Kumikinang! Sobrang kumikinang na chandelier aking pinagmamasdan ngayon na nasa gitna ng lugar na kinatatayuan ko. So stunning!
Kumuha lang ako ng tubig dito sa gilid pero pagtingala ko sa taas ay sobrang laki ng chandelier ang aking nakita. Hindi ito nakakasilaw, at sobrang nakakakislap lang sa'king mata ngayon. I love it!
Pero sa tagal ng oras na pagtingala ay sumakit na leeg ko kaya ibinaba ko nalang ito at ininom ang tubig na kanina ko pa hawak. I'll just drink it half, and turned my gaze to the man I was with earlier. Si Quian.
Quian? He's my college classmate back then. Sa 1st year lang dahil 'di naman ako ganun katalino sa kanya. We were both BS Accountancy student before. Siya nanatili, ako hindi. It's so hard to maintain a passing grade for that degree. Kaya sa pagsapit namin noon ng 2nd year, bumagsak ako at napilitang mag-enroll sa BS Accounting Technology.
Mahirap 'pag yung degree mo ay ayaw mo naman talaga, at napilitan ka lang dahil sa negosyo niyo. Tagapagmana nga sana ako sa banko ng pamilya namin, 'di ba?
Yet, my ambition is to be a flight attendant. It's not only the idea that I wanted to pursue my mother's cancelled dream because at that moment when she was about to fly a week ago, they discovered being pregnant on me, but it is really my desire to be like one ever since I saw flight attendants when my first time to travel abroad, and my heart was softened and sparked that I decided to be like them someday. They are so beautiful and always smile when serving passengers, and the thought that I could travel around the world is such an achievement for me.
Pero hindi ko magawa ang mga bagay na iyon dahil nakatatak na sa aking isipan at inaasahan ng lahat na ako ang susunod na tagapamahala ng kompanya na kasalukuyan itinataguyod ni Daddy.
But eventually, I became what my dream is, against the life that was expected of me. Kahit sa panahon na iyon man lang. Eight years of living with my dream is enough. Just enough.
Now, I'm starting to accept the fact that it's until there. I don't know what my life would be after this, but I'm hoping that it will be fine for me and that I can still be happy even without living with my dream.
Tinignan ko ulit si Quian. It's been nine years already. There have been many changes to him, but some characteristics remain.
As I watch him, he's still the most hot guy ever known to the people who know him. It fit his chinito skin and eyes. He's so tall, too, that reached 6 feet and 2 inches. He had such built-in muscles that at first glance, you would literally stun and mesmerize him.
Pero sa ugali? Ewan ko. Hindi mo naman mararamdaman iyon sa titig lang, e. He always had a lively face and always had a smile plastered on his lips before. He has an interesting and mischievous personality, but when you get to know him better, a wild character is engraved in his soul. Naiinis din siya minsan. Yung hindi niya pinaplastik ang mga tao. Prangka siya. Basta kung ano ang nasa isip at ikakabuti naman sa tao, sasabihin niya ng walang pag-alinlangan. Wala talagang sugarcoating na mangyayari.
Nang dahil na rin hindi kami nag-unfollow sa mga social media at isa pa, kasama ko sa trabaho at apartment ang pinsan niyang si Klea kaya alam ko parin ang mga ganap niya sa buhay.
Ewan ko kung bakit 'di ko siya inalis sa mga following list sa social accounts ko at pinapakinggan din mga kwento ng pinsan niya tungkol sa kanya. Hindi ko alam. Pero marahil, baka naisip ko na darating din naman ang panahon na kaya ko na siyang makita. Noong una talaga na nahahagilap ko ang mga larawan niya sa social medias ay naiiyak ako, pero paunti-unti, sa tinagal na ng mga araw, buwan at taon ay nasasanay na ako. Kaya ko nang makita at mapakinggan ang mga bagay tungkol sa kanya. Kung ginawa ko lang din i-chat siya ay baka hindi umabot ng ganito katagal na mga taon na nalayo kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Marrying My Ex-bestfriend
General FictionSi Venierah Elyze "Irah" Cervantes Buenavista ay bilang panganay na anak ay alam niya ang responsibilidad sa magulang. Obligasyon niyang sumunod sa utos at yapak ng kaniyang ama bilang tagapagmana ng kanilang negosyong napalago at itinatag pa simula...