Chapter 2

6 0 0
                                    

Sa labas ng gate ay natanaw ko ang matangkad at matipunong lalaki. Nang lapitan ko ito ay nakita ko ang tangos ng kanyang ilong, may singkit na mga matang nakakaakit, maputi at maginoo ang tindig. "Babe," sigaw. Oh bakit ang tagal mo sa loob?" Tanong niya. "Nakatulog ako, pasensya na." Sabay yakap sa kanya. Nginitian nya ako ng napakasarap at hinalikan sa noo. "Kumusta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya. "Nakakastress pero masaya kasi kasama kita." At nagtawanan kaming dalawa.

"Ang sama ng tingin ng iyong ama sakin kanina."
"Hayaan mo na yun. Pagod lang din yun." Sabay akbay sa kanya.

Dumaan kami sa Luneta para mamasyal saglit. Nakita ko si ama na may ksamng babae, maputi, balingkinitian at napakasweet nilang nag-uusap at nagsusubuan ng chichirya. Ang pintig ng aking puso ay bumilis, nag-init ang aking mga tainga, nakaramdam ako ng sakit at pagkainis, tila nawala ako bigla sa aking pag-iisip. Lumipas ang ilang minuto, "Babe? Babe? Ano bang problema?" tanong ni Emman sakin. "Ayy, wala. Sumasakit ang ulo ko." Pangangatwiran ko.

"Tara punta tayo sa SM Manila para lumamig yung mainit mong ulo."
Hinila ako ni Emman at ng pagtingin ko ay nasa mall kami.

Tumambay kami dun ng mga isa't kalahating oras. Medyo nabawas-bawasan ang inis na aking nadarama ng maglalaro kami sa World of Fun.

"Babe, gusto ko ng umuwi."
"Okay ka na ba?" Pag-aalala niya.

Ngumiti ako at hinagkan niya aking mga labi. Habang nag lalakad kami ay kinamusta niya aking mahal na ina. Alam na ni ina tungkol sa amin ji Emman, hindi naman siya tutol sapagkat mabait ang aking kasintahan. Mahal na mahal ko si Emman at alam niya yun.

Kinabukasan, hindi ako pumapasok sapagkat may usapan kami ni Emman na mamamasyal kami.
Tumunog ang aking cellphone, binasa ko ito. "Babe, malapit na ako. Antayin moko a? I love you."
Balisa parin ako dulot ng pangyayari aking nakita sa Luneta. Sasabihin ko bas a aking ina? "Okay :) reply ko sa texxt niya.

Ang Lason ng Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon