nga pala kami sa italianni's
Umorder na muna kami bago patuloy na mag kwentuhan
Breakfast pa lang naman kaya umorder ako ng crispy pancetta bacon
Si francis naman ay nag primera tapa tapos ay si Ellie naman ay nag pork grilled pork belly
Mabilis lang makaclose si Ellie
Kalog siya at sobrang lakas ng dating
Di muna namin inoopen up yung tungkol sa business mas gusto kong maging friends muna kami bago partnership para mas madali
"Oo nga pala pare si Erick sa school nyo di ba kayo mag kakasalubong?" tanong niya
"nagkakasalubong pare, walang pinagbago utol mo mang aagaw pa din"
"why?" tanong ko
Di nga pala alam ni Ellie na magkakilala kami ni Erick, di ko na lang sinabi
"Kilala mo si Ari?" tanong ni Ellie
"yes ex niya and my forever enemy"
"hahaha inagaaw kasi dati ng utol ko yun kay Francis" kwento ni Ellie
"really?!" gulat kong tanong
So matagal ng magkakilala sila Erick and Francis?
"wait ha? Pano ba kayo nagkakilala?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Marrying the Queen Bee
RandomLeslie Shekinah Gonzales, isang babaeng gusto lang ay mapansin sya ng kanyang magulang Lumaki syang ang kasama lang ay ang mga katulong ang tumayong nanay nya na si Manang Nene Bitch, Queen Bee, Play Girl, Bsd Girl, Siraulo ngunit matalino ayan la...