Si Venierah Elyze "Irah" Cervantes Buenavista ay bilang panganay na anak ay alam niya ang responsibilidad sa magulang. Obligasyon niyang sumunod sa utos at yapak ng kaniyang ama bilang tagapagmana ng kanilang negosyong napalago at itinatag pa simula sa lolo nito. Labag man sa kanyang loob ay sinunod niya parin ang kapalaran na ginusto ng pamilya. Pero sa hindi inaasahan ay bigla nalang nag-iba ang lahat. Isang pagkakataon na nagtulak sa kanya na sundin ang gusto ng kalooban. Nagpatuloy siya sa sariling pangarap at napagtagumpayan naman ito. Namuhay siya sa ibang bansa, sa edad na 21 ay naging Flight Attendant at ninais malibot ang buong mundo. Habang abot na abot na niya ang kanyang pangarap ay may nangyari naman na dahilan ng pagputol ng kanyang mga nais. Bumalik siya sa Pilipinas, at pinilit nalang ang sariling mamuhay sa gusto ng pamilya. Si Quinito Angelo "Quian" Davis Madrigal naman ay lumaki siyang kakumpetensya ang kanyang nakakatandang kapatid. Hind niya rin ito kasundo at laki ng pagkakaiba nila, mapa-ugali man at diskarte sa buhay. Pero madalas ay ito parin ang pinapaboran sa huli dahil halata ang pagiging paboritong anak ng kanyang mga magulang. Sa edad na 27, nang dahil sa pagpapatunay sa sariling kakayahan ay siya ang naging Chairman ng kanilang negosyo. He's the most determined and competitive man when it comes to his goals in life. Sina Irah at Quian ay matalik na magkaibigan noon. Nasira lang ang pagkakaibigan nila dahil sa isang nakakasuklam na pangyayari. Sa siyam na taon nilang hindi pagkikita, sila'y nagtagpo at haharapin ang makapagpabago sa kanilang buhay. Ito'y pagpapakasal sa isa't isa. Akala ng babae ay pangkaraniwang pagkakasundo lamang ng kanilang mga magulang, ngunit hindi pala. Ito ang magdudulot ng kanyang matinding kabigoan at pagtuklas sa kanyang nakaraan.
4 parts